Pagnenegosyo

7 Simpleng Tips sa Pang-araw-araw Mong Pagnenegosyo

Homer Nievera, CDE | Anuman ang liit o laki ng negosyo mo, pare-pareho lang naman ang pinagdadaanan mong mga hirap. Ang mga balakid na ito ay kayang-kaya mong maungusan kung gagawin mo ang mga bagay na ito.

#1 Ang Pagsabi ng “No” (Hindi/Huwag)

Mahirap bang tumanggi sa mga imbitasyon? Madalas, ganyan din sa mga proposal sa mga negosyo mo. Lalu na kung kilala mo ang kausap. Pero sa larangan ng pagnenegosyo, dapat alam mo kung kailan ka dapat tumitindig at nagsasabi ng “No.” Ang paggawa na ito ay hindi ganun kadali pero nagsisimula ito sat ono ng boses mon a may seryoso at mababang pagbigkas. Di kailangang may konting taas o galit. Ang mahala ay ang malumanay ngunit may pagtindig sa prinsipiyo. Sa huli, ang mga kausap mo ay makakaita ng sinseridad sa yo lalu na sa larangan ng pagkakaroon ng isang salita.

#2 Balanse ng Buhay at Trabaho

Meron tayong tinatawag na work/life balance na dapat pangalagaan sa ating pagnenegosyo. Di lahat ng bagay ay dapat umiikot sa trabaho dahil ang lahat ng ginagawa natin ay para sa mas mataas na antas na siyang ating buhay at pamilya. Ayusin ang skedyul mo para maging balanse ang buhay at trabaho. Magkaroon ng panahong makasama ang mga kaibigan na labas sa pagnenegosyo. Maglaan ka ng oras para sa mga gawaing magpapasaya sa puso mo at magpapatalas ng pag-iisip. Tandaan na ikaw dapat ang priyoridad kung nasa oras ka ng “life.”

#3 Mag-outsource ng gawain

Ito marahil ang isa sa mga sikreto ko bilang negosyante. Di ko kinukuha ang lahat ng trabaho at sa halip ay akin itong ibinabahagi. Di basta delegasyon ang tawag dito ngunit pag-outsource. Maraming bagay ang dapat na ina-outsource ngunit ang dapat na maging basehan ay ang mga trabahong di mo naman “core competence” o sadyang di ka eksperto sa mga yun. Madalas, mas makakatipid ka pa lalu na kapag nakita mong mas mabilis ang trabahong iyong in-outsource sa iba.

#4 Pagkakaroon ng mga Breaks

Ang pagpapahinga sa trabaho ay mahalaga. Para din tayong makina na kinakailangan ng paghinto upang maka-ipon na muli ng lakas. Ang pagtulog ay sadyang isa sa pinaka-mahalagang uri ng breaks. Noong araw ang siyesta sa opisina ay normal. Kung saan pagpatak ng alas-dose ng tanghali hanggang ala una, pinapatay ang ilaw at nag-siyesta ang mga tao matapos ang pananghalian. Sa ngayon ang breaks ay ang pagpunta sa iba’t-ibang lugar kung saan ika’y magpapalakas muli. Kasama na diyan ang yoga, Zumba at iba’t-ibang uri ng ehersiyo.

#5 Bukas na Komunikasyon

Nadiskubre ko na mas mainam ang bukas na komunikasyong personal kesa electronic gaya ng email o text. Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon ay upang mapanatili ang kaayusan ng relasyon saan mang bagay ng negosyo o sa personal na pamumuhay. Kung sarado ang linya ng komunikasyon, babagal ang ugnayan at hihinto ang maraming aspeto ng pagnenegosyo. Simulan sa one-on-one meetings at tinatawag kong “stand-up meetings” kung saan di na kailangang pormal ang pag-uusap. Lumabas din minsan kasama ang mga empleyado o mag-outing.

#6 Pag-analisa ng mga dating Problema

Anumang naging krisis o problema noong mga nakaraan sa negosyo ay kailangang pahalagahan. Huwag hahayaang walang natutunang aral ditto para di na maulit. Ang simpleng aksyon ditto ay ang pag-analisa ng mga ito. Magkaroon ka ng panahon para gawin ito at gumawa ng mga rekomendasyon sa mga tauhan para maging maagap sila sa pagsugpo ng mga susunod na problema.

#7 Laging Positibo

Sa gitna ng kahit na anong unos, ang pagiging positibo ay laging panalo. Sa lahat ng bagay, huminga lang ng mamalim, magdasal at panatilihin ang malinaw na pag-iisip. Kung nega ka sa pagharap sa krisis, talo ka na agad. Be positive and stay positive!

Ilan lang yan sa mga simpleng paraan upang magtagumpay sa negosyo mo sa bahay. Maging masinop at matiyaga. Darating din ang araw ng tagumpay.


Si Homer Nievera ay isang serial technopreneur. Maaari po siyang ma-kontak para sa katanungan sa negosyo sa chief@negosentro.com

(Visited 18 times, 1 visits today)

You may also like