5 Tips Para Maging Propesyunal ang Setup ng Online Business Mo
ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | 5 Tips Para Maging Propesyunal ang Setup ng Online Business Mo | Magandang araw, ka-negosyo! Handang-handa ka na bang sumubok magtayo ng online negosyo mo? O kaya naman ay nadyan ka na sa latangan na iyan at nais mong makasiguro sa landas na tinatahak mo. Kaya naman tuloy tuloy pa rin ang ating pagbibigay ng mga tips ukol dito o kaya naman ay binubuksan natin ang ibayong kaalaman para dito.
Kaya naman narito ang ilang bagay na maaaring makatulong sa pag-organisa ng isang maayos at propersyunal na online business sa pangkalahatan. Tara na at matuto!
#1 Magtayo ng Website
Kung akala mo ay ok na ang pagkakaroon ng Facebook Page, nagkakamali ka.
Upang maging propesyunal ang dating ng iyong negosyo, kailangan magkaroon ng website. Ito kasi ang pinaka opisina mo na kasi. Ito ang main address mo sa Internet. Halos lahat kasi maghahanap ng website mo para alam na lehitimo ang negosyo mo.
Paano magsimula? Merong Wix.com na siyang libreng panggawa ng website at drag-and-drop ang konsepto nito. Kayang-kaya ng isang non-professional ito. Kung online ecommerce naman ang negosyo mo, meron ding Shopify. Yan ang dalawang popular ngayon kung mabilisang website.
Ang payo ko naman ay magsimulang mag invest sa WordPress website na puwedeng may ecommerce sa pamamagitan ng Woocommerce. Di ito mahirap gawin kung may kaalaman ka na kahit papaano. Kung kailangan niyo ng gagawa dito, puwede niyo akong kontakin at may ma-rerefer akong mga taong gagawa na propesyunal at di mahal.
Tandaan na ang kailangan dito ay bukod sa Domain Name (pangalan ng website) at ang hosting na siyang pinaka-lupa kung saan nakatirik ang website mo. Punta ka lang sa GoDaddy.com o kaya’y sa Namecheap.com para dito.
Sa hostings, may mga package naman na kasama sa domain name ang mga naturang sites. Meron ding hiwalay gaya ng Blue Host at Dream Host.
Sa mga blogs ko, iba-iba ang hosting nito kasi nga nasa ibang bansa ang mga mambabasa ko talaga, pati na ang mga manunulat ko kaya dapat stable ang hosting.
#2 Search Engine Optimization o SEO
Kung sa tingin mo ay ok na ang website, may ikagaganda pa ito kung mas madali ka mahahanap ng mga kostumer mo. Gumamit ka ng SEO – o search engine optimization – para gawin ito nang di gagastos sa advertising.
Ano ba ang SEO? Ito ang pamamaraan kung saan gagamit ka ng kombinasyon ng mga keywords o key phrases na karaniwang hinahanap o tina-type ng mga target mong kostumer. Kung ang makita nilang resulta sa Google ay may kinalaman sa site mo, sa yo sila pupunta.
Kaya naman sa paggawa ng SEO mo, dapat pag-aralang mabuti. Halos linggo-linggo ang pagsasaayos nito kasi. Ang Google kasi ay nagbabago ng algorithm nila halos tuwing ika-anim na buwan. Ang mga updates nila ay nakakapagbago ng ranking ng mga keywords. At dahil ito ang mga mas mahalaga, dapat magamay mo ito. Pinaghalong siyensya at sining ang SEO kasi. Pag-aralan mo ito para makatulong sa pag-angat ng website mo.
#3 Security
Ito ang nadagadag na mahalagang parte ng pag setup ng online business mo. Dati, hinahayaan lang natin ang ganitong bagay sa ikalawang yugto ng setup. Ngunit dahil sobrang busy ng mga hackers ngayon, ilalagay na natin ito sa top 3 na mahalagang meron ka sa online negosyo mo.
Sa lahat ng bagay kung saan meron kang account ay mahalaga ang cybersecurity – mobile, web at social media. Sa mobile, mahalaga ang access sa mga bank accounts mo. Tiyak na may mobile banking ka at online wallets (GCash, Paymaya). Simple lang. Huwag magbibigay ng OTP o password kahit kanino, kahit mukhang lehitimo ang tumatawag, nag-tetext o nag-email sa yo. Walang magtatanong ng mga detalyeng ganyan.
Sa website naman, mas mainam may security plugins ka na. Tanugin mo ang web developer moa no ang dapat. Gayundin ang mga usernames at passwords na dapat pangalagaan. Isama na din natin ang access sa mga emails mo na dapat secured. Inga na din sa mga phishing scams kung saan tatangkain ng mga scammers at hackers na makahingi ng mga usernames at passwords sa pamamagitan ng pagkopya ng itsura ng banko mo at iba pa. Pag nag-type ka dun, makukuha na nila ang detalye mo. Tingnan mo lang ang source ng website address at ng email address para malaman kung lehitimo.
#4 Tingnan ang ang mga Kakumpitensiya
Ang kakumpitensya mo sa iyong giangalawang industriya ang magiging basehan mo sa pagsasaayos ng online business mo. Kung ano ang antas na umiiral sa pagiging propesyunal ng pagpapatakbo ng negosyo, ito ang iyong pairalin at higitan pa.
Sa ganang akin, naging inspirasyon ko ang Yahoo nung itayo ko ang mga naunang blog ko. Tinarget ko din ang mga kostumer nila (buong mundo), hanggang sa nagsara na nga sila at naipagpatuloy ko ang blogs ko (na ngayo’y isang network na). Ngayon, masasabi kong nahigitan ko na ang lawak at ng aking mga blogs sa buong mundo (188 na bansa) dail sa pagtuon ng pansin sa kakumpitensya ko noon.
Ngayon, patuloy pa din akong nakatuon sa mga panibagong kakumpitensya upang lagi akong atubili sa pagpapa-angat pa ng aking oline negosyo.
#5 Makinig sa Kostumer
Alam mo ba ang sinasabi at ninanais ng mga kostumer mo? Kung nais mong maglevel-up at maging mas propesyunal ang online business mo, kung ang customer feedback. Mas mahalaga ito sa panahong ito na tiula nag-reset ang buong mundo at nag-iiba na ang lahat dahil sa new normal.
Paano malaman ang feedback ng kostumer? Unang una, meron kang social media accounts kung saan nag pm at nag nag comment sila. Kostumer mon a o hindi pa, pakinggan ang boses nila. Dito mo malalaman ang mga susunod na hakbang upang mapalago pa ang negosyo mo.
Pagtatapos
Mahirap maging entrepreneur. Marami kang kinakaharap sa araw-araw. Ngunit, kung kaya mong i-organisa ang iyong araw, lahat magagawa ng maayos at nasa oras. Focus lang at maging komited ditto.
Hanggang sa muli mga ka-negosyo!
—
Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na chief@negosentro.com
Related Posts
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon