ni Homer Nievera, CDE | Pera. Benta. Cashflow. Tatlong bagay na napakahalaga sa pagtutuloy-tuloy ng isang negosyo. Malaki man o maliit ang benta mo sa buwan-buwan ng pag-nenegosyo, ang pagtitipid ang importante. Dito nagsisimula ang displina ng isang negosyante.

Narito ang 4 na paraan para makatipid:

#1 Masinop ka ba sa lahat ng bagay?

Maraming enerhiya ang nasasayang maliban sa kuryente. Ang Gawain ng bawat tao sa negosyo ay dapat lang na momonitor mo na maging masinop sa bawat gawain. Huwag basta-bastang ipagpaliban ang pagsilip sa gawain ng lahat kasama na ang mga kompyyter at iba’t ibang gadget sa opisina. Bawat oras ay mahalaga. Pahalagahan mo ito dahil may katapat na pera ang nasasayang.

#2 Kumusta ang Payroll mo?

Ang payroll ay kakambal ng cashflow sa negosyo. Kung di mo ito inaayos, malamang, palugi ka na. Tingnang maigi kung saan mas ok ang mag-outsource ng trabaho kesa gawing permanente ang tao. Kung di kritikal na gawain, gawing project-based lamang.

#3 Magastos ka sa mga Equipment?

Baka di pa sira, bumibili ka na ng bago. Yan ang madalas na maging problema sa mga kumpanya lalu na patungkol sa mga gadget gaya ng cellphone at iba’t ibang parte ng kompyuter na sadyang maayos pa, naghahanap ka na ng kapalit dahil sa tingin mo’y luma na. Alagaang mabuti ang lahat ng equipment mo. Palaging gawing malinis ang kapaligiran para di maluma agad ang gamit mo. Huwag palakihin ang “capital expenses” dahil sa waldas na pagbibili. Isipin din kung mas ok na ang second-hand kesa bago.

#4 May insurance ba kayo?

Itong parte ng pagnenegosyo ang madalas makaligtaan. Di lang sa buhay ang may insurance, kundi ang maraming aspeto ng negosyo, mula sa equipment, mga kontrata, delivery, at mga tao. Huwag magpabasakali. Maliit na halaga o investment ang insurance kesa sa matalo ka sa negosyo. Pati nga ang mga partners mo ay may tinatawag na “Keyman Insurance.” Alamin mo kung ano ‘to at paano magiging mahalaga ‘to kung may mga partners ka.

Sa pagnenegosyo, mahalaga ang pagtitipid at pagiging masinop sa maraming bagay. Di lagi kang nasa taas kaya anuman ang matitipid ay mailalagay sa ipon.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

(Visited 392 times, 1 visits today)