Homer Nievera, CDE | Trapik. Isa lamang yan sa mgaraming dahilan kung bakit naiisip mong trabaho o magnegosyo na lang mula sa iyong tahanan. Maaaring marami kang naiisip na klase ng negosyo na pagtatagumpayan mo. Ngunit sa totoo lang, di basta-basta ang mag-home business. Katulad din yan ng pagpapatakbo ng ibang negosyo na dapat nakatutok ka at may alam ka sa marketing.

Narito ang limang paraan para magtagumpay ka sa Home-Based Business mo:

#1 Gumawa ka ng maayos na schedule

Hindi dahil nasa bahay ka lang, kabisado mo na ang oras ng pagtratrabaho mo. Mahirap din kayang magtrabaho sa bahay kasi maraming sagabal sa oras mo. Kaya ang dapat gawin ay sadyaing isulat ang schedules mo. Gaya ng pagbukas ng kompyuter mo, pagtayo, pagtimpla ng kape, pagkain at iba pa. Isama mo na din ang pag-ehersiyo para di naman saying oras mo.

#2 Ayusin ang problema sa miting at networking

Malaking problema yung nasanay ka na, na mas tahimik ang kapaligiran mo sa bahay at wala ka halos kausap. Dahil kailangan mo din naming makipag-miting at mag-network sa labas di ba? Una, sumali sa mga katulad mong home-based ang negosyo at kung may event na magkikita-kita, pumunta ka. Mag schedule ka din ng ilang meeting sa isang buwan para maging aktibo ka at visible ka sa kliyente at ibang tao. Makipaghalu-bilo ka. Yan ang isa sa sikreto ng tagumpay sa negosyo. No man is an island, di ba?

#3 Alamin ang mga paraan para mas makatipid pa

Alam mo naming dapat mas matipid na ang pagnenegosyo mo dahil nga home-based ka na. Kaso, marami ka pa ring dapat pagtitipiran. Tingnan mo kung kaya mo naming walang aircon paminsan-minsan, o LED na ang ilaw na gagamitin mo. Ako nga, pinalitan ko ang PC screen ko ng LCD matagal na at nakita kong mas matipid pala ito. Ngayon, uso na ang LCD screen sa PC. Ngayon naman, Inverter na ang mga aircon sa bahay at refrigerator.

#4 Pagbabayad at iba pa

Nadiskubre ko na mas mainam ang pagbabayad online at iba pang kaakibat na transaksyon. Ang Paypal ay nagging kaibigan ko bilang paraan ng pagbabayad – papasok o palabas. Ang mga gaya ng GCash at Paymaya ay ilan din sa mga maayos na sistemang komersyo ng pagbabayad o transakyon.

#5 Internet

Hindi ka mabubuhay sa negosyo mo sa bahay kung wala kang Internet – iyong mabilis ha? Kaya naman siguraduhing maayos ang linya mo. Yan ang buhay mo bilang komunikasyon, sa pagsasaliksik at pati na din sa bayaran. Siyempre, ang social media, nangangailangn ng Internet. Yan ang pangunahing pang-market mo di ba?

Ilan lang yan sa mga simpleng paraan upang magtagumpay sa negosyo mo sa bahay. Maging masinop at matiyaga. Darating din ang araw ng tagumpay.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com.

(Visited 120 times, 1 visits today)