ni Homer Nievera | Para umunlad ang isang negosyo, maraming bagay ang kailangang gawin. Mula sa pagpaplano at paggawa mismo ng mga produkto o serbisyo, lalu na ang aspeto ng kapital.

Kailangan mo ng pera para sa sweldo, produksyon at marketing. Kaya naman maraming negosyante ang lumalapit sa mga Angel Investor para sa kapital.

Narito ang limang bagay na dapat paghandaan:

1. Saliksikin ang investor

Di lahat ng investor ay pare-pareho. Merong namimili ng industriya at estado ng produkto o serbisyo ng isang startup. May naghahanap din ng bilis ng ROI o porsyento ng kita o shares. Hanapin ang perfect match para sa iyo kasamanna ang personalidad at hilig sa partikular na bagay. Tandaan mo na maaring kasama mo sa board ang investor kaya saliksikin ng mabuti.

2. Sumulat ng isang in-depth business plan at executive summary

Lahat ng investor ay naghahanap ng plano. Sigurihing masinop ka aa detalye dahil di ka sigurado sa mga hahanapin nilang numero o mga bagay na naaayon sa kanilang hinahanap. Siguraduhing maganda din ang pagkakasulat ng istorya o presentasyon para madaling masundan ang plano.

3. Mag-praktis para iyong pitch

Sa loob ng tatlong minuto ay dapat masakop mo na ang buod ng iyong pitch o presentasyon. Dahil paglatapos ng tatlong minuto, malalaman nang investor kung gusto niya ito o hindi.

4. Gumawa ng maayos na estimate sa halagang kailangan mo

Ito ang parte ng pagpaplano na dapat alam mo ang detalye. Di dapat huhulaan ang numero dito. Dapat alam mo ang paglalaanan ng perang kailangan.

5. Mag-pokus ka sa iyong passion at gawing exciting ang istorya mo

Alam kaagad ng investor kung nasaan ang puso mo sa pamamagitan pa lang ng iyong presentasyon. Siguraduhing maganda at malinaw ang istorya. Mag-praktis ka sa harap ng mga kaibigan at adviser para maging pulido ang presentasyon mo.

(Visited 124 times, 1 visits today)