Limang Gawaing Papatay sa Iyong Negosyo sa Panahon ng Krisis
ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM | Limang Gawaing Papatay sa Iyong Negosyo sa Panahon ng Krisis | Kumusta na ka-negosyo? Survival-mode ba tayo sa mga panahong ito? Alam mo, ka-negosyo, sa mga ganitong panahon ng krisis, marami kang iniisip na gawin upang maiangat ang benta mo, pati na din ang morale ng iyong mga tauhan. Kasi nga naman, marami na ang nagsara sa loob lamang ng apat na buwan ng iba’t ibang uri ng lockdown. Lalu na ang mga maliliit na Negosyo na bukod sa di makapag-bukas ng tindahan, di na rin makabayad ng utang. Minsan, dahil di na din sila nababayaran ng mga may utang sa kanila. Kaya naman kung di nagtatanggal ng mga tauhan, nagbabawas ng araw ng pagpasok – kahit pa naka work-from-home ang ibang tauhan.
Saan na ng aba tayo pupulutin nito, mga ka-negosyo?
Pero teka. Sa halip na maging negatibo, at naghahanap ng iba’t-ibang Gawain upang maangat, tingnan mo muna ang mga gawaing maaaring ginagawa mo na ngayon na lalu pa lang makakasama.
O siya, tara na at matuto!
#1 Saliwa ang misyon at layunin
Sa ganitong panahon ng krisis, dapat iisa lang ang layunin at misyon ng kumpanya at mga tao. Kapag di nagkakaisa ang layunin ng bawat isa, tiyak ang kamatayan ng negosyo mo.
Ang aming kumpanya na FAME, na isang kumpanyang nasa communications technology, ay medyo hirap sa pondo upang maikalat ang isang teknolohiya na aming naimbento para sa mga mangingisda na madalas nawawala sa laot lalu na sa panahon ng tag-bagyo.
Nitong pandemya, naatasan kaming gumawa ng mga mass testing booths na gagamitin sa mga pampublikong ospital. Di naman naming talaga ito Gawain, subalit nag-usap ang management at pati ang mga tauhan na kailangang mag-pivot kami sa ganitong mga panahon. Nangyari ang desisiyon sa loob lamang ng ilang oras. Dahil dito, umangat ang cash flow ng kumpanya, at nagpatuloy ang maayos na sweldo at operasyon ng kumpanya.
Dahil nagkaisa kami sa ganitong larangan na med-tech, bilang pivot namin, nanalo kami ng isang grant upang umpisahan ang disenyo ng isang ventilator o oxygen concentrator.
Kayo rin sana ay magkaisa sa misyon at layunin para sa ikagaganda ng takbo ng negosyo sa panahon ng krisis.
#2 Pamamahala ng micro (micro managing)
Ano ba ang ibig sabihin ng micro managing?
Ang gawing ito ay sa panig ng mga manager o supervisor kung saan ang bawat detalye na kanilang pinapagawa sa mga tauhan ay ini-isa-isang pamahalaan. Kaya naman di na nakakagalaw ng may sariling diskarte ang mga tauhan at nag-aantay na lang ng utos. Order-taking ang tawag sa ginagawang ito ng mga tauhan. Sayang ang oras, di ba?
Sa panahon ng krisis, ang micro managing ay lalung nakakainis at nakakayamot sa mga tauhan na tila nawawalan ng tiwala ang management sa kanila. Sa ganitong sitwasyon, kesa magkaisa, nagkakawatak-watak ang organisasyon.
#3 Pagkakalat ng takot (fear-mongering)
Sa panahon ng pandemya, sarisaring takot ang pinag-uusapan at ikinakalat ng maraming tao. Kung ito’y nanggagaling sa management, di ito maganda.
Sa halip, dapat na pangalagaan ang positibong komunikasyon sa mga tauhan at buong organisasyon. May krisis na ngang kinakaharap, negatibo pa ang laman ng mga usapan. Di ba nakakababa ito ng morale ng mga tao?
Kaya dapat pag-isipang mabuti ang mensahe ng komunikasyon na siyang ipapalaganap sa buong kumpanya. Dapat panatilihin ang kaayusan at positibismo sa organisasyon.
#4 Sobrang dami ng miting
Kailangan bang napakaraming miting? Meron kasing tinatawag na “meeting fatigue” kung saan pagod na pagod na ang mga tao sa dami ng mga pinag-uusapan at di na nila matapos ang kanilang trabaho.
Limitahan ang miting. Sa halip, ilatag nang maayos ang mga gawain at usapin sa email at iba pang paraan.
#5 Di pag-intindi sa sitwasyon ng mga tauhan
Ilagay mo kaya ang sarili mo sa lugar ng mga tauhan? Ano ba ang mga pinagdadaanan nila sa araw-araw, mula sa pamilya at trabaho?
Isang beses, noong kakabukas lang ng NCR sa GCQ, may Nakita akong tila isang empleyado nan ais umangkas sa sinumang magbibigay espasyo sa kanilang sasakiyan. Oo, siya ay nag-hitch hike. Bakit? Kasi pinapapasok na siya pero wala naming masakyan papunta sa pinagtatrabahuhan.
Dito, makikitang di naging sensitibo ang kumpanya sa kalagayan ng lahat ng empleyado.
Sa panahon ng krisis, lahat tayo ay iisa ang pinagdadaanan, at iisa alng dapat ang layunin – ang mai-angat ang Negosyo at makapagpatuloy na kumita upang matitaguyod ang pamilya. Tandaan mo yan, ka-negosyo.
Konklusyon
Ang pagiging produktibo ng bawat isa ay mahalaga. Yan ang magsisiguro ng pag-angat ng negosyo. Maging sensitibo sa pangangailangan ng mga tao at maging positibo sa lahat ng bagay.
Nakaatang sa balikat ng lider ang sitwasyon ng negosyo. Itaguyod mo ang misyon at layunin sa tamang paraan ng komunikasyon.
Sa panahon ngayon at kailan pa man, ang mahalaga ay laging kang magdasal at magtiwala sa Diyos na Siyang may tunay na hawak ng magagandang plano para sa iyong buhay. Sipag at tiyaga at ang maayos na relasyon sa kapwa ay pangalagaan lagi – anuman ang marating mo sa buhay.
—
Si Homer ay isang technopreneur at makokontak sa email niyang chief@negosentro.com
Tags In
Related Posts
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon