Iba’t-Ibang Gamit ng Social Media Para sa Negosyo
Iba’t-Ibang Gamit ng Social Media Para sa Negosyo | ni Homer Nievera, CDE, CVM, CCM |Kumusta ka-negosyo? Sana nasa mabuti kayong kalagayan. Dahil sa pandemya, nagbago ang paraan ng pagnenegosyo at pamimili ng mga tao. Ang ibayong pag-iingat at ang mga health protocols na siyang pangunahing ipinaiiral ng mundo ay namamayani at nagpapabago ng lahat ng kinagisnan sa pagnenegosyo – lalu na sa marketing.
Ngayon, mas nagging mahalaga ang digital marketing na pumapaloob dito ay ang ecommerce at social media.
Sa pitak ko ngayon, babalikan natin ang halaga at iba’t ibang gamit ng social media sa pagnenegosyo. Silipin natin kung nasaan ka na ngayon sa larangang ito matapos ang halos isang taon ng paglaganap ng pandemya sa bansa.
O, ano, tara na at matuto!
#1 Presensya ng negosyo sa social media
Ang social media account sa mga tulad ng Facebook at Instagram ay ang pagkakaroon ng ibayong presensya dito, lalu na kung nandito ang mga mamimili mo. Sa Facebook, mahalaga ang pagkakaroon ng business account para mai-boost ang mga posts mo. Sa halagang 50 pesos bawat boost na aabot sa halos 2,000 katao ang maabot, sulit na di ba?
Gawin mo lang na propesyunal ang pagkakagawa ng page o business account para sa imahe ng iyong negosyo. Marami din nakakalimot na merong LinkedIn na social media para sa mga propesyunal. Mas pangnegosyo ang site na ito at di basta-bastang makakakonekta sa mga narito. Iba ang mga rules na ginagamit kaya alamin mo ang mga ito.
Ang pangunahing social media platform na dapat gamitin sa Pilipinas ay ang Facebook. Ang mahigit 50 milyong katao na puwedeng maging kostumer mo, ay di biro. Kaya dapat maayos ang pundasyon nito.
Sa Facebook, may sariling 13-point checklist na ipinapakita ang mismong FB. Ilan dito ay ang paglagay ng contact number, email addres at website address ng negosyo.
Ayusin mo ang mga ito upang maging solido ang social media marketing mo.
#2 Halaga ng customer service sa social media
Alam mo na naman siguro ang halaga ng serbisyong para sa mamimili gaya ng simpleng pagsagot sa kanilang mga tanong. Ang gamit ng social media sa larangang ito ay malaki sa pamamagitan ng pagpapasimple ng proseso kung saan ang pag-pm (personal message) sa FB page ay madaling gawin. Umiiksi na tuloy ang proseso nito.
Noong isang buwan, dahil kaarawan ng Chairman Emeritus ng isang kumpanya namin, naisipan kong bumili ng mga prutas para sa kanya at ipadala sa bahay nila. Dahil taga QC siya at ako naman ay nasa south ng Metro Manila, naisipan kong maghanap sa Facebook ng mga malalapit na puwesto ng bilihan ng prutas. Sa Nepa QMart ako nakakita. Sa FB Messenger lang kami nag usap at ipinadala sa GCash ang bayad, kasama ang pag-book ng mag deliber. Nakarating ang regalo ko nang maayos nung araw na yun.
Tandaan mo na maraming paraan ang pagpapalawig ng relasyon sa mga kostumer at nais makuhang kostumer sa pamamagitan ng social media. Sa Facebook, ang maayos na setup ng chat o messenger ay mahalaga. Eto kasi ang gagamitin mong awtomatikong taga-sagot sa mga mag-me-message sa page mo. Puwede na kasing automated na ito. I-setup mo ito.
Sa mga posts mo naman, siguraduhing may link sa messenger o sa website o anumang contact details sa captions ng mga post. Para matapos nilang makita ang mga posts mo, alam nila saan pupunta.
Sa mga comments naman, i-manage mo ito ng mabuti. Huwag kang mag-engage sa mga negatibong comments. Sa halip, sagutin ng maayos at ituro sa messenger para pribado na ang pagsagot.
Tandaan na ang gagawin mo sa page mo ay siyang magbubuo ng reputasyon mo.Kaya maging masinop sa istratehiya.
#3 Pagbebenta sa social media
Di na kaila sa atin na mahalaga ang social media upang maabot ang mamimili at dito na din makapagbenta. Maaaring di ko na kailangan pang pahabain ang ideyang ito dahil malamang alam mo na ito.
