5 Bagay na Magsasabing Nasa Tamang Direksyon ng Negosyo Mo
ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | 5 Bagay na Magsasabing Nasa Tamang Direksyon ng Negosyo Mo | Kumusta ka-negosyo? Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan. Unti-unti na pong binubuksan ang ating ekonomiya ng gobyerno. Subalit malaki pa ring banta ang Covid 19 sa atin sa buong mundo.
Marami ka na din sigurong inumpisahan at ginagawa para sa Negosyo at malamang, di ka sigurado kung tama ba talaga ang direksyon na tinatahak mo.
Merong mga ilang bagay na ibabahagi ko sa pitak na ito ngayon upang malaman mo kung nasa tamang hulog ang mga ginagawa mo upang maging matagumpay ang negosyo mo.
O siya, tara na at matuto!
#1 Nagkakaroon ng trapik ang social media pages mo
Hindi naman agad nangangahulugan na ang popularidad ng social media page mo malaking benta, ang mahalaga, may nauumpisahan ka na. Ang pagpapakilala sa social media ay may kinalaman sa magiging benta mo. Kailangan gamitin mo ang pagkakataon na makapagbenta sa mga followers at likers mo.
Ano naman ang gagawin mo sa pagkakataong may mga nag-pm, comment, react at share ng mga post mo? Analisahin mo ang mga sinasabi at reaksyon nila. Tingnan mo kung may epekto ba ito sa iyong benta o wala. Tandaan mo na ang mga numerong makukuha mo ay makapagsasabi kung ano ang susunod na mga hakbang mo ukol sa produkto o serbisyo mo, at paano lalong mapapalapit sa kostumer ang negosyo mo.
#2 May natatanggap ka na mga inquiries
Siyempre, kung may nga nag-inquire na sa yo sa pamamagitan ng iba’t-ibang pamamaraan, malaking puntos na agad ito. Ibig sabihin, kung ano man ang ginagamit mong istratehiya sa pag-market mo, epektibo ito.
Ang epekto ng mga comment at share ng mga kostumer sa social media ay malaking puntos sa pagkuha ng mga inquiries mula sa mga kostumer. Isang malaking hakbang tungo sa tagumpay ang pagkakaroon ng mga inquiries.
Kaya naman ang susunod na gagawin mo ay ang maisara ang benta. Bawat inquiry at benta ay dapat tapatan mo ng maayos na customer service at after-sales service. Yan ang magiging dahilan upang bumalik-balik sila sa yo.
#3 Kumikita ka na
Lahat naman ng nagnenegosyo, benta ang habol, di ba?
Kaya malaking senyales ito na umuusad na ang negosyo mo. Ang tanong lang ay kung gaano na ba kalaki o kaliit ang benta at sa anong panahon.
Ang mahalaga, may nakuha kang kostumer at sana, napasaya mo siya. Kaya ang agad na gagawin mo ay humingi ng feedback sa kostumer at kumustahin ang produkto o serbisyo mo. At tanungin kung ano pa ang maaaring gawin upang mas masiyahan pa sila sa susunod.
Ang sa ganang akin, malaking bagay kung may sinasabihang ibang tao ang kostumer mo kung natuwa siya sa nabili niya sa yo. Yan ang tinatawag na “word-of-mouth marketing” na sa totoo lang, ay walang maitatalang na presyo.
#4 May mga nais mag-invest sa yo
Kung may nais na mag-invest sa negosyo mo, gaya halimbawa ng pag-franchise, alam mong may tama kang ginagawa. Lalu na sa mundo ng franchising, ang kabuuan ng negosyo mula sa branding hanggang sa operasyon ay tinitingnan ng isang nais mag-invest sa yo.
Malaking senyales ito na may magandang direksyon ang iyong negosyo at patungo ito sa tagumpay.
Ano ang gagawin kung may mag-inquire na sa negosyo mo bilang investor or franchisee?
Pag-aralan agad ang kabuuan ng ginagawa mo sa pagnenegosyo. Tingnan mo ang mga pagkukulang at kung saan ka nakakaangat. Tingnan mo din ang ginagawa ng kompetisyon. Dahil kung may interesado sa negosyo mo, tiyak na titingnan nito ang kalaban mo.
Ang mahalaga, patuloy kang magpabuti sa mga gawain mo. Tutok lang sa feedback ng mga kostumer at patuloy lang sa mga inobasyon
#5 Positibo ang mga reviews mo
Kung dumadami na ang mga positibong reviews mo, malaking puntos na ito sa kabuuan ng nagosyo mo. Alam mong tama ang mga Sistema at branding mo, at dumadami ang nakakakilala na sa yo.
Kapag naabot mo na ang patuloy na pagdami ng positive reviews, alamin agad ang dahilan ng kasiyahang nadudulot mo sa mga kostumer. Wag lang bastang matuwa. Analisahin mo ang mga numero para alam mo kung ano ang tamang ginagawa at saan pa kailangang umungos.
Huwag kang pakampante, ok?
Konklusyon
Mga ilang bagay lang ito magsasabing nasa tamang direkyon ka sa negosyo mo.
Ang pagnenegosyo ay may halong hirap at saya. ‘Wag kang tututok lang sa hirap kundi sa saya na dulot nito dahil ngayon, ikaw na ang boss!
Tandaan din, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang mag tagumpay, ka-negosyo!
—
Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na chief@negosentro.com kung may mga katanungan.
Related Posts
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon