ni Homer Nievera, CDE | Kung may ideya kang nais palaguin para maging isang matagumpay na negosyo, marami ding paraan para ito’y pumalpak. Narito ang mga maaaring gawin para mapalago pa ang iyong ideya:

#1 I-validate ang Merkado

Bago ka pa gumalaw ng malayo sa iyong ideya, kailangan mo munang siguraduhing may merkado ka. Maraming paraan para gawin ito. Ang pagsasaliksik sa pamamagitan ng pagsilip sa maaari mong kakumpitensiya ang unang gawain. Magtanong-tanong din sa mga eksperto ng nauukol sa produkto o serbisyong gagawin mula sa ideya mo.

#2 Gumawa ng Prototype

Isang konkretong hakbang upang maging matagumpay ang ideya mo ay ang paggawa ng isang prototype, o isang sampol. Gumamit ng mga kapareha o nalalapit na materyales para sa protoype mo. Pag nabuo mo na ito, malalaman mo kung ano pa ang dapat gawing hakbang o kung ito’y tamang ideya sa simula pa lamang.

#3 Bumuo ng Kapital

Madalas kukulangin ka ng pera habang bumubuo ka ng iyong team at produkto. May mga imbestor na maaaring tumulong. Kaya naman ayusin ang iyong pitch para mai-present sa mga target na imbestor. Puwede ka ding magsimulaor magpraktis sa mga kapamilya o kabigan. Ayusin ang presentasyon hanggang maging maayos ito.  Mas ok kung may tatlong minute kang pitch bilang panimula.

#4 Simulang Buuin ang Branding

Lahat ng produkto ay dapat may solid branding. Ito ang mahalaga para sa susunod na gawain. Kailangang ayusin ang pagplano nito para paglabas sa publiko, mabilis makilala ang produkto mo. Simulan mo sa pagbuo ng logo. May mga naisulat na ako ukol dito sa mga nakaraang pitak. Hanapin sa website ko (homernievera.com) o sa website ng tabloid na ito.

#5 Buuin ang Website at Social Media

Ang website ang tila personalidad ng brand mo sa Internet. Ang pagbuo naman ng social media para sa brand mo ay ang magpapalawig ng mensahe ukol dito. Ang double-action na gawaing ito ay panimulang paraan para sa pagbebenta mo ng iyong produkto.

Ano man ang ideya mo, wag basta bastang iwaglit ang proseso para magtagumpay. Sa kasabihan nga naming noon, na dalawa-singko ang isang ideya. Ang mahalaga ay mapalipad mo ito at gawing tunay na negosyo.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

(Visited 3,441 times, 1 visits today)