Tips na Patok sa Marketing Para sa Maliit mong Negosyo
Tips na Patok sa Marketing Para sa Maliit mong Negosyo | ni Homer Nievera | Kumusta ka-negosyo? Umarangkada na nang husto ang mga negosyo, maliit man o malaki sa pagbaba sa Alert Level 1 ng gobyerno. Nahaharap pa rin tayo sa pandemya, natututo na ding mamuhay ang mga tao na kasama ang virus na Covid-19. Pero dahil may banta pa rin, tuloy pa rin ang pagsuot ng facemask at ang pagtalima sa mga basic health protocols gaya ng social distancing sa iba’t ibang establisimiyento.
At dahil na din tumataas na ding muli ang kakumpitensiya sa pagnenegosyo, marapat lang na talakayin natin ang isa sa mahalagang aspeto ng pagnenegosyo na tinatawag na MARKETING.
Sa panahon ngayon na medyo lumuluwag na ang pagnenegosyo dahil sa Alert Level 1 natin, mas lalong naging mahalaga ang paggamit ng marketing dahil naging dalawa na talaga ang klase ng merkado – online at offline (o face to face)
Walang magic, unibersal na diskarte na magpapabago o mag-aangat sa iyong negosyo. Wala akong literal na ideya kung ano ang gagana para sa iyo, dahil hindi kita kilala. Hindi ko alam ang iyong negosyo. Hindi ko kilala ang iyong mga kostumer.
Ngunit sa kabutihang palad, alam mo ang iyong negosyo! Alam mo ang iyong kostumer! Yan ngayon ang magiging basehan ng ating diskusyon sa pitak na ito.
Magsimula na tayo.
Tara na at matuto!
#1 Pagsasagawa ng Content Marketing
Ang content marketing ay ang proseso ng paglikha at pamamahagi ng mahalaga, nauugnay, at pare-parehong nilalaman (o content) upang maakit at mapanatili ang paghihimok sa kostumer na bumili.
Hindi tulad ng bayad na advertising, ang content marketing ay higit na nakatuon sa mga pangmatagalang resulta. Ang paunang kabayaran ay malamang na mababa, ngunit ang pangmatagalan, napapanatiling paglago ng mga bisita sa website, mga leads, at mga kostumer ay maaaring mag-isang magdala ng isang negosyo.
Malawak ang sakop ng content marketing, ngunit makikita mo ito sa lahat ng aspeto ng digital marketing gaya ng social media, blogging, video, SEO, at maging ang nilalaman ng iyong website. Basta’t nakakapaglabas ka ng impormasyon na babalik-balikan ng mga kostumer mo, naroon ang pagsasagawa ng content marketing.
#2 Pagsabak sa Social Media Marketing
Siyempre nabanggit ko na ang aspetong ito sa pagdaan natin sa content marketing. Kasi nga naman ang pagsasagawa ng mga caption at graphics sa iyong mga post ay may kinalaman sa istratehiya ng content marketing.
Ang paggamit ng social media para sa negosyo ay talagang isang non-negotiable. Kasi, 67% ng mga mamimili ang gumagamit ng social media para sa suporta sa kostumer, at 33% ang mas gustong gumamit ng social media sa halip na ang telepono. Kung hindi mahanap ng mga tao ang iyong negosyo sa pamamagitan ng social media, hahanapin nila ang iyong mga kakumpitensya na naroroon sa mga gustong social channel. Ganun kasimple, di ba?
Ang tunay na tanong ay hindi kung dapat kang magkaroon ng mga aktibong social media account. Ito ay kung gaano karaming oras i-invest sa pagpapalaki ng iyong mga tagasunod, o posibleng kostumer.
Para sa ilang negosyo, makatuwirang mamuhunan nang malaki sa paglago ng tinatawag na organic na social media.
Halimbawa, ang mga gumagamit ng Instagram na sumusunod sa mga influencer ng fashion ay aktibong naghahanap upang bumili ng mga bagong istilo. Sa pamamagitan ng pagbuo ng isang aktibo, mahilig sa fashion na target na kostumer, ang isang retailer ng damit ay maaaring bumuo ng isang pare-parehong direktang channel ng pagbebenta – sa Instagram o Facebook.
