Balak Kumuha ng Business Franchise? Alamin Muna ang Mga Ito. | ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Kumusta mga ka-negosyo? Nawa’y nasa mabuti naman kayong kalagayan! Ang daming uri ng mga negosyo ngayon na maaari mong itayo. Madalas, sa dami, ang hirap mamili. Nitong panahon ng pandemya, lalong umigting ang online business na maituturing na mas naging uso. Ang napansin ko, maraming mga tradisyonal na negosyo na kilala sa pag-franchise ay pumasok na din online.

Pero, bago mo pagtuunan ng pansin ito, bakit di natin linangin kung para s aiyo nga ang pagkuha ng prangkisa ng isang negosyo?

O, tara na at matuto sa pitak na ito!

#1 Alamin muna kung ano ang ibig sabihin ng pagkuha ng prangkisa

Ang isang business frtanchise o prangkisa ng isang negosyo ay nangangahulugang imbestor ka dito at naniniwala ka sa sistema ng negosyong tumatakbo na – at subok na. Bilang imbestor, maaari mo nang i-operate ang negosyong kinuhanan mo ng prangkisa.

Dito, nagbabayad ka ng isang franchise fee kung saan kasama ang isang franchise manual kung saan nakalahad ang operasyon at sistema ng pagnenegosyo, ang paggamit ng brand ng franchisor, at ang mga kalakip na tulong o assistance.

Depende sa sistema ng bibilhing franchise ay kung i-su-supply nila ang mga kagamitan, produkto o materyales at ang mismong pagbuo ng kiosk o establisimiyento. Madalas, ang pagpili ng lokasyon ay kanilang inilalahad din ang specifications.

#2 Kilalanin muna ang sarili

Ano ba ang personalidad mo? Mai-tutugma mo ba ang personalidad mo at ekspirieynsya sa pagkuha ng prangkisang nais mo? Kumusta naman ang mga kasanayan mo sa iba’t-ibang aspeto ng pagnenegosyo?

Ang isang prangkisa ay isang tunay na negosyo na ikaw din mismo ang dapat matutong mag-operate. Di mo basta-basta ito ipapaubaya sa iba. Kaya nga kailangan mong kilalanin ang iyong pagkatao bilang isang negosyante bago ka sumabak dito.

Lalu na kung matagal kang naging empleyado sa isang kumpanyang malayo sa gagalawan mo bilang isang franchise owner. Halimbawa, kumuha ka ng isang franchise ng isang kilalang hamburger stand. Kung ang 24/7 ang operasyon nito sa isang mataong lugar, kaya mo bang hawakan ang kabuuan nito? Kumusta ang pagkilatis mo sa mga taong magbabantay? Kumusta ang kaalalaman mo sa accounting?

Ang ilang bagay na ito ay malaki ang impact sa iyong hahawakang prangkisa. Pag-isipan mo nuna ang bagay na ito upang mapunan ng ibang tao ang mga kakulangan mo.

#3 Gumawa ng buong pag-aaral at pagsusuri sa papasukang prangkisa

Kilalanin mo ang negosyong nais mong bilhan ng prangkisa.

Ang kabuuan ng isang prangkisa ay di lang basta nasusukat sa dami ng mga taong bumibili dito. Ang kalidad ng kanilang produkto (o serbisyo) at sistema ang magsasabi kung magtatagal bai to.

Sa totoo lang, merong ilang nagbebenta ng franchise dyan na hinahayaan ang mga bumili ng prangkisa nila sa kani-knilang diskarte. Di dapat ganoon. Kung tunay na tagumpay ang sistema nila, dapat yun mismo ang susundan.

Sa larangan naman ng kanilang operasyon, dapat may systems manual na silang ginagamit. Ito kasi ang basehan ng kanilang maayos na operasyon na dapat mo lang sundin. May mga kasamang alituntunin na din ito na susndang ng mga nasa frontlines at management. Hanapin mo ito.

#4 Alamin ang halaga ng prangkisa at ang kakayahan mong i-operate ito

Kumusta naman ang aspetong pinansyal mo? Maraming klase kasi ang business franchise at iba iba din ang mga binabayaran o pinaghahandaang pondo para dito.

Meron kasing mga prangkisang kailangang maglaan ng pondo sa iba’t ibang aspeto gaya ng konstruksyon, marketing, at marami pa. Alamin muna ang lahat ng nauukol sa kaperahan at pag-usapan muna ito ng mga partners mo (kung meron man).

#5 Humingi ng payo sa mga eksperto o konsultant

Sa anumang negosyo, ang payo ng mga eksperto ay mahalaga. Lalu na kung ito ay may kinalaman din sa mga prangkisa ng negosyo. Di man pare-pareho ang uri ng mga negosyong nag-franchise, ang prinsipyo sa likod nito ay iisa lang naman.

Suriing mabuti ang mga bagay na pasok sa kakayahan at kasanayan mo, at yung di mo naman alam. Dito mo ngayon malalaman kung ano’ng klaseng eksperto ang kokonsultahin mo.

Sa dulo kasi, ang naibibigay na payo ng mga eksperto ay nagpapaiksi ng panahon upang matutuo at makapagdesisyon ng maayos.

Bukod sa mga eksperto sap ag-prangkisa, ang mga eksperto sa laranagn ng accounting, marketing at operations ay mahalaga. Gayundin ang mga taong may kinaloaman sa pagsasaayos ng kapital na kailangan mo at pati na din ang pangungutang sa banko kung kinakailangan.

Pagtatapos

Sa panahon man ng pandemya o hindi, mahalaga ang pagkakaroon ng sariling negosyo. Naibahagi ko lang ang pagkonsidera sa iang prangkisa dahil mas maigsi na ang kailangang igugol sa pagtatayo at pag-aaral nito.

Ang mahalaga pa rin ay ang pagsasaliksik sa lahat ng aspeto nito.

Ang pagiging entrepreneur ay sadyang mahirap ngunit exciting. Magkaroon ka ng sipag at tiyaga at ang maging masinop sa lahat ng bagay.

Higit sa lahat, mangarap para sa kinabukasan kasama ng pagtiwala sa sarili at pananampalataya sa Diyos.

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na chief@negosentro.com

(Visited 152 times, 1 visits today)