ni Homer Nievera, CDE, CCM | Sa panahon ngayon, hindi maikakaila ang malaking papel na ginagapanan ng teknolihiya sa iba’t ibang bahagi ng ating buhay.

Kung nais mong mag-negosyo ngayon, kaya mo nang makipagsabayan sa mga malalaking kumpanya sa pamamagitan ng mga simpleng teknolohiya na kungdi mura, walang bayad!

Website

Kung nag uumpisa ka lang sa iyong maliit na negosyo o kaya’y isa kang freelancer, malaking tulong ang sarili mong website. Ang isang website ay parang opisina mo sa Internet. Sa Pilipinas, kung saan mahigit na 45 milyon ang gumagamit ng Internet, tiyak na malaki ang potensiyal ng iyong negosyo kung may website ka. Kailangan, propesyunal ang hitsura nito at nakalagay dito ang mga importanteng impormasyon ukol sa iyong negosyo.

Email at Messenger Apps

Hindi kaila sa atin na ang bagong henerasyon ng mga bata ay marahil hindi na interesadong magpapadala ng sulat gamit ang koreo o Post Office. Sa pamamagitan pa lang ng cellphone, kaya na niyang mag text, mag chat ang makipag-usap kanino man saan man sa mundo.

Sa negosyo, email lang ay puwede ka ng magpadala ng mga proposal sa mga nais maging kostumer. Hindi mo na kailangang gumastos ng papel at pamasahe para ipadala ito. Makakasagot na din agada ng pinadalhan mo. Gayundin ang paggamit ng mga chat apps na Viber at Facebook Messenger na sa iyong mobile phone pa lang personal kayong mag-uusap o magkikita at wala pang bayad kung meron ka ng wifi.

Social Media at Search Engine

Para makahanap ng mga kostumer sa kahit na anong negosyo mo, ang paggamit ng Social Media at Search Engine ang pangunahing teknolohiyang magagamit sa pag-market ng iyong serbisyo o produkto. Sa Facebook, Linkedin at Google+ na ilang lamang sa mga social networking sites, at sa mga search engine na Google at Bing, makakahanap ka na ng mga tao o kumpanyang posibleng magkaka-interes sa mga binebenta mo.

Sa mga susunod na kolum, mas palalawigin ko pa ang diskusyon sa mga ito at ilan pang kaalaman kung paano mas magagamit ang teknolohiya para kumita ng pera saan ka man sa mundo.

homer-nieveraSi Homer Nievera ay isang digital evangelist at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook sa @thepositivevibespage. Ang mga kopya ng nailathala nang pitak ay nasa @gonegosentro sa Facebook at sa HomerNievera.com.

(Visited 96 times, 1 visits today)