ni Homer Nievera, CDE | Kung akala mo ay magiging maayos na ang digital strategy mmo, kahit paano, may dahilan pa din itong pumalpak. Para masigurong nasa ayos ang lahat lalu na’t malapit ng matapos ang taon, narito ang limang bagay na dapat silipin sa istratehiya mo:

#1 Maling Plataporma

Baka naman mali ang ginagamit mong plataporma para sa digital strategy mo? Halimbawa, ang paggamit ng WordPress para sa website na puno ng content. Ito nga ba ang gamit mo o iba? Ang mga website builders na gaya Wix ay ok sa simula. Baka lumalaki na ang negosyo mo o ang kumpetisyon, kung saan kailangan mo na ng mas maayos na website? Kung may e-commerce ka na at di na kasing epektibo ang paggamit ng sariling-gawa na website, baka dapat nang gumawa ng integrated e-commerce strategy?

#2 Di Epektibong SEO

Karamihan ng mga startup na negpsyo ay sa SEO pumapalpak. Dahil na din di nila naiiisip na sa una pa lang ay inaayos na ito. Kapag dumami na kasi ang kalaban mo, natatabunan ka na sa Google Search kung di maayos ang SEO mo. Mas mainam na ipa-manage sa eksperto ito. Maraming siyensiya ang gamit para umangat ka rito. Magsimula ka sa forensics.

#3 Maliit na Budget

Kung natatabunan ka na ng mga kalaban mo sa social media at Google Ads, maaari mo ng taasan ang budget mo. Ito kasing bagay na ito ang mmadalas na ipagpalliban ng mga marketing ng negosyo hanggang sa halos huli na ang lahat. Pag-aralang muli ang digital budget mo.

#4 Mahinang Social Media Management

Ang social media management ay mahalaga. Period. Kung di ka desididong gumamit nito, tiyak na bagsak ang mga plano mo. Pag-aralang mabuti ang ginagawa ng iba at ikumpara sa yo. Ano sa tingin mo? Sino kaya ang mag umuungos sa inyo?

#5 Di Paggamit ng Metrics

Kung di ka masinop sa pagtingin ng numero, tiyak palpak ang digital marketing mo. Ang Facebook at iba pang social media ay may metrics (tawag ay Insights). Ang Google ay may Analytics (Google Analytics). Kung nagyon mol ang ito narinig, panahon nang pag-aralan ito. Ang mga numero ditto ang gagabay sa yo sap ag-ayos ng istratehiya mo sa digital.

Kung maraming ka pang tanong ukol sa pitak na ito, puede naming mag email lang sa akin o kontakin ako sa FB page ko na nakasulat sa ibaba. Mag-aral at mag-tiyaga para lumago ang buhay. Gabayan ka nawa ng Diyos.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

(Visited 123 times, 1 visits today)