4 na Maling Gawain sa Marketing ng Karamihan sa mga Startup
ni Homer Nievera | Sa mga panahong tila handing-handa ka ng umpisahan ang iyong negosyo, may mga bagay na tila nakakaligtaan pa ring gawin. Marami sa mga nagsisimulang negosyo – o startup – ay nahuhulog pa rin sa alanganin dahil na rin sa kakulangan ng gabay ng may kaugnay sa marketing.
Sa taong ito na 2018, mahalaga pa rin ba talaga ang marketing sa isang negosyo kahit marami ng teknolohiya ang puwedeng ipalit dito?
Kung startup ka, o nagsisimula pa lang ang negosyo mo, isa sa pinaka-epektibong pamamaraan ng paglago ay nakasalalay pa rin sa marketing. Malawak ang larangan na ito kaya’t apat lamang ang maisasama natin na kailangang silipin sa pityak na ito sa ngayon.
#1 Walang malinaw na plano
Maganda man ang iyong ideya sa isang serbisyo o produkto, ang pagsasaayos ng branding distribution, at promotion nito ay ilan lamang sa mga nasasaad sa isang marketing plan. Meron ka ba nito? Kung meron, malinaw ba ang mga nakasaad dito?
Paano mo malalaman kung may linaw ang plano mo? Simulan sa maayos na objective, goal o rason kung para saan ang plano na ito. Ito ang gagabay say o patungo sa pamamaraan ng pag-market mo.
#2 Nakakalimutan na nagbabago-bago ang panahon
Kung ano ang nag-klik sa iyo dati ay di siguradong magki-klik uli ngayon. Dahil nagbabago ang panahon, gayundin ang isip at ugali ng mga tao. Ang teknolihiya ay mabilis ding nagbabago sa loob lamang ng ilang buwan kaya siguraduhing napapanahon ang iyong marketing plan.
#3 Di naita-target ng maigi ang merkado
Ito ang madalas na nakakaligtaan ng isang negosyante kaya naman Malaki ang nawawalang oportunidad at pera sa pag-market sa maling mga tao. Kung gagamit ka ng digital marketing, may kasamang mga metrics. Naisulat ko sa naunang pitak na di ito basta-basta madadaya kasi nga “real-time” ang pagpasok ng data. Nais mong malaman lahat ng numero para makita agad ang dapat gawing susunod na hakbang. Magtarget ng maayos para masinsin ang komunikasyon at mensahe sa merkado.
#4 Di kumukuha ng eksperto sa larangan ng marketing
Hindi lahat ng tao ay gamay ang departamentong ito. Kaya naman para di “hit-or-miss” ang gagawin sa marketing, kumuha ng tao na gagawa sa iyo nito. Maari ka din kumuha ng consultant na gagabay say o at sa mga tao na meron ka na sa organisasyon.
Malawak ang larangan ng marketing. Huwag basta-basta susugal ng di lubos na nalalaman ang gawaing ito. Sa dulo, negosyo mo din ang natatalo.
—
Si Homer Nievera ay isang digital evangelist at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook sa @thepositivevibespage. Ang mga kopya ng nailathala nang pitak ay nasa @gonegosentro sa Facebook at sa HomerNievera.com.
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon