5 Tips Para sa Maagang Pag-Invest ng Pera Mo
ni Homerun Nievera, CDE
Panahon ng pagmumuni-muni at pag-aayuno para sa milyon-milyong Katoliko sa buong bansa. Sa karamihan, panahon ito ng mahabang bakasyon. Kung anuman ang iyong gagawin sa halos isang linggo ng Semana Santa, maaari mo ding pag-iisipan kung ano ang gagawin para maka-ipon at maka-invest ng pera mo para sa iyong kinabukasan.
Ako kasi, ang investments ko ay malawak. Nasa negosyo ang malaking bahagi at meron ding iba’t-ibang instrument para sa malawak na portfolio na tinatawag. Ibabahagi ko ang ilang tip para naman makapag-simula ka.
#1 Magsimula ng maaga – Ngayon na!
Mas bata kang magsimulang mag-ipon mas okey. Sa totoo lang, elementary pa lang ako nang magsimula sa pagpapa-renta ng komiks. Diyes sentimos lang noon. Oo, mga late 1970’s pa yun. Pero Malaki na ang halaga noon yun. Pero ang mahalaga, maaga akong natutong mag-negosyo at mag-ipon. Nilalagay ko sa maliit na kahon ang barya at inilalagak sa bangko. Isipin mo ang interes nun na gumugulong at lumalaki. Ang tip ko ay kung maaga kang mag-invest, insurance ang unahin mo. Dahil mura pa ang halaga nito at maaari mong hatiin sa mutual funds ang inilalagak nap era ditto. Magtanong sa mga financial planners. Kung nais mong may makausap na maayos na ahente, irerekomenda ko si Chino Caluag (faceboook.com/danilo.caluag) na siya ding umayos ng insurance ko noon pa.
#2 Gumawa ng Budget
Ang pagbadyet ng pera ay di madali. Kailangan mo ng disiplina para maipatupad ito ng maayos. Sa una pa lang, ilista na ang gastusin at pumapasok nap era. Ipagtabi ang mga ito at i-match kung pasok ang pera mo. Kung kulang, kayod pa! O kaya, magtanggal ng gastusin. Ganun kasimple mag-umpisa. Kung di ka magaling sa pagbadyet, magpatulong sa may alam. Tandaan na disiplina sa magtitipid ang kailangan dito.
#3 Alamin ang hangganan ng “Risk Tolerance”
Ang “risk tolerance” ay ang hangganan ng iyong pagtaya sa investment mo. Tinatanong yan madalas kung kumukuha ka ng life insurance. Ito ang pagtingin mo sa sarili mong kapasidad kung mas “risk-taker” ka o hindi. Kung agresibo ka sa investment, sa stock market ilalagay ang lahat ng pera mo. Kung di ka risk-taker, sa bonds ilalagay. Kung sa gitna, hati ng bonds at stocks ang investment mo. Pag-aaralan ang stock market muna kung para dun ka. Ang bonds kasi ay mas sigurado ang investment pero mas maliit siyempre ang kita o interes.
#4 I-set mo ang iyong short-term goals
Ang short-term goals ay ang nais mong makamtan sa maiksing panahon ng pag-invest. Maaari ito’y travel plans, sariling pag-aaral, sasakyan, emergency, kasal, kapital sa panimulang negosyo at iba pa. Dito mo kasi mailalaan ang kita sa investments mo sa maiksing panahon. Ang maiksing panahon ay hanggang limang taon ng pag-iipon o pag-invest.
#5 I-set mo ang iyong long-term goals
Ang long-term goals naman ay iyong higit sa limang taon mo nais magamit ang investment mo. Karamihan sa mga tao ay naglalaan nito para sa retirement, pag-aaral ng kolehiyo ng anak, negosyong pangmatagalan, at iba pa. Ang mahalaga ay nakahati at nakaplano na ang mga investments moa yon sa panahong gagamitin ito.
Ang payo ko ay mag-invest sa negosyo, gaano man ito kaliit. Mas maliit ang risk, mas okey. Kung walang kapital na negosyo, pinaka-okey naman! Ang mahalaga ay magsimula ng maaga.
—
Si Homerun Nievera ay isang technopreneur at consultant sa iba’t ibang kumpanya nang may kinalaman sa tech at digital marketing. Kung nais mong makipag-ugnayan, email mo siya sa chief@negosentro.com.
Tags In
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon