Bakit mo Kailangan ng Exit Strategy sa Negosyo? | ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Kumusta ka-negosyo? Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan. Sa panahon man ng kalakasan ng ekonomiya o sa kahinaan nito, maraming istrahiya ang kailangang paghandaan ng isang entrepreneur. Sa katunayan, sa umpisa pa lamang nag pagpaplanong magtayo ng negosyo, maraming paghahanda na ang isinasama dito. Isa sa mga ito ay ang tinatawag na Exit Strategy.

Ang simpleng ibig sabihin nito ay ang pagkakaroon ng nakahandang istratehiya kung paano ka bibitaw sa negosyo. Teka-teka. Di ba kung magnenegosyo ka, iisipin mo na ito ay pang-matagalan? Di ba dapat pinapalaki ang negosyo upang maipasa ito sa susunod na henerasyon? Hindi lahat, ganoon mag-isip.

Maraming mga entrepreneur ang malawak ang pag-iisip at marami pa silang nais na magawa sa kanilang buhay entrepreneur. Maraming startup ang napaghandaan na ang araw na kanilang ibebenta ang negosyo nila o ang kanilang shares sa negosyo. Bakit? Maraming dahilan. Ilan lang dito ay ang pagreretiro, pagbuo ng ibang negosyo, o sadyang ganun lamang sila na tinaguriang serial entrepreneur.

Kung ikaw ito, o kaya’y nais malaman kung bakit mo kailangan ng isang exit strategy, basahin mo dito.

Tara na at matuto!

#1 Kung natalo ang negosyo

Ayon sa Investopedia.com, singkwenta porsyento o 50% ng mga negosyo ay di nagtatagal ng mahigit sa sampung taon. Marami ang numerong ito, di ba?

Ang isang negosyong itinayo ko kasama ang ilang partner ay ang Mediablast Digital. Itinayo naming ito dahil may mga nagging kliyente kami noon na mga pulitiko na nais makipagsapalaran sa halalan nang panahong iyon sa pamamagitan ng digital at social media.

Noong mga panahong iyon, mabibilang sa isang kamay ang mga tulad naming na ganoon ang ginagawa. Sa katunayan, kahit nga magkakakatunggali sa nasyonal na lebel, ay nais kaming kunsultahin.

Naging matagumpay naman ang mga ginawa naming noon na nagging daan upang sa mga sumunod pang halalan ay dumami pa ang kliyente naming, lalu nna sa local.

Ngunit ipinihit namin ang negosyong ito tungo sa mas establisadong merkado, at makailang ulit na din nag-iba ang mga may-ari ng kumpanya. Na sa ngayon, ako na lamang ang orihinal na nasa board.

Lampas na ng sampung taon ang Mediablast at nairto pa rin kami. Ngunit dumami na ang ilang negosyong naidugtong dito sa ibang bansa. Sa ngayon, may opisina na kami sa US, at nakipag-partner na sa iba’t ibang kumpanya.

Dumating ba kami sa pagkalugi? Masasabi kong hindi. May mga proyekto kaming natalo o nalugi, pero buhay pa ang kumpanya.

Para sa amin, ang exit strategy namin ay iwasang magsara ang kumpanya sa pamamagitan ng pagpihit sa mga paangat na kaakibat na negosyo.

#2 Kung nais mag cash-in

Natural sa isang entrepreneur ang makakita ng oportunidad upang mag cash-in na. maraming kadahilanan ito at madalas, personal ang pinaghuhugutan.

Isang halimbawa ay ang pagliban ng mga nauna kong partner sa Mediablast dahil ninais na nilang pumihit ng direkson patungo sa kanya-kanyang karera.

Isa pa ay ang pagbebenta ng ilang shares ng ilang partner ko sa isang negosyo na naging daan upang magkamal kami ng isang partner ko din ng malaking bulto ng shares kaya kami na ang mayorya dito.

Sa ikalawang halimbawa, nag cash-in na sila. Puwede din kasing ibenta mo na ang buong kumpanya, di ba? Sa totoo lang, iyun din ang balak ko kapag napalaki na ng husto ang halaga ng mismong kumpanya. Parang interes sa banko o shares sa stock market lang yan. Palakihin ang halaga at mag cash-in.

#3 Kung ipapamana ang negosyo

Sa totoo lang, wala pa akong kumpanya nan ais kong ipamana sa aking mga anak. Ito ay dahil mas nais kong mag-pursige silang hanapin ang nais nilang karera. Ngunit sa isang Negosyo na pinasukan ko, noong pumihit ito patungo sa mga medical devices, ipinasok ko ang anak kong duktor bilang kasama sa board. Kasi nga, mas angkop sa kanyang kaalaman at kakayahan ito.

Kaya ang isang gamit ng exit strategy ay naayon sa balak mong ipamana ang negosyo sa anak mo. Parang insurance na din ito, di ba? Mas ipapamana mo ang isang bagay na patuloy na lalago kesa salapi nab aka maubos lang.

Ang exit strategy na gagawin mo dito ay ang pagsasaayos ng sistema ng kumpanya para kung panahon nang ipamana ito, maayos ang lahat. Siyempre, kasama na ang pag-train sa anak mo o kapamilya mo.

#4 Kung isasalin sa professional managers ang negosyo

Sa Amerika, maraming mga may-ari ng kumpanya ang gumagawa ng exit strategy nang naayon sa pagsasalin ng management sa mga propesyunal na mga tao na may kakayahang patakbuhin ang negosyo mo kahit di ka na aktibo dito.

Dito sa Pilipinas, may kilala akong isang malaking kumpanya kung saan mas ninais ng may-ari na kumuha ng CEO mula sa labas upang mas mapalaki ang kumpanya. At ganun nan ga ang nangyari!

Ang exit strategy dito ay katulad din ng pagpapamana ng negosyo sa anak o kapamilya. Ang pagkakaiba ay ang panahon upang magsanay ang kukuning mga propesyunal na ttaong mamamahala sa negosyo. Siyempre, kukuha lang ng mga may alam na industriyang ginagalawan, di ba? Ang pamilyarisasyon na lang sa mismong sistema at organisasyon ang pagtutunan ng pagsasanay.

Ibibigay mo na lang ang mga layunin ng negosyo at ano ang usapan niyo sa halaga o dibidendo na ibibigay s aiyo buwan buwan o taun-taon.

#5 Kung nais mo pang lumago nang husto ang negosyo

Kung exit lang din ang pag-uusapan, pinakamagandang exit ay ang pagpapalago pa nang husto sa naturang negosyo, di ba? Paano ito magagawa? Narito ang apat na pamamaraan:

  • IPO (initial public offering)
  • Management buyout
  • Strategic partnership o merger
  • Full acquisition

Di ko na tatalakayin nang mahaba ang bawat is ana ito ngunit babanggitin ko na lang ang ibig sabihin ng mga ito.

Ang IPO o initial public offering ay ang pagbubukas ng pagmamay-ari ng kumpanya sa publiko sa pamamagitan ng pagpapalista nito sa stock exchange. Dahil may kinalaman ito sa stocks, ang nais mong mangyari ay lumaki ang halaga ng stocks mo para pagdating nang araw nan ais mong ibenta ito, ay Malaki ang kikitain mo sap ag cash-in (buo man o parte).

Ang management buyout naman ay ang simpleng pagbebenta ng kumpanya mo sa mga nagpapalakad nito. Maraming paraan upang mapag-usapan ito, mula sa isang bagsak na halaga, o sa unti-unting pagbabayad.

Ang strategic partnership o merger ay ang pagbenta ng stocks o shares mo sa kumpanya ngunit di ito buo. Madalas, isa sa inyo ng bibili ang magiging mayorya.

Ang full acquisition naman ay ang pagbebenta ng buo ng kumpanya sa iba.

Kahit ano dito ay tinaguriang uri ng exit strategy. Depende sa laki ng kumpanya mo, depende sa personal nan ais mo, o depende sa sitwasyon.

Pagtatapos

Kung wala ka pang exit strategy, simulant mom una sa pagbalik-tanaw sa layunin mo sa pagnenegosyo. Kumonsulta ka sa mga eksperto upang magabayan ka sa desisyon.

Ang pagiging entrepreneur ay sadyang mahirap ngunit exciting. Di man ito para sa lahat, maaari ka namang mag-sideline.

Tandaang di ito para sa mahina ang loob at kulang ang tiwala sa sarili. Magkaroon ka ng sipag at tiyaga at ang maging masinop sa lahat ng bagay.

Higit sa lahat, mangarap para sa kinabukasan kasama ng pagtiwala sa sarili at pananampalataya sa Diyos.

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na chief@negosentro.com

(Visited 144 times, 1 visits today)