5 Paraan Para mas Maging Organisado sa Pagnenegosyo
ni Homer Nievera, CDE, CVM | Nararamdaman mo na ang panimulang pagbuhos ng trabaho ngayong simula ng taon? Mas malamig man ang panahon dala ng amihan, umiinit naman ang pagnenegosyo mo.
Yun lang, parang di ka masyadong nakapaghanda kaya dispalinghado ang mga bagay-bagay. Tila kulang ang oras sa isang araw para tapusin ang lahat ng dapat mong gawin.
Kaya naman narito ang ilang bagay na maaaring makatulong sa pag-organisa ng iyong araw at negosyo sa pangkalahatan. Tara na!
#1 Maghanda sa gabi pa lang
Ito nag pinaka maayos na paraan sa paghahanda ng araw mo – ang gabi bago ang kinabukasan. Marahil, marami na ding nakakalimot sa simpleng gawain na ito. Ang iba rin kasi ay naging ugali na ang pagliban sa paghahanda sa gabi para sa mga gawain kinabukasan.
Ang simpleng pagsasaayos ng schedule mo ay malaking bagay ang magagawa dahil na din sa kahandaan ng iyong isipan sa mga gagawin kinabukasan. Halimbawa, may mga meeting ka sa umaga. Di ba mas mainam yung pinaghandaan mo ito nang husto o nirebyu man lang ang presentasyon mo sa gabi pa lang? Malaking bagay yun kasi maiibsan ang pag-agam-agam mo sa umaga.
Kaya gabi pa lang, alam mo na ang mga dapat i-priyoridad kinabukasan.
#2 Mag-invest sa mga epektibong planner
Noong isang linggo, niregaluhan ako ng isang partner ko mula sa Amerika ng isang planner na tinatawag na High Performance Planner. Alam kong mahal ito dahil sikat ito sa mga magagaling na negosante sa Amerika.
Sa totoo lang, mahilig ako sa mga ganitong bagay dahil kahit nasa teknolohiya na ako, medyo old school pa rin ako patungkol sa mga planner. Gusto ko pa rin iyong isinusulat talaga kahit karamihan ng mga bagay sa akin ay nasa apps na o nasa web.
Malaking bagay sa planner ko ang Google Calendar nan aka-sync sa aking cellphone.
Ang mahalaga, anuman ang iyong nakasanayan, basta epektibo sayo, gamitin mo. Kung wala kang epektibong planner, maghanap ka kasi malaking bagay ito sa pagpa-plano ng araw mo at gayundin ang buong taon mo. Sab inga, ang isang pangarap na walang plano at mananatiling panaginip lamang.
#3 Sa umaga magbasa ng mga email
Ang bagay na ito ay medyo struggle sa akin kasi halos 24/7 ang mga negosyo ko. Kahit pa sa umaga talaga ako nagbabasa ng email – kung Pilipinas ang pinag-uusapan, sa ibang parte ng mundo, mga alas-diyes ng gabi ang umaga sa kanila at ako’y nagbabasa din mga email na bubuhos na ng ganung oras.
Ang halaga ng pagbabasa sa umaga ng mga email ay nagsasabing dapat aksyunan ang mga dapat aksyunan sa maghapaon pagkatapos basahin ang mga email. Marami kasi sa mga emails mo ay dapat aksyunan. Kasi kung sa hapon ka magbabasa, lumampas na marahil ang oras na dapat mas marami kang naaksyunan.
#4 Maglaan ng oras sa sarili
Kung sa isang buong araw ay puro ka trabaho, malamang manghihina na din ang utak at katawan mo dahil nawalan ka ng oras sa sarili mo.
Tandaan na ang taong walang pahinga o pagtuon sa sarili, ay mawawalan din ng gana sa pagtartrabaho.
Sa simpleng pagkakaroon ng oras para magkape ng 15 minuto, malaking bagay ito sa aking pag-recharge. Kasalukuyang ala-una na ng madaling araw at gising na gising pa din ako ngayon. Bakit? Naging “me-time” ko ang oras na ito, bago man lamang makatulog. Enjoy kasi akong magsulat para sa pitak ko. Eto sa akin ang aking outlet para maibahagi ang isang parte ng buhay ko sa inyo. Yan ang oras ko sa sarili na inilalaan ko para sa iba.
Kanya-kanyang oras o panahon yan. Ang mahalaga, maglaan ng oras para sa sarili mo. Pahinga din pag may time!
#5 Maglaan ng oras sa kalusugan at meditasyon
Maraming mga tao ang ang nakakaligtaan ang kanilang kalusugan. Kasama na nga dito ang meditasyon kung saan tila kumakalas ka sa gulo ng buhay at negosyo at nakatuon lamang ang iyong isipan at diwa sa sarili mo.
Sa ganang akin, ang inuuna ko sa paggising ko sa umaga ay ang pagdarasal. Ito na din ang aking oras ng meditasyon. Dahil late na akong magising dahil sa gawain ko sa gabi, halos dalawang beses lang akong kumakain na ang tawag pala ay I.F. o Intermittent Fasting. Di ko alam na may tawag pala doon. Normal lang kasi sa akin yun at maganda pala ang naidudulot nito sa katawan.
Ngunit ang pinakamahalaga sa akin sa larangan ng kalusugan ay ang tulog! Kung kulang ka nito, matamlay ka sa buong maghapon.
Kasama sa aking payo ay ang ehersiyo at ang mga bitamina kasama ng maayos na pagkain. Iwasan mo din ang nakaka-stress sa yo.
Pagtatapos
Mahirap maging entrepreneur. Marami kang kinakaharap sa araw-araw. Ngunit, kung kaya mong i-organisa ang iyong araw, lahat magagawa ng maayos at nasa oras. Focus lang at maging komited ditto.
Hanggang sa muli mga ka-negosyo!
—
Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na chief@negosentro.com
Tags In
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon