5 na Bagay na Puwede Kang Ma-Burnout sa Negosyo Mo
ni Homer Nievera, CDE | Talaga namang challenging ang pagkakaroon ng negosyo. Sa sobrang dami ng pinagkakaabalahan at pinag-iisipan, maari talagang magka-burnout ang isang negosyante, pati na din ang mga empleyado.
Anu-ano ba ang panggagalingan ng mga balakid o challenges sa isang negosyo na puwede mong ipagka-burnout?
#1 Funding
Kapag pera na ang pinag-uusapan, laging nasa taas ito ng mg achallenges mo bilang negosyante, di ba? Sino ba ang di nangangailangan ng pera para masuportahan ang paglago ng kanyang negosyo? Kaya ito ang top 1 natin sa listahan. Paano ito maredyuhan, narito ang tatlong paraan:
Humingi ng tulong sa mga taong malapit say o at sa mga nakakaalam sa sitwasyon mo. Ang mga propesyunal kasi ang mas mabilis na makakatulong sa funding at pagkuha ng imbestors. Ikalawa, mag-prioritize ka ng pagkukunan ng pera. Mas maigi kasi na meron kang maayos na cashflow. Ang pag concentrate sa benta ay isa ding maayos na solusyon. Pokus ka lang sa mga magagndang ideya at serbisyo para umayos ang “self-funding” man o mula sa imbestors.
#2 Marketing
Bukod sa kaperahan, ang pagbebenta ay isa pang magpanggagalingan ng stress sa negosyo. Ano’ng gagwin para maibsan ito?
Una, tingnan mo uli ang target market mo. Baka naman kaliangang pihitin ang target na kostumer mo sa iban o mas masinsin pang target. At dahil kaya mong makita kung saang kostumer base ka mas malakas, puwede mong tuunan ng pansin ang “niche” na ito. Sniper approach tayo kesa shotgun. Mas matipid pa to na solusyon. Puwede ka ding kumuha ng mga consultant o marketing agency na tutulong sayo.
#3 Team
Ang pagbuo ng maayos at tamang team ang isa din sa nakaka-stress, di ba? Una, relax ka lang. Huwag magmadali. Mas mahirap magpalit ng tao kapag andyan na. Kaya sa una pa lang, ayusin ang filtering ng mga kandidato. At kapag nasa kumpanya na, mag pokus ka sa training at mentoring.
#4 Priorities
Madalas, sa sobrang dami lang talaga ng gagawin, di mo na alam kung ano ang uunahin, di ba? Ang rule number 1 dyan ay matutong magasabi ng “NO!” kung puno ka na. Naku, alam kong mahirap yang gawin pero talagang dapat mai-praktis yan. Di mo talaga kayang Oo-han ang lahat.
Pangalawa, matutong mag-delegate. Di puwedeng ikaw lang ang magaling. At paano matutuo ang ibang tao kung ikaw lahat ang gagawa?
Ayusin mo din ang lugar at mga bagay-bagay sa opisina. Baka makalat na din ang lamesa mo o kailangan nang ayusin ang mga skedyuls.
#5 Direksyon
Sa kakabago ng mga teknolohiya at maraming pang may kinalaman sa negosyo, baka nawawalan ka na din ng direksyon.
Huminga ka muna. Isulat ulit ang plano at alamin saan ka nagkulang at saan ka naman nagtagumpay. Mas mainam din na magbakasyon muna o mag-out of town planning kayo. Yung walang distraksyon.
Sa personal mo naming pamumuhay, mag-exercise ka — mag-meditate o magdasal. Di mo talaga kaya lahat mag-isa. May Diyos kang kahalili at magbibigay ng tunay na direksyon.
—
Si Homer Nievera ay isang serial technopreneur. Kung may katanungan, mag email sa kanya sa chief@negosentro.com.
Tags In
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon