ni Homer Nievera, CDE | Di naman lahat ng araw ay naka-angat ka. May mga panahong tila palubog na ang negosyo mong pinaghirapan at gulong-gulo ka sa nararapat na gawin. Narito amg apat na paraan para maisalba kung ano ang meron pa sa negosyo mo.

#1 Bisitahing muli ang Istratehiya

Kung tila di na gumagana ang unang mga istratehiya,, panahon na para bisitahin ito at baguhin kung ano ang nararapat. Huwag maging matigas ang ulo kung meron na palang signos na nagsasabing kailangan ng magbago ng plano.

#2 Iwasang mag-desisyon kung stressed ka

Ang taong stressed ay wala sa tamang pag-iisip. Lal una kung mag-dedesisyon ng mahahalagang bagay. Magpahinga ka muna. Matulog na maayos at kumain ng sa tama. Mag-meditate ka. Magdasal. Tapos, balikan mo ang mga plano at kumausap ng mga tauhan. Dun ka mag handang dumesisyon.

#3 Kunsultahin ang mga tauhan

Ang unang kinakausap sa negosyo ay ang mga taong may kinalaman ditto, gaya ng iyong mga tauhan. Kung may mga supervisor o manager ka, sila ang una mong kukunan ng report at reokemdasyon. Maigi din yung kakausapin mo ang mga tauhan sa baba o sa frontline. Sumama ka sa merkado, kung meron kang sales setup. Ipagsama-sama mo ang mga datos ditto at i-analisa.

#4 Humingi ng tulong

Tunay naming di mo kayang gawin ang lahat. Kailangan mo ding humngi ng tulong mula sa mga taong may kinalaman sa negosyo mo. Kung may banko kang pinagkakautangan, kausapin silang mai-restructure ang loans mo. Kumausap ng mga consultant, kaibigan at kapamilya. Pilling nga lang ang kakausapin mo dahil sa totoo lang di lahat ay concerned sa yo.

Di naman kaagad lulubog ang isang negosyo lalu na kung maaga mo itong naramdaman. Maging maagap. Umaksiyon kaagad habang matino pa ang isipan at puso mo. Magdasal ka para sa wisdom at discernment.

Kung maraming ka pang tanong ukol sa pitak na ito, puede naming mag email lang sa akin o kontakin ako sa FB page ko na nakasulat sa ibaba. Mag-aral at mag-tiyaga para lumago ang buhay. Gabayan ka nawa ng Diyos.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

(Visited 134 times, 1 visits today)