ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kung sa tingin mo ay maayos ang iyong pagnenegosyo, silipin ang produksyon na ginagawa ng mga tao mo at sistema. Dito mo makikita na kahit paano, may maiaangat pa ang pagiging produktibo ng negosyo mo.

Narito ang ilang paraan para makatulong –

#1 Pag audit ng iyong operasyon

Ang unang dapat gawin ay ang pag audit ng buong operasyon mo. Madalas, may m..ga kinagawian na akala mo ay maayos na. Ngunit sa ikalawa at ikatlong pagtingin, may ikakabuti pa pala. Kung mapapansin niyo ang McDonald’s kung saan may mga branches na may mga kiosk kung saan di ka na agad pipila sa counter para umorder kundi doon mo na i-input at puede ka nang magbayad agad o kaya”y antayin matawag ang numero mo para sa counter magbayad.

Ang mga ganyang kumpanya ay nag aufit ng kanilang operasyon at nakakita nang may maiaangat pa sa pagpapabilis ng sistema sa pag order upang umiksi ang pila sa mga counter.

#2 Tamang training sa mga tao

Madalas, ang kakulangan aa training sa.mga tao ay nagdudulot ng mga di epesiyenteng operasyon. Kung sa tingin mo ay simple lang ang solusyon dito, sa totoo lang, di ganun kadali. Bakit? Kasi kailangan mo munang alamin ang mismong uri ng kakulangan at intindihing mabuti ang ito. May tinatawag na Training Needs Analysis (o TNA) na isang uri ng pag analisa sa pangangailangan na training ng mga tao. Saliksikin sa internet kung paano ito gagawin.

#3 Pagsasaayos ng kapaligiran sa pagtrabaho

Minsan, ang kaayusan sa pinagtatrabahuhan ay sapat na upang umangat ang produksyon sa opisina. Kung masikip, mainit at magulo ang isang opisina, di ba parang ayaw mong magtagal doon? Kadalasan pa nga, mainit ang ulo ng mga tao. Baka pinagmumulan pa ito ng bangayan.

Kaya naman ngayon pa lang, isaayos ang opisina sa lahat ng bagay. Ilagay sa tamang lugar ang mga bagay-bagay lalu pa’t sagabal sa maayos na pagtatrabaho ng mga tao. Kung may sira, ayusin. Kung may kalat, ligpitin. Kung kailangang palitan ang kulay ng mga dingding, gawin mon a din. Ang mahalaga, inspirado ang mga tauhan mo. Tiyak yan, lalaki pati benta mo!

#4 Gumamit ng teknolohiya

Baka sabihin mo, ayan na naman si Homer. Laging may kasamang teknolohiya sa pagnenegosyo. Kung nasa 1980’s pa tayo ngayon, malamang di mon a halos mababasa ang ganyang wika patungkol sa teknolohiya. Kasi noong araw, kundi mahal, walang magagamit. Ngunit sa panahon ngayon, wala kang mapupuntahan kung di ka gagamit ng anumang uri ng teknolohiya sa negosyo mo. Ang simpleng PC o mobile phone ay malayo ang mararating ng negosyo mo, di ba?

Kaya kung nagdadalawang – isip ka pa kung gagamit ka ng teknolohiya sa negosyo, malamang, huli ka na sa sa mga kakumpitensiya mo. Ayun, iinit nga talaga ulo mo!

 

Sa panahon ngayon, sa dami ng kakumpitensiya, kailangang ituon ang pansin sa pagiging produktibo sa negosyo. Wag ka nang mag atubili. Go lang ng go!

 

Si Homer Nievera ay isang serial technopreneur at makokontak sa chief@negosentro.com.

(Visited 4,939 times, 1 visits today)