Idagdag ko na lang ang paggamit ng iba’t ibang tools upang mas maging mabenta ang mga produkto mo sa social media.
Una dito ay ang pagsasaayos ng itsura ng mga produkto mo. Dapat ay maganda ang pagkakauha sa litrato man o video. Ikalawa, ay ang masinop na paglagay ng prsyo at lahat ng detalye upang mabawasan ang pagtatanong ng mga kostumer. Siguraduhing malinaw ang pagkakalathala ng mga nasabing detalye lalu na ang paraan ng pag-order, pag-bayad at pag-deliber. Lagyan din ng mga hashtags ang iyong mga posts upang mas mabilis itong makita sa search.
Tandaan lang na halos 80 porsyento ng milenyal at GenZ na merkado ay sa video nahuhumaling. Ito kasi ang pinaka-epektibong paraan upang mahuli ang kostumer sa social media. Kaya namamayagpag ang live selling sa Facebook dahil sa aspetong ito.
Maraming uri ng video ang puwede mong gamitin. Nariyan ang gumagalaw na poster na video ang format. Merong mga online events o seminars kung saan mahabang diskusyon ang puwedeng gawin. At siyempre, may online video ads na maaaring gawin.
Kung hirap kang mag-isip ng gagawin, manood muna ng mga videos na nag-eendorso ng mga brands. Marami yan, kasama na ang mga pagsingit ng brands sa mga influencers.
#4 Pagsaliksik sa sa kumpetisyon
Lahat ng negosyo ay may kakumpitensiya kahit papaano. Madalas, may nauna na sa ideya mo. Kaya naman kung magsasaliksik ka ng mabuti, may shortcut ka na sa social media marketing negosyo mo. Sa paanong paraan?
Kung sasaliksikin mo ang bawat aspeto ng mga ginagawa ng kakumpitensiya mo sa social media, malalaman mo ang mga dapat iwasan, paghandaan at gagayahin o mas papalawigin, di ba?
Ang pagsaliksik sa kumpetisyon ay simple, ngunit kailangang masinsin at may konting analysis. Search mo ang at Facebook bilang pangunahing paraan kung saan makikita ang tungkol sa kanila. Kapag nakakita ka ng kapareho mong negosyo, malamang makikita mo sa baba o gilid ng search results ang iba pang kakumpitensya mo. Tandaan mo na maaaring direkta o di direkta ang kompetisyon ha?
Ang mga dapat tingnan ay ang mga piling produkto na kanilang mina-market at ano ang mga ginagawa nilang paraan sap ag-market sa social media, lalu na sa FB. Dito mo malalaman kung ano ang istratehiya nila sa kabuuan ng negosyo nila dito. Pag-aralan mo din ang branding at pagpapalawig ng kanilang reputasyon.
#5 Alamin ang mismong pinaka-kostumer mo
Kung di mo pa lubos na kilala ang merkado mo sa larangan ng social media, alamin mo ito. Alamin ang kung ano ang binabasa o pinapanood nila at kung ano ang mahahalagang bagay na kanilang pinagtutuunan ng pansin, pinag-uusapan at sinusundang mga isyu o bagay-bagay.
Merong simpleng analytics ang FB Page na tawag ay Insights. Dito nakikita ang mga trends, likes at kung anu-ano pa ukol sa page mo.
Meron ding mga libreng social analytics tools na makukuha online upang magawan ng forensics ang page mo at ang total na reputasyon mo online.
Ang pag-aanalisa ng kostumer mo ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng paggawa ng isatrtehiya sa social media marketing mo.
#6 Branding para negosyo mo
Sa dulo, mahalaga ang pagsasaayos at pananatili ng branding para sa negosyo sa social media. Ang milyon-milyong posibleng kostumer ay naghahanap ng mga mabibili mula dito at ang brand na mas nakakapangusap sa kanila ay ang magwawagi.
Ang laro ng branding sa social media ay may kinalaman sa reputasyon iyong nais iparatig. Mahalaga din ang pagkakaroon ng pokus of consistent na kulay, mensahe at iba pa na patungkol sa yong branding. Panatilihin mo lang ito, ok?
Konklusyon
Ang pagtuon mo ng pansin sa social media marketing para sa negosyo o startup mo sa 2021 ay mahalaga. Dahil na din sa pag-shift ng kostumer online ngayong pandemya, ayusin mo ang istratehiya dito.
Tandaan na ang pagnenegosyo ay nangangailangan ng sipag, tiyaga at dasal. Huwag kang mawawalan ng loob kung makakaranas ng pagsubok. Tuloy lang!
—
Si Homer Nievera ay isang techpreneur at makokontak sa chief@negosentro.com.
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon