Limang Paraan Para Pasiglahin ang Social Media Para sa Negosyo Mo sa 2021 | ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Kumusta ka-negosyo? Sana nasa mabuti kayong kalagayan. Handa ka na bang sumabak sa 2021 sa iyong Negosyo?  Kukumustahin ko lang sana ang aspeto ng marketing na isa sa pinaka mahalagang parte ng istratehiya sa pagnenegosyo.Kung pagtutuunan mo ito ng extrang pansin, marahil ay makikita mo na meron pang ikagaganda ang pagnenegosyo mo ngayong taon.

At dahil nasa pandemya pa din tayo, alam mo naman na ang digital marketing ang pangunahing instrument sa pag-abot sa iyong merkado.

Dahil sa malaking usapin ang digital marketing, pagtuunan natin ang social media. Ito kasi ang isa sa magagamit dahil bukod sa libre ang platform na ito, maraming maaabot na mamimili.

Narito ang ilang paraan para pasiglahin ang social media marketing ng negosyo o startup mo sa 2021.

O, ano, tara na at matuto!

#1 Siguraduhing naka-setup ang lahat ng pundasyon

Siguro naman naka setup na social media page o business account mo? Kasi kung personal na account lang ang ginawa mo at ginagamit sa kasalukuyan, gawa ka na agad ng propesyunal na page o business account.

Ang pangunahing social media platform na dapat gamitin sa Pilipinas ay ang Facebook. Ang mahigit 50 milyong katao na puwedeng maging kostumer mo, ay di biro. Kaya dapat maayos ang pundasyon nito.

Sa Facebook, may sariling 13-point checklist na ipinapakita ang mismong FB. Ilan dito ay ang paglagay ng contact number, email addres at website address ng negosyo.

Ayusin mo muna ang mga ito bago ka sumabak sa 2021 social media marketing mo.

#2 Saliksikin ang kumpetisyon

Lahat ng negosyo ay may kakumpitensiya kahit papaano. Madalas, may nauna na sa ideya mo. Kaya naman kung magsasaliksik ka ng mabuti, may shortcut ka na sa social media marketing negosyo mo. Sa paanong paraan?

Kung sasaliksikin mo ang bawat aspeto ng mga ginagawa ng kakumpitensiya mo sa social media, malalaman mo ang mga dapat iwasan, paghandaan at gagayahin o mas papalawigin, di ba?

Ang pagsaliksik sa kumpetisyon ay simple, ngunit kailangang masinsin at may konting analysis. Search mo ang at Facebook bilang pangunahing paraan kung saan makikita ang tungkol sa kanila. Kapag nakakita ka ng kapareho mong negosyo, malamang makikita mo sa baba o gilid ng search results ang iba pang kakumpitensya mo. Tandaan mo na maaaring direkta o di direkta ang kompetisyon ha?

Ang mga dapat tingnan ay ang mga piling produkto na kanilang mina-market at ano ang mga ginagawa nilang paraan sap ag-market sa social media, lalu na sa FB. Dito mo malalaman kung ano ang istratehiya nila sa kabuuan ng negosyo nila dito.  Pag-aralan mo din ang branding at pagpapalawig ng kanilang reputasyon.

#3 Alamin ang mismong pinaka-kostumer mo

Kung di mo pa lubos na kilala ang merkado mo sa larangan ng social media, alamin mo ito. Alamin ang kung ano ang binabasa o pinapanood nila at kung ano ang mahahalagang bagay na kanilang pinagtutuunan ng pansin, pinag-uusapan at sinusundang mga isyu o bagay-bagay.

Merong simpleng analytics ang FB Page na tawag ay Insights. Dito nakikita ang mga trends, likes at kung anu-ano pa ukol sa page mo.

Meron ding mga libreng social analytics tools na makukuha online upang magawan ng forensics ang page mo at ang total na reputasyon mo online.

Ang pag-aanalisa ng kostumer mo ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng paggawa ng isatrtehiya sa social media marketing mo.

#4 Video! Video! Video!

Halos 80 porsyento ng milenyal at GenZ na merkado ay sa video nahuhumaling. Ito kasi ang pinaka-epektibong paraan upang mahuli ang kostumer sa social media. Kaya namamayagpag ang Youtube dahil sa aspetong ito.

Maraming uri ng video ang puwede mong gamitin. Nariyan ang gumagalaw na poster na video ang format. Merong mga online events o seminars kung saan mahabang diskusyon ang puwedeng gawin. At siyempre, may online video ads na maaaring gawin.

Kung hirap kang mag-isip ng gagawin, manood muna ng mga videos na nag-eendorso ng mga brands. Marami yan, kasama na ang mga pagsingit ng brands sa mga influencers.

#5 Patatagin ang relasyon sa kostumer sa social media

Maraming paraan ang pagpapalawig ng relasyon sa mga kostumer at nais makuhang kostumer sa pamamagitan ng social media. Sa Facebook, ang maayos na setup ng chat o messenger ay mahalaga. Eto kasi ang gagamitin mong awtomatikong taga-sagot sa mga mag-me-message sa page mo. Puwede na kasing automated na ito. I-setup mo ito.

Sa mga posts mo naman, siguraduhing may link sa messenger o sa website o anumang contact details sa captions ng mga post. Para matapos nilang makita ang mga posts mo, alam nila saan pupunta.

Sa mga comments naman, i-manage mo ito ng mabuti. Huwag kang mag-engage sa mga negatibong comments. Sa halip, sagutin ng maayos at ituro sa messenger para pribado na ang pagsagot.

Tandaan na ang gagawin mo sa page mo ay siyang magbubuo ng reputasyon mo.Kaya maging masinop sa istratehiya.

Konklusyon

Ang pagtuon mo ng pansin sa social media marketing para sa negosyo o startup ko sa 2021 ay mahalaga. Dahil na din sa pag-shift ng kostumer online ngayong pandemya, ayusin mo ang istratehiya dito.

Tandaan na ang pagnenegosyo ay nangangailangan ng sipag, tiyaga at dasal. Huwag kang mawawalan ng loob kung makakaranas ng pagsubok. Tuloy lang!

Si Homer Nievera ay isang techpreneur at makokontak sa chief@negosentro.com.

(Visited 3,436 times, 1 visits today)