Homer Nievera, CDE, CVM | Magaling sa mga ideya. Yung mga taong naluluwentuhan mo ay bilib na bilib sa sa ‘yo. Tipong sila mismo ay magiging imbestor sa negosyo mo. Ang maganda pa nito, ikaw ay may mga puntos na nagsasabing magiging magling kang negosyante gaya ng: integridad, motibasyon, talino, sipag, at tiyaga.

Yun nga lang, di mo talaga alam paano at saan ka mag-uumpisa. Kung ikaw ‘to, narito ang apat na tips para makatulong mag-umpisa ng negosyo.

#1 Planuhin ang Vision mo sa negosyo

Mas mahirap mag-umpisa sa negosyo kung di mo nakikita sa utak mo ang nais mong itayo at paano ito lalaki nang husto. Lahat yan nag-uumpisa sa pagsusulat ng vision mo. Alisin mom una ang excitement o gigil mo. Mas mainam yung pinag-iisipan nang husto ang mga goals mo. Di ba kung di mo alam ang gusto mong resulta sa kahit na ano’ng bagay, wala kang patutunguhan?

Isulat mo ang iyong Mission Statement. Bakit mo nga ‘to gagawin? Pagkamal lang ba ng limpak-limpak na salapi ang miyon mo? Malamng hindi. Kadalasan, nais mong makatulong sa kapwa. Nais mong ayusin ang mundo sa pamamagitan ng negosyo mo, di ba? Pero ang isang tanong na dapat ding sagutin ay paano mo gagawin ang lahat ng ito? Paano ka makakarating sa puntong iyon? Sa simpleng tanong na paano mo popndohan ang negosyo mo ay makakatulong na maumopisahan ang pagsulat ng goals mo.

Ang mahalaga, siguraduhing malaking parte ng oras mo sa isang araw ay ang magiging negosyo mo. Ikaw ang driving force ng negosyo mo.

#2 Saliksikin nang husto ang merkado

Kostumer ang mahalaga sa pagtatayo ng negosyo. Ang pagplano para maabot sila ang pangunahing Gawain. Kaya naman nararapat lang na saliksikin ang merkado mo. Indtindihing mabuti ano ang maaari nilang magustuhan sa produkto o serbisyo mo. Alamin din sino ang kakumpitensiya mo at kung meron nang gumawa nito ngunit di nagtagumpay. Sa pag-alam ng mga ito ay mauumpisahan mo na ang pagsaliksik. Ang resulta nito ay siya mong gagamitin para malaman ang hitsura ng produkto o serbisyo na ilalabas mo sa merkado.

#3 Alamin ang mga limitasyon mo

Aminin mo na di ka si Superman o si Darna. Di mo kaya ang lahat ng nararapat gawin sa itinakdang mga oras at araw para magtagumpay sa pagnenegosyo.

Isang halimbawa ay ang sarili kong mga negosyo. Halos lahat ng mga pinag-imbestan ko ay meron akong tao na magaling sa pagsinsin ng mga numero. Di lang yan sa pinansyal. Bakit? Kasi alam ko na ang galling ko ay nasa istratehiya, marketing at teknolohiya. Pero di ako madetalye. Di na kasi kaya ng oras ko na tingnan ang lahat lahat ng detalye sa dami na din ng hinahawakan ko. Di kaya ng 24/7. Alam ko ang limitasyon ko kaya naman kumukuha ako ng partner na iba ang galling kesa sa akin. Sa aking business blog na Negosentro.com naman ay marami akong intentaional contributors dahil na din sa dami ng kinakailangang articles para magustuhan ng mga mambabasa ko. Ganun lang yun. Maging makatotohanan sa pag-alam ng iyong mga limitasyon.

#4 Bumuo ng Website at Social Media

Yan ang panimula mong gawain. Madalas, wala pa ang mismong opisina mo, ay itinatayo na ang website at Facebook account/page mo. Yan kasing dalawang yan ay magkatuwang upang makatulong sa mabilis na pagpapakilala sa negosyo mo. Ang mga tao kasi, sa Google at Facebook unang nagsasaliksik pag may nais sila bilin, tama? Ihanda ang negosyo na maging online. Yan ang realidad ng panahon natin.

Si Homer Nievera ay isang serial technopreneur. Siya ay isang Certified Distance Educator (University of the Philippines) at isang Certified Viral Marketer (Wharton Business School). Kung may katanungan, ang email niyta ay chief@negosentro.com.

(Visited 4,741 times, 1 visits today)