Limang Dagdag na Tips Para Maging Seryoso sa Online Negosyo Mo
ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Handa ka na bang lumaki ang online negosyo mo? O ngayon ka pa lang mag-seseryoso dito? Aba’y dapat napag-isipan mo na din ang bagay na ‘yan dahil lahat naman siguro ng mga negosyante ay may hangad na palakihin ang kanilang mga startup – lalu pa’t mahalaga ang negosyong online.
Sa totoo lang, may mga ilang nagnenegosyo na tila kuntento na sila sa laki at lawak ng kanilang mga online business. Yung mga tipong masayya ka na sa ilang daang pisong kita sa araw-araw.
Pero kung nais mong palakihin ito sa libu-libong dagdag kita linggo-linggo o araw-araw, aba’y narito ang dagdag kaalaman na maaari mong magamit upang makamit ang tagumpay.
Tandaan na may kinalaman ang mga ito sa pagsasaayos ng mga tools na gamit ang teknolohiya at ang pakikipag-partner sa ibang tao.
Kaya kung nais mong maghanda para lumaki pa ang online negosyo mo, narito ang ilang tips upang paghandaan ito. Tara na!
#1 Online Branding at Reputasyon
Kumusta naman ang pagkakakilanlan sa negosyo mo online? Ano ang reputasyon mo?
Iyang dalawang tanong nay an ay mahalgang sagutin mo nang tapat. Napakamahalaga kasing malaman mo ang katotohanan upang malaman mo ang mga hakbang upang maging numero unong online business ka sa mga katunggali mo sa merkado.
Tingnan mo ang Lazada at Shopee, na siyang dalawang lubos na magkatunggali sa larangan ng online marketplace. Kahit saang lugar sa mobile man o internet, unahan sila sa pagpapalaganap ng kanilang online branding. Paunahan at paramihan ng pagkakakilanlan. Sa larangan naman ng pagalingan sa customer service, ganun din ang kanilang labanan.
Bakit nga ba ganun ang kanilang iniisip?
Kasi, sa marketing, ang “top of mind is equal to top of sales.” Ibig sabihin, kung mas brand mo ang naaalala nila, malamang, ganun din sa taas ng benta mo.
Sa paanong paraan at plataporma ka dapat makakalamang? Nariyan ang social media, blogs, email marketing, SEO at iba pa na nasa kamay mo ang paggamit. Daming mga online tools na magagamit mo din tulad ng Canva for Negosyo na hitik na hitik sa mga tips para sa mga negosyante.
Ang pinakamahalaga dito ay, ano ng aba ang makikita nila ukol say o kung mag search sila sa Internet? Ano ba ang ma-experiyensya nila kung bibili sila sa yo? Yang dalawang bagay na yan ang dapat mong unahing sagutin at pagtuunan nang pansin kung nais umusbong ang online business mo.
Panatilihin ang kaayusan ng impormasyon ukol sa yong negosyo. Maging consistent sa mensahe at reputasyon. Mahalaga ang posisyon sa pag-iisip ng iyong negosyo sa lugar ng iyong kostumer. Maging alerto sa mga comments at feedback sa social media lalu pa’t nergatibo ito. Alamin paano mo ito maitatama at maitataas pa ang antas ng pagserbisyo sa kostumer.
Tandaan na ang dulo nito ay ang pagkakaroon ng mga mas maraming loyal na kostumer na siyang babalik nang babalik upang mapalago ang benta mo. At pihadong sila na mismo ang mag rekomenda sa yo sa iba pa.
#2 Pagsaayos ng mga Sistema at Proseso na Angkop Online
Kumusta naman ang mga Sistema mo sa online business mo? Nasa ayos na bai to o kailangan pang maisaayos nang husto?
May isa akong partner sa negosyo na lagging abala sa pagsaayos ng mga sistema at proseso sa mga negosyong magkasama kami. Noong una, di ko maintindihan kung bakit ito lagi ang pinagkakaabalahan niya. Yun pala, pinaghahandaan niya ang paglaki ng negosyo. Sabi niya, mas madaling isalin sa ibang management ang pamamahala ng negosyo kung isasalin mon a lang ang Sistema at proseso na aming nakagawian.
