ni Homer Nievera, CDE, CVM | Ayon sa isang pag-aaral, 30 porsyento ng mga startup na negosyo ay nagsasara sa loob ng unang dalawang taon. Madalas kasi, gumugulo ang maraming bagay habang pilit na pilapalaki ang isang startup.

Narito ang limang tips ko upang maging mas maayos ang pagnenegosyo mo. Ano, tara na!

#1 Huwag pilit gawin ang lahat nang mag-isa

Sa ilang taon kong pagnenegosyo, sadyang mahirap talagang pigilan ang sarili na sarilinin ang lahat ng mahahalagang gawain sa isang negosyo,m lalu na kung nagsisimula ka pa lamang. Sa totoo lang, ang delegasyon ng ilang trabaho ay dapat na ibigay sa mga eksperto o doon sa iyong na-train na tauhan. Mas mainam kasi na bilang pinuno, maging abala ka sa “vision” ng kumpanya mo kesa sa maliliit na bagay ituon ang pansin. Puwede ka ding mag-outsource. Ang mahalaga, wag angkinin ang lahat ng trabaho.

#2 Mag-Invest sa “Digitization”

Marami nang mga bagay na digital na ang solusyon. Simula yan sa simpleng website na siya mong tindahan sa Internet, gayundin sa social media kung saan ito’y kapareha na din ng customer service.

Maraming bagay na puwede nang gamitan ng mobile apps. Madalas, libre ito kung kaunti lang naman ang gagamitin mo. Halimbawa, ang Google Drive ay maraming paraan na maging unlimited ang storage mo. Makakatulong ito sap ag-ayos ng mga files mo. Sa payrolling at HR services, meron na ding digital na solusyon. Ang mahalaga ay maayos ang sistema mo na di naman mahal, mas mabilis pa sa dating gawi. Di ka pa kailangang magkaroon ng maraming files na papel.

#3 Planuhin nang maaga ang mga Kampanya mo sa Social Media

Madalas makaubos ng oras ang pag-iisip, pagpaplano at pag-execute ng mga plano sa social media. Pero may paraan naman na i-schedule mo lang ang mga posting mo ay ayus na pala. Makakalibre ka na ng panahon na gagamitin sa ibang bagay. Simpleng scheduling lang panalo na!

#4 Paggamit ng mga Bagay Online at App sa mga Miting

Sana naman ay gumagamit ka na ng pag-schedule ng mga miting mo sa cellphone. Kung di pa, umpisahana mo na. Ang paggamit ng Google Calendar ay maari mong i-sync sa phone mo. May mga phone apps din mag-aayos ng mga schedule mo. Ang mhalaga, ay gumamit ka ng mga ganitong bagay at puwede na din i-sync sa mga tauhan mo kung saan makikita mo kung maayos din ang paggamit nila ng oras.

#5 Sumentro sa Malalaking Bagay

Ang karamihan sa mga kilala kong matagumpay na negosyante ay yung mga nakatuon sa mas malalaking bagay kesa sa mga maliliit. Ang tinatawag na “micro-managing” ay di naaayon sa panahon ngayon ng pagnenegosyo. Mabilis kasi ang pagtrabaho ngayon kaya naman kailangan, ikaw din ay ganun.

Tandaan na kung mawala ka sa pokus sa dapat na paroonan ng negosyo mo, lahat ng bagay ay susunod dun.

Si Homer Nievera ay isang digital evangelist at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com.

(Visited 4,604 times, 1 visits today)