HomerunNievera.com | ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | 6 Paraan Para Magkaroon ng Masasayang Kostumer sa 2021 | Maligayang Pasko, Ka-negosyo! Nawa’y pagpalain kayo ng Panginoong Diyos ng lubaos na biyaya lalu na’t sa pamilya.

Narito na tayo sa kanto ng 2020 at 2021. Malamang excited na din kayo sa pagsalubong sa bagong taon.

Sa mga paghahanda natin, kailangan nating isiping muli ang mga paraan upang matutukan ang mga kostumer natin. Dahil nga nakaumang na ang bakuna sa 2021 sa Pilipinas, mas magkakaroon unti-unting kumpiyensang lumabas ang mga mamimili pagdating ng panahong iyon.

Narito ang ilang paraan para magkaroon ng masasayang kostumer sa 2021.

O, ano, tara na at matuto!

#1 Matuto sa di napasayang kostumer

Sabi ng may-ari ng Microsoft na si Bill Gates, “ang mga kostumer mong di mo lubos na napapasaya ay siya ding mga kostumer na panggagalingan mo ng kaalaman.”

Tama nga naman, di ba?

Kaya sa pagkakataong ito, ang mga komunikasyon mo ukol sa customer service ay dapat nakatutok sa dalawang bagay:

  • Hanapan ng solusyon na baligtarin ang pagiging bigo ng isang mamimili na sumaya at gawin itong loyal na kostumer.
  • Intindihin ang mga pagkukulang lalu na sa larangan ng produkto upang mas mapagbuti pa ang mga ito.

#2 Intindihin ang pinanggagalingan ng reklamo

Kahit gaano kabigat ang mga reklamo (o complaint) ng mga mamimimili mo, lahat yun ay may wasto at may pinaghuhugutan. Huwag mo ito basta baliwalain.

Tandaan mo na ang bawat kostumer ay may ine-expect sa iyong produkto o serbisyo. Kung di mo ito naibigay o nagampanan nang naaayon sa kanilang iniisip na kalidad o pamantayan, magsasalita ito o magbibigay ng feedback.

Kaya dapat mong intindihing mabuti at namnamain ang mga sinasabi nito at sikaping maayos. Mas makakabuting makipag-ugnayan sa kanila agad upang malunasan ang anumang bagay na sa tingin nila ay di naibigay.

Sa dulo, ang matututunan mo ay siya ding makakapagpa-angat sa kalidad ng produkto o serbisyo mo. At ang mga natugunang mga kostumer ay babalik sa ‘yo at baka maging loyal pa.

#3 Panatilihin ang pagiging positibo ng customer service

Kung isang listahan ng mga reklamo ang iniharap sa tao mo sa customer service, relax lang kamo siya (o sila). Ang pagpapanatili ng positibong pananawa at perpektibo at ang pagiging malamig ang ulo sa ganoong mga pagkakataon ang siyang magdadala ng maayos na negosyo sa 2021.

Gaya nang nabanggit ko kung saan isang pagkakataon upang may matutunan ka sa mga reklamo o puna ng mga kostumer, ang pagiging cool sa mga ganitong pagkakataon ay isang bagay din na matututunan.

Ang pagpapasensya ay kailangan ng training. Kaya kung dumating ito, mas mainam na pagdaanan lamang.

#4 Mag-alok ng iba’t ibang solusyon

May kailangan mang pagwawasto o wala, ang pagkakaroon ng maraming solusyon sa iba’t-ibang problema ay mahalagang mapaghandaan.

Ang pag-alok ng maraming uri ng solsuyon sa mga kostumer ay nagpapakita ng pgapapahalaga sa kanila. Lalu na kung may nagawa kang di nila nagustuhan, mas nakikita nila na pinapahalagahan mo ang mga kostumer mo.

Mas mainam na itulak ang pinakamaayos na solusyon din kesa antayin ang kanilang mapipili, at ipaliwanag nang mabuti ang pag-alok ng solusyon na yun.

#5 Kilalanin ang pagkakaiba ng mga kostumer

Tandaan mo na di pareho ang eksperiyensya at pinanggagalingan ng mga kostumer mo. Kaya dapat iayon ang bawat galaw at pangungusap sa tipo ng kostumer mo.

Kapag nagawa mo ito, makikita nila di iisang solusyon ang gagawin sa bawat problema. At tiyak makikita nilang pinapahalagahan mo nga sila nang tunay.

#6 Pagkakaroon ng personal na paghawak sa bawat sitwasyon

Ano man ang sitwasyon, dahil nga iba-iba ang kostumer, mas mainam na may “personal touch” ang paghawak sa mga kostumer mo.

Ang pag-assign ng isang tao (o ikaw mismo bilang boss) upang magampanan ang customer service sa isang kostumer na nagreklamo, ay mahalaga. Siguradong mas maiibsan ang anumang negatibong pananaw ng isang kostumer kung ganito ang gagawin mo.

Konklusyon

Sa pagkakaroon ng masyang kostumer sa 2021 ay dapat magsimula ngayon din. ‘Wag balewalain ang mga reklamo at ang pagkakaroon ng personal touch ay o pagbibigay ng extra mile ay makakadagdag puntos sa larangan ng customer service.

Sa dulo, iisipin mo ang nais mong maranasan bilang kostumer at yan ang mga bagay na gawin sa mamimili mo

Tandaan na ang pagnenegosyo ay nangangailangan ng sipag, tiyaga at dasal. Huwag kang mawawalan ng loob kung makakaranas ng pagsubok. Tuloy lang!

Maligayang Pasko po!

Si Homer Nievera ay isang techpreneur at makokontak sa chief@negosentro.com.

(Visited 3,420 times, 1 visits today)