4 na Tips sa Tamang Pag-budget Para sa 2019

ni Homerun Nievera, CDE | Ang pag-ba-budget ng pera ay di lamang para sa mga may pera, kundi sa lalu na sa mga nais magkapera. Ang pag simula sa gawaing ito ay ang pagsasagawa nio ng paulit-ulit para maging bahagi na siya ng iyong pamumuhay — may negosyo ka man ngayon o nais mong magkaroon sa hinaharap.  

Narito ang ilang tips na kayang-kaya mong simulan ngayong 2019:

#1 Emergency Fund

Ang naturing pondo na ito ay nagkakahalaga ng mula tatlo hanggang anim na buwan ng buwanang gastuin mo sa kasalukuyan. Ang pondong ito ay makakatulong na umiwas sa pagkakautang o paggamit ng iba pang ipon.

Ang suhestiyon ko ay humanap ka ng sarili mong “52-week savings plan” o minsa’y tinatawag na “52-week challenge.” Dito, nagtatabi ka ng lingguhang halaga na iniipon mo lang para sa mga emergency na gastusin. Magsimula ka sa halagang kaya mo gaya ng 100 piso linggo-linggo.

#2 Porsyentuhang Ipon

Ang paggamit ng porsyentuhang ipon ay kaugalian ng mga Taipan sa negosyo. Ang mga tulad ni Lance Gokongwei ng JG Summit Group ay napabalitang nagtatabi ng 50 porsyento ng kanyang personal na kita. Kapag isinuma mo ito, tiyak na malaking halaga ito lalu na’t kasama ang anumang interes sa bangko o imbestment.

Magsimula ka sa 10 percent ng sweldo, at paakyat sa 20 percent. Ilagak muna sa Bangkok bago mag desisyon ng kung ano’ng investment o funds ang paglalagakan mo para lalung lumaki.

#3 Planong Pinansiyal

Kung dika bihasa sa pagpa-plano ng budget o anumang may kinalaman sa kaperahan, kumonsulta sa isang Financial Planner. Madalas, mga nagbebenta ng insurance ang makakausap mo. Pero bukod sa kanila, may mga Financial Planners na sakop ang iba’t-ibang instrumenting pinancial mula sa stocks, mutual funds, insurance, HMO at iba pa.

Ang mahalaga ay malaman mo ang tamang gawain na babagay sa lifestyle o at sa uri ng negosyo o trabaho mo. Ang mga tips nila ay makakatulong sa magbuo ng tamang plano sa pag-budget at pag-iipon mo.

#4 Multiple Streams of Income

Ang pagkakaroon ng pagkukunan ng pondo ay ang pinaka-mahalagang aspeto ng pag-budget. Kung walang panggagalingan ng pondo, wala kang iba-budget, di ba?

Sa bagay na ito, mahalagang magsaliksik ng pagkukunan ng extra income mula sa iba’t-ibang kaparaanan. Isipin mon a ang pera ay parang tubig at ang instrument mo sa pagkuha ng pera ay ang gripo. Kung marami kag gripong nakabukas, mas maraming panggagalingan ng pondo. Kahit magkano, basta naipon, malaki ito sa dulo.

Sa tamang pag-budget, importante na naka-record ang lahat ng gastusin at pondo. Di mo malalaman ang balanse ng pera mo kung di mo ini-re-record ang mga ito – debit at credit lang ok na. Marami din namang mobile apps para dito. Download ka lang sa phone mo at magsimula ka na agad.

Nawa’y lumago ka pa sa 2019 para marami kang matulungan. Happy New Year!

Si Homer Nievera ay isang serial technopreneur. Kung may katanungan, mag email sa kanya sa chief@negosentro.com.

(Visited 3,340 times, 1 visits today)

You may also like