ni Homerun Nievera, CDE | Sobrang bilis ng pagpalit ng mga gadgets, di ba? Halos bawat anim na buwan ay may upgrade na ang mga software. Ganyan din ang panahon sa pagnenegosyo sa ngayon. Iniisip mo pa lang, naisakatuparan na sa ibang bansa. Paano ka makakausad kung ganyan ang klima ngayon sa pagnenegosyo?

#1 Liksi sa Pagnenegosyo

Ang pagiging malkisi sa pagnenegosyso sa kaslukuyang panahon ay di lang basta istrahiya kundi isang lubos na pangangailangan lalu na sa mga startup. Bago man ikaw sa pagnenegosyo o matagfal na, kung may produkto o serbisyo ka kung saan ibinubuhos mo ang lahat ng enerhiya sa pagiging perpekto nito, malamang, lagot ka. Bakit? Kasi sa bilis ng takbo ng teknolohiya, baka di mo pa natatapos ang plano mo, may iba nang lumabas. May isang teknik na ang tawag ay “Agile Approach” kung saan maliliit na pag-usad o pagbabago ang ginagawa mo kasabay ng testing kung magtatagumpay ka o hindi. Dito, nakakatipid ka ng oras, pera at trabaho dahil “flexible” ka o maliksi ang iyong galaw.

#2 Iba-ibang Talento

Kung iba-iba ang talent ng mga tao mo, mas mainam ito sa negosyo. Madalas, ang mga taong malikhain ay may kinalaman din sa mga kasamahan nila dahil iba-iba ang mga pinag-uusapan at pinag-iisipan. Huwag kang kukuha ng mga taong may pagkakapareho ng pag-iisip at istilo para lagi kang nauuna sa mga bagong ideya.

#3 Pangunguna sa Inobasyon

Dahil na din sa pagiging malikhain ng mga tauhan o kasamahan sa trabaho, ang resulta nito ay inobasyon. Kung saan may inobasyon, may pangunguna sa ideya at produkto na malamang, ikaw lang ang meron. Dahil dito, di ka mauubusan ng benta dahil solo mo ang merkado. Bago pa man sila makahabol o makagaya, may bago ka na ulit.

#4 Repaso ng mga Proseso

Huwag maging kumpiyansa sa mga nakagawiang proseso. Kapag naging paulit-ulit lang ang mga proseso mo at walang pagbabago, kundi hihinto ang pagiging malikhain, nagaya at naabutan ka na ng ibang kalaban. Lal una kung lumipat sa kalaban ang mga dati mong tauhan, mas mabilis kang mawawalan ng saysay sa industriyang kinaaaniban.

#5 Pagsaliksik sa Parating na Teknolohiya o Pagbabago

Huwag kang kumpiyansa sa kung ano ang meron ka na ngayon. Lagi kang tumingin sa hinaharap ng iyong industriya dahil baka ka maunahan. Gaya ng mga softdrinks na di akalain na makukuhanan sila ng malaking merkado ng Iced Tea na ngayo’y mas namamayagpag kesa sa mga softdrinks, di ba?

Ngayong unang buwan ng taon ay pagkakataon mo ding umangat sa pamamagitan ng pagiging malikhain kesa sa iba. Inaasahan kong mas lalago ka pa sa negosyo at sa buhay kung laging magsusumikap at ipagdarasal ang kinabukasan.

Si Homer Nievera ay isang serial technopreneur. Kung may katanungan, mag email sa kanya sa chief@negosentro.com.

(Visited 4,596 times, 1 visits today)