5 Katangian ng mga Kandidato sa Halalan 2022 na Aayon sa mga MSME
5 Katangian ng mga Kandidato sa Halalan 2022 na Aayon sa mga MSME, ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Kumusta ka-negosyo? Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan. Medyo nag-uumpisa nang bumaba ang mga kaso ng nahahawa ng Covid 19 ngunit di pa rin puwedeng magpakampante. Marami pa rin ang mahigit beinte porsyentong positivity rate at mahigit 15,000 pa din ang araw-araw na nahahawa.
Sa kabilang banda naman, nag-uumpisa na ang simoy ng eleksyon sa ating bansa. Noong nakaraang lingo, nagsimula na ang pag-file ng COC ng mga kakandidato sa mga posisyong nasyonal, mula president, VP, senador at mga party list.
Kaya naman minabuti kong talakayain ng bahagyan ang ukol dito dahil mahalaga ang gagawin nating pagboto sa kalalabasan ng pagnenegosyo natin sa susunod na anim na taon mula kaligtnaan ng 2022.
Nag-isip ako ng ilang mga panuntunan na maaari nating pag-isipan kung sino ang tipo ng mga kandidato na dapat nating maikonsiderang umupo par sa susunod na mga taon.
Di ito usaping pulitikal, ngunit pang-MSME lamang, o pang ekonomiya siguro.
Tara na!
#1 May karanasan sa pagsuong sa matinding krisis sa kanyang buhay
Madalas nating marinig ang mga kumakandidato na galing sila sa hirap, na animo’y isang kuwalipikasyon ito para iboto. Pero ang sa akin, ang pagiging mahirap at ang pagtagumpay mula dito ay magkaiba. Di kasi mahalaga kung ipinanganak kang mahirap. Ang mahalaga, ay naka-angat ka.
Ang tanong, paano ba siya nakaahon sa hirap? Sa mabuti bang paraan o hindi? Puro shortcut ba ang ginawa niya o sa maayos bang pamamaraan?
Bilang isang MSME of maliit na negosyante, alam mo ang malaking pagkakaiba ng nagmula sa hirap at paano nakakaahon.
Ang mga kakandidatong dumaan sa matinding krisis at nakaahon dito ang magandang pag-isipan kung iboboto sila.
Isang halimbawa ay si Sen. Manny Pacquiao. Alam nating di naman shortcut ang dinaanan niya upang mapunta sa rurok ng tagumpay. Alam natin ang pinagmulan niyang tunay na kahirapan, di ba? Oo, saksakan na siya ng yaman ngayon, pero tapang, tiyaga at talion ang ginamit niya, bukod sa lubos na pananampalataya sa Diyos. Di man lahat ng negosyo niya ay nagtagumpay, di pa rin siya tumigil. Di ba ganyan din tayo?
Dahil kung siya ay naging ganyan, isa siyang inspirasyon sa maraming Pilipino. Bukod kay Pacman, sino ang may kahintulad na istorya sa mga kakandidato?
#2 Malinis ang track record sa serbisyo
Sasabihin malamang ng marami na sana ito ang inuna kong katangian. Ngunit para sa akin, magkadikit ito sa unang katangian na aking nabanggit.
May kinalaman kasi ang track record ng isang tao sa maraming bagay. Bukod sa pagiging inspirasyon sa mga MSME, nagiging halimbawa ang kanyang mga ginawa sa mga negosyante sa pagiging lider, sa pagpaplano, at pagsisigurong magagawa ang mga naiplano.
Ang malinis na track record sa serbisyo ay may kinalaman din sa integridad niya. Isang halimbawa ay si DPWH Secretary Mark Villar na sinasabing kakandidato bilang senador. Alam naman natin ang pamilyang kinabibilangan niya na may kinalaman sa pulitika at konstruksyon, pabahay, at iba pang mga malalaking negosyo.
Dating Congressman si Sec. Villar ng Las Pinas. At nang masabak sa DPWH, kahit si Presidente Duterte ay nagsasabing may pinakamaraming nagawa sa kanyang departamento. Sa dami kasi ng mga nagawa, natapos at tinatapos pang mga proyektong imprastraktura, malaking huwaran si Sec. Villar.
Tiyak din na dahil sa mga proketong nagawa niya, isa ka sa mga nakikinabang ngayon sa iyong negosyo. Sana, ituloy pa ito ni Sec. Villar sa Senado.
#3 Magaling na pinunong lingkod (Servant Leader)
Ang pagiging pinunong lingkod o servant leader ay nagtataglay ng isang mapagkumbabang pag-uugali. Magandang ehemplo ito sa mga MSME lalu na ng mga boss. Kasi ang mga ganitong tagapag-lingkod ng ating bayan ay tiyak na may solid na katangiang susundan ng mga tauhan niya.
Isang halimbawa ay si Bise Presidente Leni Robredo na alam nating naglilingkod kahit may pampulitikang hidwaan sila ng administrasyon kaya’t kakaunti lamang ang kanyang badyet kesa sa nararapat. Lalu na ngayong pandemya, ilang relief operations at programang pang-ayuda ang kanyang mga naisakatuparan ng tahimik lamang?
Isa pang naisip ko dito ay si Congw. Nene Sato ng Occidental Mindoro kung saan nangunguna siya sa pag-aayuda sa mga kababayang istranded na OFW sa ibang bansa, gayundin sap ag-aasikaso ng mga Senior Citizen sa nasasakupan. Kilala din si Congw. Sato sa pagsasayos ng pangangailangang kuryente ng probinsiya na kanyang higit na tinututukan. Matapang din siyang lider sa probinsiya at sa Commisson on Appointments kung saan di siya basta-basta natitinag. Siya ngayon ay nakatuon sa pagkandidatong muli bilang Gobernador ng OKSI na kanya nang naging katungkulan dati.
Ang pagtatrabaho ng may pagkumbaba ay isang katagiang dapat kilalanin ng mga MSME. Nasa ang sipag at tiyaga sa serbisyo ay di kailangang ipinagsisigawan sa iba.
#4 Tuloy-tuloy magtrabaho at ang pagpapahalaga sa mga nasasakupan
Kung kaya mong pahalagahan ang mga tauhan mo, mula sa pinakamababa, may maganda kang kalalagyan sa buhay at pagnenegosyo.
Ang pagiging mapagtuon sa pangangailangan ng mga nasasakupan ni Cong. Kid Pena ng Unang Distrito ng Makati ay lubos na nagpahanga sa akin sa kanya. Isang simpleng gawain niya ay ang pag-aayuda araw-araw ng makakain sa distritong hawak. Di ito humihinto sa kaiikot, sampu ng kanyang mga tinaguriang ka-Tropang Kid. Mayaman o mahirap, pantay-pantay ang tingin dito ni Cong. Pena.
Isa pa dito ay si Cong. Romeo Momo ng CWS Party List (Construction Workers Solidarity) na malaki ang nai-ambag sa mga tinutulungang sektor at ilang probinsiya. Ang mga programa sa OFW at mga batas na naihain ay alam mong may patutunguhan sa hinaharap.
Ano ang matatamo mo bilang MSME sa mga tulad nila? Ito ay ang pagiging konsistent o tuloy-tuloy sa mga programang ipinangako. Ito ang pagtutok sa trabaho nakanilang pinasukan at seryong isinakatuparan.
#5 Pangangalaga sa usaping kalusugan
Sa panahon ng pandemya, naghahanap ang bayan ng tunay na mga lider na tatayo upang maisakatuparan nang maayos ang simpleng pagbabakuna sa mamamayan, pagsasaayos ng sistemang pangkalusugan at ang pag-aaruga sa ating mga bayani ng pandemya na mga mangagawang pangkalusugan. Lalu pa at may animo’y bahid ng di maayos na mga transaksyon sa pagbili ng mga pangangailangan sana ng ating mga health workers.
Sa ngayon, wala pang tumatayo sa sector na ito na siyang kailangan natin upang makaungos sa ekonomiya. Isa sa mga napipisil na tumakbo sa Senado ay si Dr. Minguita Padilla na kilalang lider sa sektor ng pangkalusugan at pinuno ng Eye Bank. Kung katulad niya ang tatayong tagapagtanggol ng mga manggagawang pangkalusugan at magiging boses ng sector ng kalusugan sa Senado, malaking bagay ito sa pagsasayos ng ating sistemang pangkalusugan. Sa panahon ng pandemya, ito ang priyoridad na magkarron ng solidong direksyon.
Konklusyon
Ang bawat MSME na negosyo ay naghahangad na umarangkada paakyat. Di yan madali sa ilalim ng pandemyang ito Kung may mga ihahalal man tayong mga lider sa 2022, pag-isipan at ipagdasal natin ito.
Sa lahat ng bagay, maging masinop, masipag at magdasal sa Diyos.
—
Si Homer ay makokontak sa email na chief@negosentro.com.
Tags In
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon