ni Homer Nievera, CDE

Madaming dahilan kung bakit bumabagsak ang mga startup na negosyo. Pero kesa pag-aaral pa ang lahat ng ito, narito ang siyam na paraan para maiwasan ang pagkatalo mo.

#1 Pokus lang sa iyong merkado

Huwag palipat-lipat ng kostumer na iyong tutukan hangga’t di mo napapalaki ang isa. Magsaliksik ng mabuti kung tunay na nalulutas mo ang problema nila bago ka gumawa ng hakbang para sa ibang kostumer.

#2 Maging flexible

Dahil mabilis mag-iba ang pangangailangan ng merkado, dapat mabilis ka ding maka-adjust. Mas maigi pa nga na saliksikin ang maaaring maging galaw ng merkado kesa habol ka ng habol sa mga trends. Tandaan, hindi ang kostumer ang mag-aadjust sa ‘yo.

#3 Piliin ang tamang kostumer

Maraming bangungot na kostumer. Iwasan ang mga ito at sa halip, gumugol ng mas maraming oras sap ag-aayos ng relasyon sa mga mabubuting kostumer. Maiiwasan mon a din ang bad vibes sa negosyo.

#4 Piliin ang tamang kostumer

Sa pag-establish ng online business, kailangan ng tiyaga at pagsasaliksik ng aayon sa negosyo mo. Di lahat ng ginagawa ng iba ay gagawin mo din. Piliin ang naaayon sa iyong produkto, serbisyo at merkado. Tandaan ang dalawang bagay na ito: “Content is King” at “Service Excellence.”

#5 Mag-invest sa advertising at promotions

Maglaan ka ng budget para mapakilala ng husto ang iyong negosyo sa maraming kostumer na maaaring di mo pa naabot. Mubuti sana kung kaya mong kumatok sa maraming pinto nang di mo naiiwanan ang negosyo mo, di ba? Maglaan ng mula 5%-20% ng budget mula sa benta para sa advertising at promotions.

#6 Magplano

Di dahil may business plan ka na, ayos ka na. Nagbabago ang merkado at ang kalaban. Laging balikan ang naunang mga plano at baguhin ang kailangan.

#7 Piliin ang tamang team

Di ka nag-iisa sa tagumpay. Kaya kailangang mag-asembol ng tamang team para sa paglago mo. Mas mainam yung iba-iba ang mga kakayahan at talent para maraming kontribusyon sa ideya at implementasyon.

#8 Pag-aralan ang kumpetisyon

Lumingon-lingon ka din sa ginagawa ng kalaban mo sa negosyo. Lahat ng startup may pagkakaiba at pagkakapareho. Siguraduhing alam mo kung bakit sila umuungos at bakit hindi. Malaking tulong yan sa pagpaplano mo.

#9 Social media

Palagi kong isisingit ang larangan ng social media di dahil uso, kundi nariyan nay an sa mahabang panahon. Pag-aralang mabuti kung paano ito gagamitin para sa startup mo. Kumunsulta ng expert o kumuha ng consultant kung di mo gamay ito o walang oras para dito. Tandaan na sa social media makikita ang karamihan ng kostumer mo. Marami ka ding malalamang trends tungkol sa produkto mo o serbisyo at an ang gusto ng kostumer at hindi.

Maging mahilig sa pagsasaliksik sa lahat ng oras. Dito nakasalalay ang paglago ng negosyo mo.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

(Visited 88 times, 1 visits today)