6 Tips Para Makapagsimula ng Negosyo sa 2019
ni Homerun Nievera, CDE | Manigong Bagong Taon po sa lahat! Nawa’y masaya at matiwasay po nating naitawid ang Kapaskuhan at itong Bagong Taon.
Sa panimulang pitak na ito ng 2019, inaasahan niyo na marahil na tips para magsimula ng negosyo ang aking isasalaysay. Puwes, may tama kayo!
Kaya di ko na pahahabain pa ang intro ko na ito para gogogo na agad.
#1 Tingnan ang Passion mo
Lahat ng bagay ay nagsisimula sa passion (o pasyon). Ito ang pinaka-unang bagay na basehan ng nais mong itayong negosyo. Ito ay dahil sa ang pagnenegosyo ay walang pinipiling oras. Kung mahal mong gawin ang isang bagay na tila di siya trabaho o pabigat at nag-eenjoy kang gawin, yan ang isang basehan na magtatagumpay ka. Maaaring maging ka sa potograpiya. Tingnan ang negosyong photo-video services. Mahilig ka bang mag-disenyo? Baka sa graphic design ka. Kung magaling ka sa mga events, baka events organizer ang bagay sa yo. Magmuni-muni ka muna at magtanong sa mga kaibigan at kapaliya. Makakatulong sila sa yo sa larangang ito.
#2 Tingnan ang iyong Kaalaman
Bukod sa passion, ang iyong kaalaman ay malaking basehan ng negosong babagay sa yo. Kung magaling ang mata mo sa mga litrato, at may kaalaman ka sa editing ng mga ito, yan ang magandang kombinasyon, di ba? Tandaan mo na di ka puwedeng sumalang sa negosyo kung di mo naman alam ang kailangang kaalaman ukol dito. Di rin kasi puwedeng puro passion na lang.
#3 Mag-aral o Magsanay ng Bagong Skills o Kakayahan
Kung kulang ang kaalaman, mag-aral. Ako’y may adbokasiya na may kinalaman sa “lifelong learning” na tinatawag. Ibig sabihin nito’y naniniwala akong ang isang tao ay patuloy na nag-aaral habambuhay. Kaya naman sa larangan ng pagnenegosyo, mag-aral o magsanay ka palagi. Kung mahina ka sa accounting, pag-aralan to. Kung saan ka kulang, dun ka magdagdag kaalaman.
#4 Kumuha ng Mentor
Ang isang mentor ay isang tao na palaging andyan para makunan mo ng advise ukol sa pagnenegosyo o iba pang bagay. Mas mainam na meron kang ganitong kausap para mas maagapan ang mga kakulangan mo. Kumuha ka ng may mahaba at malawak na experience sa nais mong negosyo o sa isang larangan na kahinaan mo. Marami dyan na libre lang magbibigay sa iyo ng payo.
#5 Gumawa ng Business Brief
Ang isang business brief ay isang maiksing dokumento kung saan nakalagay ang simpleng bagay-bagay na sa tingin mo ay mahalaga sa pagpapatayo ng negosyo mo. Di pa ito isang buong business plan na maitatawag dahil wala pang masyadong detalye. Gabay lang ito para kung may mga kakausapin ka, maibibigay nila ang payo na kailangan mo. Mas mainam na may sales target ka dito at istratehiya para maabot ito.
#6 Maging Positibo
Yan ang sikreto ng matagumpay na negosyo – at ng matagumpa na buhay. Kung sadya kang may malaking tiwala sa iyo at sa Diyos, lahat ng gagawin mo ay magtatagumpay. Believe in your self and everyone else will believe in you. Yan ang aking motto.
Wag kalimutang ang Diyos ang may pinakaperpektong plano sa buhay mo. Makipag-one-one-one sa Kanya at malalaman mo ang tunay na daan na dapat mong tahakin.
Muli, isang panalangin para sa mas maunlad na 2019! Laging magsumikap at ipagdasal ang kinabukasan.
—
Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.
Tags In
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon