8 Negosyo Tips

8 Negosyo Tips Mula sa 8 na Bilyonaryo

ni Homer Nievera, CDE, CVM | Sa kasalukuyan, ang maging isang milyonaryo sa Pilipinas ay napakadaling makamit lalo pa’t isa kang executive sa isang kumpanya. Kung ikaw naman ay isang empleyado sa gubyerno, kung ikaw’y isang matapat na kawani, magreretiro kang isang milyonaryo.

Pero ang pagiging isang bilyonaryo ay di ganun kadaling abutin bilang Pinoy. Kailangan mong maging negosyanteng matagumpay. Sa larangan ng teknolohiya, ay lubhang madali kung ikaw ay tulad ni Mark Zuckerberg ng Facebook.

Alamain natin ang ilang tips mula sa mga nagtagumpay sa kanilang larangan sa Amerika.

#1 Bumuo ng Masasayang Kostumer

Ayon ka Tej Kohli, isang matagumpay na bilyonaryong negosyante sa larangan ng real estate, ang pagkakaroon ng mga kostumer na masaya sa kanilang pakikipag negosyo ay isa sa pinakamahalagang bagay sa pagnenegosyo. Mas mahalaga pa raw ito sa pagkakaroon ng maayos na istratehiya sa negosyo, kasunod ng pag-pokus sa personal na benta ng mga tao mo. Para sa kanya, kahit maayos ang lahat sa organisasyon mo, pero di bumabalik ang mga kostumer mo, di ka uunlad. Tama nga naman, di ba?

#2 Matuto sa mga Kabiguan

Sabi ng founder ng Microsoft na si Bill Gates, na mainam na ipagdiwang ang mga tagumpay, ngunit mas mahalang matuto sa mga kabiguan at ito’y pakatatandaan. Sabagay, sa katwirang paulit-ulit mong gagawin ang mga bagay kung saan ka nabigo ay kapareho ng isang hangal na nagnanais na magkaroon ng ibang resulta.

#3 Walang mga Shortcut

Ang bilyonaryong si J. Paul Getty na kilala sa industriya ng enerhiya ay nagsasabing walang napapala na pangmatagalan sa pamamagitan ng pag-shortcut sa maraming bagay. Sa kanyang larangan ng oil and gas (langis) ay nangangahulugan ng kapahamakan s akonting mali bunga ng pagmamadali sa isang proseso na di puwedeng i-shortcut.

#4 Kalimutan ang Perpeksyon

Huwag mong isipin na ikaw ay di mapipigilan sap ag-aangat at ang lahat ng plano ay walang sabit. Ang mas mahalaga, ayon kay Eike Batista, isang bilyonaryong taga-Brazil, ay ang magtagumpay. Kaya kahit na di perpekto ang gagawin mo ang naaayon sa iyong naunang plano. Gawin ang lahat para magtagumpay.

#5 Maging tunay na Entrepreneur

Ang bilyonaryong Amerikano na si John D. Rockefeller ang nagsabing wag mong tahakin ang landas na nilakaran na ng marami. Ang landas na halos walang dumaan ay siya mong pagtuunan ng pansin. Ganyan mag-isip ang tunay na entrepreneur. Magsaliksik at pagbutihin ang pagsisikap hanggang magtagumpay ka.

#6 Wag mong pigilan ang iyong sarili

Ayon kay Mark Zuckerberg ng Facebook, ang pinakamalaking pagtaya sa negosyo ay ang di pagtaya mismo. Kung walang pagtayang gagawin, walang tagumpay na matatamo, di ba?

Kaya wag mong pigilan ang sarili mo sa mga nais mong nais makamit na tagumpay sa larangan ng pagnenegosyo. Tumuloy ka lang na may kasamang pagdarasal at pananampalataya, magiging ayos din ang lahat.

#7 Enjoy ka lang

Sa dulo, hindi ang pagkamal ng salapi o kayamanan ang dapat mong rason sa pagnenegosyo. Dapat, mahalin at mag-enjoy sa ginagawa. Yan mismo ang sinabi at ginagawa ni Tony Hsieh na founder ng matagumpay na online na negosyong Zappos sa Amerika. Kapag nagtagumpay ka na kasi, at pumasok na ang yaman, makikita mo na di na pera ang nagpapagulong sa negosyo kundi ang ibang mga bagay na nagpapasaya sa yo.

#8 Magbigay pabalik sa iba

Sa pagnenegosyo, dapat balanse ang lahat. Ayon kay bilyonaryong negosyante na si Chuck Feeney, ang pagbalanse sa mga ganitong bagay ang mas mahalaga – pamilya, negosyo, and oportunidad para mag-aral at magturo.


Para sa akin, ang balanse sa lahat ng bagay ay siyang mas mahalaga. Ang pagiging matagumpay sa negosyo ngunit pagkabigo sa mga relasyon at pamilya ay nagbabale-wala sa tagumpay sa negosyo.

sa lahat ng bagay, unahin ang Diyos at pamilya.

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na chief@negosentro.com

(Visited 44,575 times, 1 visits today)

You may also like