Tama naman, di ba? Kaya nga sa ibang negosyo naming, mahalaga ang isang operations manual. Sa iba naman na nag-prangkisa ng negosyo, mahalaga din ito dahil kung iisipin mo ang training ng mga tao sa iba’t ibang lugar, mahirap itong gawin kung walang nakasulat na manual.
Kaya sa umpisa pa lang, isulat ang lahat ng mga gawain at ilagak na kasama sa mahahalagang sistema o proseso. Pagkatapos nito, buuin ang isang operations manual. Yan mismo ang umpisa ng iyong sistema na maaari mong isalin sa susunod na tagapamahala.
Ang maayos na sistema ang tutukod sa paglaki ng negosyo mo.
#3 Kultura ng iyong negosyo
Sa lahat ng malalaking negosyo na alam mong nagsimula sa maliit, pansinin mo ang kultura. Ano ba ang tamang kultura na kanilang naisalin-salin?
Di lahat ng kultura sa isang organisasyon ay nasa tama. Kailangan mo itong ayusin at bantayan habang maliit pa lamang. Ganun din naman ang trato mo sa iyong pamilya o mga anak di ba? Kung paano mo nais maayos ang samahan ng pamilya mo, ganun din sa larangan ng negosyo. Di ba parang pamilya na rin ang mga kasama mo sa negosyo?
Magkaroon kayo ng panuntunan na siyang magbubuklod-buklod sa inyo.
Halimbawa, sa aking mga lumagong negosyo, inilalagak ko ang pagsasanay ukol sa 7 Habits ni Steven Covey. Kailangan, sumailalim sila sa training dito sa loob ng unang buwan nila sa trabaho ukol dito.
Maraming panggagalingan na libro ukol dito. Ang mahalaga, maisaayos mo ang kultura ngayon pa lang.
#4 Payment Gateways
Maaaring malakas sana ang benta mo kung lahat nang klase ng pagkuha ng bayad ay nasa iyo, tama? Ano nga ba ang sitwasyon mo sa larangang ito?
Tandaan ang proseso ng pagbebenta ay nakasalalay din sa paraan ng pagbabayd ng mga kostumer. Ayusin mo itong bagay na ito nang maaga dahil kasama ito sa maayos na customer journey – o ang pagtuon ng pansin sa pagdadaanan ng kostumer mo patungo sa pagbabayad niya sa yong produkto o serbisyo.
Ang panimulang bank deposit (via online, app) at karaniwang hinihingi ngayon ng mga kostumer dahil sa pandemya. Kasangga dito ang mga online wallets na Gcash at Paymaya. May mga humahabol na ding EON banking, Coins PH at ang pinakabagong Eplayment.
Pag-aralang Mabuti ang mga payment gateways na dapat na meron ka. Kahit pa COD ang alam mong ok, ngayon kasi, mas lumalaki na ang online at mobile payments. Tutukan mo ito ngayon pa lamang upang di ka mahuli.
#5 Integridad sa panahon ng Krisis
Sa isang pitak ko ukol kay Mr. John Gokongwei Jr., naisulat ko ang halaga ng integridad sa pagnenegosyo. Maaari namang sabihing kasama ito sa kultura na nais mong ipalaganap sa organisasyon mo, di ba?
Hiniwalay ko ito dahil sa lahat ng bagay na ukol sa buhay at negosyo mo, mahalaga ang integridad. Dito kasi nasusukat ang kakayahan ng organisasyong lumaki. Tandaan na ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mas mapagkakatiwalaan sa malaki.
Pagtatapos
Sa kahit na anong negosyo, mahalaga ang sipag at tiyaga at ang pagiging masinop sa lahat ng bagay. Tandaan mong ang mga bagay na ito ay siya mismong prinsipyong iyong pinapahalagahan sa ngayon na maliit pa lang ang negosyo mo di ba? Isama mo lagi ito sa mga bagay na papahalagahan ng iyong mga kasama sa pagnenegosyo.
Buong tapang mong harapin ang bukas. Ipagpatuloy ang positibong pananaw at kilalanin ang kakayahan mong lumago. Higit sa lahat, mangarap para sa kinabukasan kasama ng pagtiwala sa sarili at pananampalataya sa Diyos.
—
Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na chief@negosentro.com
Tags In
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon