Limang Simpleng Taktika sa Marketing para sa Negosyo
ni Homer Nievera, CDE, CVM | May plano kang mag-launch ng isang produkto sa iyong negosyo. Wala kang halos badyet. Ano ang gagawin mo?
Sa panahon ngayon, basta may akses ka sa internet, makakagawa ka ng epektibong taktika para sa marketing mo. Malamang, ang una mong nasa isip mo ay ang paggamit ng social media. Maaaring tama ka pero di lahat ay nakasalalay doon. Narito ang 4 na taktokang maaaring magamit mo agad.
#1 Magsulat ng Artikulo sa Isang Blog
Maraming nagsasabi na kung maging viral ang iyong post, makakatipid ka sa gastos sa marketing. Ngunit mas mainam magsimula sa pagsusulat ng isang artikulo para sa isang produkto at tsaka mo i-post sa social media.
Panahon ngayon ng Dengue. Ang Dengue ay dala ng lamok. May isa kaming produkto na gawa sa citronella at neem, na natural na gamit kontra sa pagdapo ng lamok sa balat ng tao. Gumawa kami ng ilang artikulo ukol sa mga ingredients na ito, lalu pa at bawal ang mga kemikal na katumbas nito. Nang aming ikinalat ang mga artikulong ito, nagkaroon ng kamalayan ang tao di lang tingkol sa Dengue kundi sa mga natural na paraan para makatulong sa pang depensa dito. Sa mga artikulong inilabas namin, nakasulat ang brand namin na Buzzoff na halimbawa ng produktong may citronella at neem. Kung mabasa mo ito, ano’ng brand kaya ang mas maaalala mo?
#2 Paggawa ng Video
Ang mga kabataan ngayon ay halos di na nanonood ng TV. Sa social media na sila ngayon nanonood ng iba’t-ibang video. Kaya naman mas mainam ang gumawa ng sarili mong video kung ikaw ay mag-market ng produkto o serbisyo mo. Siguraduhin mo lang na akma sa merkado mo at di kailangang hard-sell ito.
Isang halimbawa ay ang mga video ng Jollibee na kilalang tagos-sa-puso ang mga tema. Yung mga ganoong klase ng video ay tumatak na sa tao di ba? Pero tingnan mo ang laman ng mga video nila kung saan sa Jollibee outlets silannag shooting, at mga produkto nila ang nakikita. Simple,, di hard-sell, epektibo.
#3 Mobile Marketing
Kung nasa EDSA ka at nakikita mo ang naglalakihang billboard, malamang iniisip na sana kaya mong makipagsabayan sa mga may malaking budget sa patalastas na yun. Kung may isang milyong piso ka, mga isa hanggang tatlong buwan lang yun aabot sa EDSA. Yan ay makikilagsabayan pa sa daan-daang mensahe sa mga billboard sa EDSA.
Pero kung ang ads mo ay nasa cellphone na ng mga tao, lalu pa at sila ay mga commuter o pasahero ng bus, grab at MRT sa EDSA, mahahagip mo sila. Maraming paraan sa mobile marketing na magagamit. Ang pinaka-simple ay ang paglabas ng ads sa mga social apps na nakapaloob sa mga gaya ng Instagram, Facebook, Twitter, Youtube, at marami pang iba.
Sa halagang 40 pesos, kaya mong maglabas ng social mobile ads na aabot sa halos isang libong tao! Ang mainamn pa dito, magagawa mong ayusin ang ‘preferences’ o pag-target sa iyong merkado. Mas masinsin, mas mainam. Di ka aabutin milyon-milyong budget dito.
#4 Paggamit ng Ecommerce Marketplace
Kamakailan, naglabas kami ng produktong Shampoo na gawa sa Gugo at Aloe Vera. Ang tatak nito ay Daila. Nakuha namin ang eksklusibong distribution sa online na merkado. Inuna muna naming ayusin ang e-commerce website kung saan may kakayahang magbenta online. Kasunod nito ay ang pagsasaayos ng aming Facebook Store. Matapos na maisagawa ito, agad kaming nag setup ng Lazada Shop. Sa loob lamang ng 24 oras mulannang mailabas ang produkto sa Lazada, nakabenta kami ng unang apat na produkto naming Daila Gugo Shampoo Bar. Di pa kami nakapag promote nun, nakita agd sa aming online store ang produkto.
Yan ang kagandahan ng pagkakaroon ng produkto o serbisyo sa mga tulad ng Lazada at Shopee. At madali lang mag setup nito.
Ang mas mainam na gawin ay i-konek ang website at Facebook page (store) sa Lazada o Shopee store mo. Upang dun na sila umorder at mabilis kasama ang delivery. Tandaan lang may mga kailangang paghandaan sa Lazada at Shopee gaya ng sariling kahon at pouches na oorderin sa kanila. Ayusin mo din ang fulfillment mg mga order para mabilis ang pick at delivery. Sa banko mo na mismo maghuhulog ng bayad ang mga ito.
#5 Influencer Marketing
Kung may kilala kang maraming followers sa social media at kapareho ng target mong merkado ang followers niya, puwede mong ipa-endorso ang produkto mo sa kanya. Ganyan ngayon ang mabilis at murang oaraan ng pagmarket kesa sa pagkuha ng celebrity o artista.
Madalas pa nga, ex-deal lang ang bayad sa kanila, o produkto o serbisyo lang ang ibinabayad. Maaari ka din mismong maging influencer kung kaya mong magpalaki ng followers mo. Madaling magsimula sa pamamagitan ng pag-demo ng produkto. Cellphone lang at i-video mo, ayus na!
Di kailangang maging mahal ang budget sa pag-market. Gamitin lang ang isa o dalawang paraan na nabanggit ko sa itaas ng pitak na ito at tiyak, may magandang resulta. Kontong pasensiya lang din hanggang sa ma-perfect mo. Magsaliksik pa ukol sa mga ito para mas maging bihasa ka.
—
Si Homer Nievera ay isang serial technopreneur at makokontak sa chief@negosentro.com.
Tags In
Related Posts
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon