5 Puntos Para Maayos Maitayo ang Startup Mo | ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM| Kumusta ka-negosyo? Sana’y ok naman ang kalagayan mo. Maraming dahilan upang maging lugmok sa kinatatayuan ng ating krisis dahil sa pandemya. Pero ang totoo, desisyon ang paging masigasig o tamad, o maging positibo o negatibo. Sa panahong ito, lalu tayong dapat na maging positibo at gamitin ang panahong ito bilang oprtunidad upang magtayo ng isang negosyo.

Madal;aing sabihin, pero ang pag-uumpisa ay isa ring desisyon na kailangang may kaakibat na responsibilidad, mula sa konsepto, pag-paplano, at pagsimula sa eksekusyon nito.

Ibabahagi ko ngayong araw na ito ang ilang puntos na kailangan mong paghandaan bago ka magsimula sa startup mo.

O, tara na at matuto!

#1 Suriin ang Konsepto ng Negosyo

Mukha bang madali ang unang puntos na ito? Simple lang naman dahil nais mong malaman, kung anon ga ba ang konseptong naiisip mo sa startup mo. Negosyo ito at di laru-laro lang. Tunay na mundo. Reyalidad.

Kaya naman, kailangang makatotohanan naman ang konsepto at pasok siya sa kasalukuyang panahon. Para mas simple, ito ang itanong mo muna sa sarili mo patungkol sa konspeto mo:

  • Napapanahon ba?
  • May problema ba itong sosolusyonan?
  • Kakagatin kaya ito ng merkado?
  • May kaalaman ba ako dito?
  • Makatotohanan ba ito?
  • Legal ba ito?
  • May kakumpitensiya ba ako o may nauna na dito?

Ilan lang yan sa mga dapat mong itanong sa sarili – o sa ibang  tao bago mo isalang ang konsepto mo at mapalawig pa ito.

#2 Magsaliksik muna

Bukod sa pagsaliksik sa konsepto mo, kailangang saliksikin ang buong proseso ng pagnenegosyo nang naayon sa konsepto mo.

Maraming kaakibat na responsibilidad at sanga-sangang problema ang makakaharap mo. Natural lang yan. Kaya naman bago ka sumalang, alamin mo ang mga ito.

Isang simpleng paraan ay ang paggawa ng SWOT Analysis. Simple lang naman ito:

  • Strengths – ito yung kalakasan ng konsepto mo laban sa iba
  • Weaknesses – kahinaan naman nito kumpara sa kalaban
  • Opportunities – ano pa ang mga bagay ang di agad benepisyo nito
  • Threats – anu-ano ang mga maaring maging balakid sa negosyo

Saan at paano ka magsasaliksik? Una, sa Internet. Maraming mga tanong at kapareha ng iniisip mo ang maaaring lumitaw dun. Sabayan mo na din ng pagsaliksik sa social media gaya ng facebook kung saan may mga kakumpitensya o halos katulad ng naiisip mo. Makikita mo ang mga ginagawa nila at kung saan sila matagumpay at hindi.

Ang isa panmg mainam na paraan ng pagsasaliksik ay ang pagtatanong sa ibang eksperto o kaya’y sa katulad na negosyo. Puwede kang kumuha ng mentor dito. Lalu na patungkol sa mga ligalidad at kung paano talaga kikita – o hindi. Alamin mo lahat.

Halimbawa, pinasukan ko ang pag-invest sa Axie. Bago ko gawin ito, nagtanong ako sa mga players, sa mga kapwa investors, at nagsaliksik ako sa Internet. Pinanood ko ang video sa Youtube ni Chinkee Tan ukol dito. Pagkatapos nun, tsaka lang ako sumabak. Pero, di naman malakihan.

#3 Tingnan ang merkado

Bawat negosyo – produkto man o serbisyo – may merkadong tinatarget. Madalas, ito ang nagiging pagkakamali ng mga startup kung saan ang mismong gumagamit o bumibili ay iba sa unang naiplano.

Halimbawa, ay ang negosyo namin sa FAME, kung saan merong kaming tinatawag na transponder upang di mawala ang bangka at mangingisda kung bumagyao sa karagatan. Matapos ang mahigit dalawang taon ng paglilibot sa mga mangingisda upang maibenta ang produkto, nalaman naming na mas gagamitin pala ito sa pagtala kung saan nahuli ang isda at ini-rereport sa isang pangmundong talaan. Dahil dito, tumataas ng 30 porsiyento ang halaga ng isdang nahuhuli at ibinibenta abroad. Ang tuna ang isan sa mga isdang malaki ang presyo kapag naitala ito. Ang epekto ay ang paglaki ng kita ng mangingisda na siya palang pangunahing pangangailanagn na tinutukan namin. Ang nagging mga kostumer naming ay ang mga may-ari ng mga bangka (o bapor) at mga trader, at di ang mga mangingisda mismo.

#4 Gumawa muna ng pangunahing istratehiya sa pag-market

Bago mo gawin ang kabuuang Business Plan, gumawa ka muna ng mga pangunahing istratehiya kung paano mo i-market ang produkto o serbisyo mo. Kailangan mo itong unahin para mai-angkop sa kabuuang plano, kasama na ang mga kakailanganing pondo at iba pa.

Ano ba ang dapat gawin dito?

Una ay i-angkop ang mga istratehiya nang naayon sa merkadong napili mo. Tingnan mo ang iba’t-ibang paraan para sila’y maabot at maihatid ang mensahe mo.

Ikalawa, saliksikin ang ginagawa ng mga kakumpitensiya sa kaparehong industriya. Kung wala dun, tingnan sa ibang bansa. Kung wala pa rin, maghanap ka ng halos kadikit na produkto na ginagamit ng target na merkado.

Ikatlo, laanan ng pondo ito at tsaka mo isama sa Business Plan mo.

Kung iniisip mo ano ang magiging basehan ng pondo, tingnan mo ang mga pangunahing gamit sa digital marketing gaya ng ads sa Google at Facebook, kasama na ang pag-boost.

Puwede mo ding isama ang gastos sa paggawa ng website at SEO na pangunahing gagawin talaga dapat.

#5 Gawin ang Business Plan

Sa lahat ng gagawin mo at rerebyuhin taon-taon, ang Business Plan mo ang nasa sentro nito. Madalas, pagkatapo ng ilang taon, di na ito pinapansin kasi ok ang negosyo. Pero kung humihina na o nagkakaproblema, tsaka na lang itong binabalikan. Mali yun.

Tandaan mo na di ka magkakadireksyon kung di mo ito binabasa at nirerebyu. Kahit ikaw lang ang tao sa negosyo mo, kailangan ito.

Ano ba ang mga pangunahing nilalaman ng Business Plan? Ang ibabahagi ko ay ang tinatawag na Business Plan para sa mga Lean Startup. Ito yung sa mga nag-uumpisa na di malaki ang pondo sa simula:

  1. Pangunahing partner o pakikipagsosyo (Key Partnerships)

Tandaan ang iba pang mga negosyo o serbisyo na makikipagtulungan ka upang patakbuhin ang iyong negosyo. Pag-isipan ang tungkol sa mga tagatustos, tagagawa, subkontraktor, at katulad na mga kasosyo sa madiskarteng.

  1. Pangunahing aktibidad (Key Activities)

Ilista ang mga paraan na ang iyong negosyo ay makakakuha ng isang mapagkumpitensyang kalamangan. Bigyang pansin ang mga bagay tulad ng pagbebenta nang direkta sa mga consumer, o paggamit ng teknolohiya o tools.

  1. Pangunahing mapagkukunan ng gamit o pondo (Key Resources)

Ilista ang anumang mapagkukunan na magagamit mo upang lumikha ng halaga (o value) para sa iyong kostumer. Ang iyong pinakamahalagang mga assets ay maaaring kasama ang tauhan, kapital, o intelektuwal na pag-aari (IP).

  1. Panukalang halaga (Value Proposition)

Gumawa ng isang malinaw at nakakahimok na pahayag o mensahe tungkol sa natatanging halaga (o value) na dinadala ng iyong negosyo sa merkado.

  1. Relasyon sa kostumer (Kostumer Relationship)

Ilarawan kung paano makikipag-ugnay ang mga mamimili sa iyong negosyo. Ito ba ay awtomatiko o personal? Personal o online? Pag-isipan ang karanasan ng kostumer mula simula hanggang matapos ang transaksyon.

  1. Pagkakaiba ng bawat kostumer (Kostumer Segments)

Maging tiyak kung pinangalanan mo ang iyong target na merkado. Ang iyong negosyo ay hindi para sa lahat, kaya mahalaga na magkaroon ng isang malinaw na kahulugan kanino ang paglilingkuran o tatargetin ng iyong negosyo.

  1. Mga Channel (Channels)

Ilista ang pinakamahalagang mga paraan upang makipag-usap ka sa iyong mga kostumer. Karamihan sa mga negosyo ay gumagamit ng isang halo ng mga channel at na-optimize ang mga ito sa paglipas ng panahon.

  1. Istraktura ng gastos (Cost Structure)

Magtutuon ba ang iyong kumpanya sa pagbabawas ng gastos. Tukuyin ang iyong mga diskarte, pagkatapos ay ilista ang pinakamahalagang mga gastos na haharapin mo sa paghabol ng pondo dito.

  1. Mga pagkukunan ng kita (Income Streams)

Ipaliwanag kung paano kumikita ang iyong negosyo. Ang ilang mga halimbawa ay direktang mga benta, bayad sa pagiging miyembro (subscription), at pagbebenta ng espasyo sa advertising. Kung ang iyong negosyo ay may maraming mga pagkukunan ng kita, ilista ang lahat ng iyon.

KONKLUSYON

Ilang mga puntos lamang ang aking nabanggit dahil na rin sa limitadong espasyo. Marami pa naman akong tips sa pagtatayo ng startup sa aking website na homernievera.com. Bisitahin mo lang.

Ang bawat negosyo ay nangangailangan ng natatangi at masinop na pagtutok sa maraming bagay at aspeto upang maihatid ang mga resultang nais mo. Kung hindi ka nakakakuha ng naaayon na mga resulta, kailangang suriin ang mga nagawa na at i-adjust ang mga gawain mo.

Sa lahat ng gawain sa negosyo, maging masipag, matiyaga, masinop at manalig sa dasal mo.

Si Homer ay isang technpreneur at makokontak sa chief@negosentro.com.

 

HomerNievera.com
Negosentro.com

(Visited 3,358 times, 1 visits today)