ni Homerun Nievera, CDE | Madalas, maliit man o malaki ang negosyo, inaakala mo na maayos na aorganisasyon mo dahil gamay mon a ang lahat ng proseso ditto. Ang nakakaligtaan naman natin ay puwede pa itong mas maging maayos sa pamamagitan ng ilang tip na ito –

#1 Espasyo

Naisaayos mon a bang muli ang mga lugar sa iyong tindahan o opisina – o nasanay ka na dahil lagi mo itong nakikita? Silipin mong muli ang iyong floor plan ng naaayon sa trabaho mo ngayon. Minsan kasi, dahil nasanay na tayo sa lugar at bagay-bagay, di na natin ito binabago. Kung ano nga naman ang di sira, at di na inaayos. Pero, dapat bisitahin tong muli at tingnan kung may mas maisasaayos pa ito. Ang isa pa na espasyong tinutukoy ko ay ang mga dokumento na marahil ay puro papel pa ang mga ito. Kung kayang gawin digital na lahat, gawin na. At kung di na pala kailangan, itapo na at baka pagsimulan pa ng sunog. Silipin din ang lahat ng may kinalaman sa kaligtasan ng mga tao at bagay-bagay.

#2 Dokumentadong Organisasyon

Kung meron kang accounting system, kahit simple lang, ma maganda ka ng patutunguhan. Pero ang mas mainam ay ang pagkakaroon ng digital na Sistema kung saan mula sa pagkuha ng kliyente (lead generation) hanggang sa benta at koleksyon, ay mai-rekord mo sa kompyuter, mas ok. Sa IT, ang tawag dito ay CRM (customer relationship management) o sa mas malaki ay ERP (enterprise resource planning) na mga klase ng software. Malaki ang maitutulong ng mga ito sa mag-organisa ng negosyo. Meron ding mga software pa na gamit sa time-keeping at HR. May mga libre din nito. Magsaliksik lang.

#3 Employee Evaluation

Bisitahin ang pinakamahalagang parte ng organisasyon mo – mga empleyado. Dahil patapos na ang taong 2018, gawin ang evaluation ng mga tauhan mo para malaman mo kung ano ang kakailanganin mong mga talent sa 2019, at kung anong training ang kailangan nila. Para umangat ang negosyo, dapat pati skills ng mga tao mo ay umangat din. Kung may pagkakataong magtatanggal ka ng tao o kaya’y mag-po-promote, dito mo malalaman.

#4 Business Plan

Balik-balik tayo sa business plan mo sa 2019. Dahil lahat ng gagawin mo ay dapat naayon dito. Tingnan kung naayon ang pagbalasa ng mga tao, o kaya’y pagsasaayos ng mga espasyo moa yon sa ginawa mong 2019 business plan. Kung wala ka pang nagagawa o di mo pa ito natatapos, unahin ito. Dahil ang pag-angat ng negosyo ay naayon sa plano, at di tsamba-tsamba lamang.

Sa 2019, inaasahan kong mas lalago ka pa sa negosyo at sa buhay. Laging magsumikap at ipagdasal ang kinabukasan.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

(Visited 6,717 times, 1 visits today)