Ang susi ay ang pagtukoy kung nasaan ang iyong mga kostumer at kung paano nila gustong lapitan ng iyong brand. Kung ang social media ang sagot sa parehong mga tanong na iyon, ito ang perpektong channel para sa iyong negosyo. Bukod dito, kadalasang libre lang ang channel na gagamitin mo, at babayaran lang ang mga influencer o tagagawa ng mga posts at caption.
#3 Pagbabalik sa Email Marketing
Ang pag-market sa email ay ang pundasyon ng digital marketing. Kung akala mo wala ng gumagamit ng email, mali ka.
Karamihan sa mga taong bumibisita sa iyong site ay hindi kaagad bibili mula sa iyo. Ang pagkuha ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa karagdagang marketing at tinaguriang “lead nurturing” ay ang pinakamahusay na paraan para makapagbenta hanggang sa ngayon, at ang email ay nananatiling pinakamataas na nagko-convert na marketing channel para sa pakikipag-ugnayan sa mga lead.
Ang mga email marketing funnel ay nagsisimula sa isang “lead magnet”. Ito ay isang bagay na nakakahimok na iniaalok mo sa iyong mga bisita sa website bilang kapalit ng kanilang email address. Kabilang sa mga posibleng opsyon ang isang libreng digital download, isang libreng pagsubok sa serbisyo, isang “upuan” sa isang webinar, membership sa site, isang kupon, atbp.
Ang mahalaga ay mapapadalhan mo sila ng mga offerings o ibinebenta sa pamamagitan ng email.
#4 Paggamit ng Direct Messaging
Ang paggamit ng social media ay di natatapos sa pagpopost ng mga kung anu-ano sa Facebook, Instagram, Twitter atbp. Parte ng social media ang mga Viber, Whatsapp, at Messenger. Ang mga channels na ito ay direktang makakapagpadala ng mensahe man o offerings sa mga makakakuha nito.
Kaya mahalagang makabuo ng komunidad na direktang makakapag-ugnayan mo, gamit ang channels na ito. Nagsisimula ito sa mga inquiry at direct message (pm) nila. Mula roon, makakabuo ka na ng mga GC (group chats) at ito ay isang uri na din ng komunidad na direktang kausap ang mga kostumer.
#5 Pagsabak sa mga Live Selling
Salamat muli sa social media na nagamit bilang e-commerce. Noong kagsagan kasi ng mga lockdown, nauso ang Live Selling ng lahat na yata ng bagay gaya ng mga halaman, damit, gadyet at pati mga bag.
Pati nga ang mga malalaking Shopee at Lazada ay sumabak na din dito. Hindi man ito para sa lahat, tingnang mabuti ang klase ng kostumer na baka naman gustong sumali sa mga ganito.
Ang Online Live Selling kasi ay nakaka-aliw. May kasamang entertainment-value ito at may mga pa-contest pa. Ang pag-share ng Live Selling link ay may premyo din na produkto o pera. Kaya lalong lumalawak ang merkado.
Magsaliksik ka ukol dito at tiyak na may mga madidiskubre kang oportunidad.
#6 Pagkakaroon ng sariling Website
Ilang beses ko nang nasabi ito. Ang website mo ang katangi-tanging bagay na magiging pag-aari mo sa mundo ng digital. Di mo kasi maaangkin ang mga social media channels. Puwede kang alisin kahit kelan nila gusto. Pero ang website mo ay pangmatagalan.
Kaya naman pagtuunan mo ito nang pansin. Nitong mga nakaraang araw, ilang presentatsyon ang ginawa ko sa mga nais magpagawa ng website. Ngayon siguro, naiisip nil ana di ka lalago sa digital marketing kung wala kang sarili mong website.
Kung kailangan mo ito sa negosyo mo, o nais mong baguhin kung ano’ng meron ka na ngayon, email mo lang ako.
OK?
Konklusyon
Maraming dapat gawin kung nais mong umarangkada ang maliit mong negosyo sa panahong ito. Kung nalilito ka kung saan magsisimula, isipin mo lang kung nasaan ng aba naglalagi ang mga kostumer mo?
Sa lahat ng bagay, magdasal at manalig na gagabayan ka ng Diyos sa mga desisyon mo.
—
Kapag may tanong, puwedeng kontakin si Homer sa chief@negosentro.com
Tags In
Related Posts
Recent Posts
Archives
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013