Homer Nievera, CDE | Kung may trabaho o pag-aaral ka ngayon, at tila bitin ang kita, maaari ka naming mag sideline. At dahil summer, may mga side hustle na patok masimulan sa panahon ng tag-init. Maaari mo ding ipagpatuloy ang ilang sideline kung nakikita mong umuungos ka na dito.

Narito ang ilang side hustle na maaari mong simulan:

#1 Tour Guide

Kung magaling kang magplano ng mga trip niyong magbabarkada, baka naman panahon nang simulant ang pagiging tour guide. Marami naming uri ng tour guide. May mga pang-abroad at meron namang pang lokal. Ang suhestiyon ko ay alamin ang mas gamay mong rota at dito ka magsimula. May mga tour operator na puwede ka na lang pumanig para mas matuto ka sa larangang tourism. Di kasi basta basta ang sideline na pagiging tour guide pero tiyak kang kikita dito mula PhP1,000 hanggang PhP10,000 bawat araw, depende sa kliyente at pakete ng serbisyo. Madalas, may kasamang kumisyon sa mga lugar na pupuntahan o pagbibilhan ng kostumer kaya lumalaki ang kita mo. Paano magsimula? Gumawa ng sariling Facebook Page at dun mo ilahad ang mga lugar na puwede kang maging tour guide. Ilagay mo an gang iyong karanasan at mga napuntahan para ma-enganyo ang mga kostumer sa kakayahan mo.

#2 Virtual Assistant

Marami akong kilalang nagsimulang mag sideline bilang Virtual Assistant o VA, na ngayo’y full-time na nila. Ano nga ba ang VA? Maraming VA na trabaho na nagsimula bilang freelance lamang na assistant ng mga klieyente abroad (madalas sa Amerika). Nung magustuhan sila sa kanila serbisyo, ginawa na silang full-time. Otso oras lang naman ang trabaho sa halagang $5 pataas kada oras, depende sa negosyong sineserbisyuhan. Madalas sa real estate ang mga nangangailangan ng VA para mag-ayos ng mga appointment, mag-email, ayusin ang social media at iba pa. Ang importante, meron kang malakas na Internet, headphones at laptop. Mas mainam kung meron kang malapit na Internet shop o coffee shop na mapupuntahan kung biglang nawalan ka ng kuryente o Internet sa bahay. Paano magsimula? Punta lang sa Facebook at makikita mo ang mga groups at pages na naghahanap ng VA.

#3 Sales Agent

Dito ako sa ganitong sideline – ang pagtitinda ng kung anu-ano. Nagsimula akong maging ahente ng mga magasin (subscriptions) at nakakakuha ako ng 30% na kumisyon! Kung anu-ano na din ang mga sumunod na ibinibenta ko. Kaya ayun, nakahiligan ko ang maging sales agent. Hanggang ngayon, may ilang deals akong ginagawa dahil na din sa ganitong sideline ko noon. Ikaw naman, huwag kang matakot magbenta. Sa katunayan, lahat ng tao kailangang matutunan ang skill na ito dahil kahit sa paghahanap ng trabaho, dapat kaya mong maibenta ang sarili mo di ba? Sa pagiging sales agent, kumisyon ang basehan ng kita. Nariyan ang real estate, insurance, pagbebenta ng kotse at marami pang iba. Hanapin ang kakahiligan mo para pakiramdam mo, di ka nagtatrabaho. Marami ding nag sales agent sa Internet. Kung saan ka man magsimula, pag-aralan ang lahat ng bagay ukol dito para magtagumpay.

Marami pang sideline ang maaari mong simulan ngayong summer. Tatalakayin natin yan sa susunod na pitak. Kung may sideline ka ngayon na nais mong palakihin at ika’y nagtratrabaho na, check mo ang Fundko.com na siyang maaaring makatulong sa ‘yo sa kailangan mong loan.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

(Visited 143 times, 1 visits today)