ni Homer Nievera, CDE | Kung may Facebook ka at Instagram, malamang, sasabihin mong ok na ang karanasan mo sa social media kung gagamitin mo ang mga ito sa pagnenegosyo. Kung bagong negosyo ang iyong itatayo, kailangan mo munang basahin ang apat na tips dito para maayos mong magamit ang social media sa bagong negosyo mo.

#1 Pokus: Brand Building

Tandaan na ang unang gawain ng social media ay ang magpalago ng iyong brand, kung yun man ay ang pangalan ng negosyo mo o ng isang produkto mo. Siguraduhing pangangalagaan mo ang patungkol sa pagpapalago ng iyong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng social media bago pag tuunan ng pansin ang ibang bagay.

#2 Pagpapalawig ng Relasyon

Nariyan ang social media para sa pagpapalawig ng relasyon sa yong mga kostumer. Lalu na’t ito ang pangunahing pinupunthan ng mga Pinoy na naghahanap ng iyong brand o kumpanya online. Kaya naman alam na alam nila kung ikaw ay buhos sa pagtutulak (hard-sell) ng iyong mga produkto o serbisyo. Dahan-dahan lang kasi ayun sa mga pagsasaliksik, nakaka turn-off ito. Kaya naman kung may mga nag-pm sa yo, agad kang sasagot. Magpasalamat sa mga bumili sa yo at i-tag sila kung maaari. Siguraduhing ga kakaibang post ang ialatag mo para sa mga kostumer o target na mamimili.

#3 Bantayan ang numero

Ang mga binabantayan na numero sa social media ay ang: reach, engagement at followers. Nakikita yan sa Ïnsights”section ng Facebook at sa kaparehong lugar saYoutube, Instagram at Twitter. Mahalaga ito kasi dito mo nalalaman kung kumusta ang katayuan mo sa mga followers mo. Tandaan na mas mahalaga ang engagement at reach mo kesa followers. Mas mainam na hayaang organic ang paglago ng followers kesa binabayaran lang ang ads para lumago ito.

#4 Palaganapin ang kabuuang presensya online

Ang social media ay isa lamang amplifier”ng mensahe. Ang tanong, pumupunta bas a website mo ang mga kostumer o nananatili lang sa social media? Kung ang sagot ay ang huli, mag-isip ng iba pang istratehiya kung paano sila mahihikayat sa website mo. Tandaan na di ikaw ang may-ari ng social media channels mo. Maaaring bukas makalawa ay mawala ka dito o sila. Pag-usapan natin ang trabaho n SEO sa mga susunod na pitak.

Sa ngayon, palaguin ang presensiya sa social media at i-manage ng maayos.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

(Visited 133 times, 1 visits today)