Palaguin ang Negosyo sa 5 Paraan na Ito
ni Homer Nievera, CDE, CVM | Nais mong palaguin ang negosyo mo ngunit di ka sigurdo paano ‘to gagawin?
Narito ang limang tips ko upang makatulong sa pagpasya paano ito magagawa. Tara!
#1 Pasukan ang isang Kilalang Merkado
Lagi nating sinsabi na ang mga milenyal ang susunod na malaking henerasyon na syang nakaposisyon upang maging malaking merkado sa ngayon. May ginagawa ka ba para mapasukan ang merkado o niche na ito? Magsaliksik kung ano ang mga produkto o serbisyo na makakaakit sa merkadong iyong nais pasukan. Tingnan ang mga kumpetisyon na nandyan na. Sa pag-aaral mo ng mga bagay na ito malalaman kung paano mo magagawang ayusin ang negosyo mo at palaguin ito lalu na kung nariyan na pala ang mga mamimili, di ba?
#2 Palawakin ang Merkado
Kung napasukan mon a ang merkadong ginagalawan mo sa ngayon, baka naman panahon na upang palawakin ang area na iyong ginagalawan? Isang halimbawa ay ang negosyong hamburger kung saan ang pangunahing kostumer mo ay kabataan. Kung lalagyan mo ng mga salad o mas magulay na hamburger sandwich, maaakit mo ang mga 40’s pataas o kaya ang mga health-conscious. Kung maliit na say o ang merkadong ginagalawan mo, palawakin ang sakop ng serbisyo o negosyo. O kaya ay sa ibang lugar ka naman magtayo.
#3 Refferals
Madalas marinig ang salitang “Referral” sa mga negosyong insurance, MLM at direct selling. Dahil na din ang pag-endorso say o ng ibang tao patungkol sa binebenta mo ay napakalaking bagay. Ito din ay isa sa paraan ng paglago ng negosyo mo. Kaya nga nauso ang pagkuha ng kilalatao o artista sap ag-endorso ng negosyo dahil mas mabilis makauha ng tiwala ng ibang tao dahil dito. Gumawa ka ng referral-program simula sa iyong mga empleyado at tungnan paano ito makakatulong sa yo. Lagyan mol ang ng insentibo sa bawat ma-refer nila sa yo.
#4 Niche Marketing
Ang isang “market niche” ay ang mas masinsing pagtuon sa isang merkado mo. Gaya ng pagtuon sa mga milenyal, puede mo pang tingnan ang “niche” (o mas focused na merkado) gaya ng mga babaeng milenyal na nakatira sa mga condo. Maaring mas maliit ang merkado na ito ngunit mas madaling pagmulan ng benta at unti-unting palakihin pa. Ang mahala, masinsin mong pagtutuunan ang mga bagay na maaring magbenta ng mga produkto o serbisyo mo sa kanila. Dyan ka magsimula kasi mural ang ang marketing.
#5 Palawakin ang Pagsaliksik sa Merkado Mo
Minsan kasi, kailangan mol ang saliksikin pang maigi ang merkadong ginagalawan mo ngayon bago ka pa lumabas ditto. Gamitin ang Google at Facebook sa panimula ng pagsaliksik dahil meron silang mga metrics na magagamit mo na agad. Kumunsulta na rin sa mga eksperto sa marketing para mas mabilis mong maituon ang plano patungkol dito.
Sa lahat ng bagay, di tsamba-tsamba ang paglago. Pag-aralang mabuti ang mga hakbang, samahan ng dasal, at ikaw ay lalago!
—
Si Homer Nievera ay isang digital evangelist at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com.
Tags In
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon