5 Bagay sa Pagtayo at Paglago ng Negosyo Mula kay John Gokongwei Jr.
ni Homer Nievera, CDE, CVM | Kamakailan, halos magkasunod na yumao ang dalawang tinaguriang taipan sa pagnenegosyo na sina Henry Sy Sr. at John Gokongwei. Ang kanilang legasiya ay nananalaytay sa kanilang malalaki at matagumpay na mga kumpanya na maraming Pilipino ang nakikinabang mula sa mga trabahong naibigay nito, at pati na rin sa mga iba’t ibang bagay.
Sa pitak na ito, ilalahad ko ang mga ilang tips na naiwan ni Mr. Gokongwei na siyang nagtayo ng JG Summit Holdings na nakilala sa mga brand na Robinson’s at Cebu Pacific. Tara!
Ang Pagsisimula ni Mr. Gokongwei
Literal na nagsimula si Mr. Gokongwei mula saw ala kung saan noong panahon ng giyera laban sa mga Hapon, naglako ng gulong at kung anu-anong bagay na maibebenta upang maitaguyod ang pamilya sa murang edad na 13. Yumao kasi ang kanyang ama at naiilit ang kanilang mga ari-arian at negosyo ng mga pinagkakautangan nila. Sa Cebu sila noon nakatira.
Wala siyang kamuwang-muwang sa negosyo, ngunit kailangan nilang bumangon kungdi, sila’y magugutom. Ang unang ginawa ng kanyang ina ay ipadala sa Tsina ang mga kapatid dahil mas mura ang pamumuhay doon, habang si Mr. Gokongwei at ang kanyang ina ay gumawa ng paraan para matustusan ang pagbiyahe ng mga ito.
#1 May oportunidad sa sakuna
Noong nagsisimula si Mr. Gokongwei sa pagtitinda, panahon iyon ng giyera. Ayon sa kanya, naging malaking oportunidad ang ganitong uri ng sakuna dahil kahit na edad 15 lang siya, kaya niyang makipagsabayan sa mga mas matanda pa sa kanya (doble hanggang triple ang diperensya nila ng edad!). Bakit? Kasi sa panahon noong ng giyera, lahat sila ay nasilat at nawalan nang lahat ng meron sila noon. Pananampalataya sa Diyos at sa sarili lang ang meron sila.
Noong nagbibiyahe siya (tinedyer lang siya noon) sakay ng isang batel – na isang maliit na bangka pangkalakalan), tumama ito sa malaking bato at lumubog. Sa kagandahang-palad, ang nilalako noon ng batang John ay mga gulong na dadalhin niya noon sa Maynila. Dahil doon, nailigtas nito ang mga kapwa biyahero at pati na ang kanyang mga panindang gulong.
#2 Kasama ng tagumpay ang sakripisyo
Noong natapos ang giyera, edad 19 na si Mr. Gokongwei. Ang ekonomiya noon ng Pilipinas at ng iba pang bansa na dumaan sa giyera ay umaasa sa mga importasyon dahil na rin sa nasira ang industriya ng paggawa (manufacturing). Sumali na si Mr. Gokongwei sa naturang larangan kung saan nag-angkat siya sa Estados Unidos ng mga tira-tirang tela, prutas, damit at mga lumang babasahin. Ang kagandahan daw nun ay nakakasuot siya ng magagarang damit sa panahong nanliligfaw siya sa mapapangasawang si Elizabeth.
Ang negosyo ng importasyon ng mga bagay-bagay ay siyang nagsimula upang umangat ang kanyang pagnenegosyo. Ito na rin ang naging paraan upang mapa-uwi niya ang kanyang mga kapatid upang mag-aral at makatulong sa pagnenegosyo. Gaya ng mga tradisyonal na Pilipinong Tsino, nagtatrabaho bilang bodegero, kahera, at lahat ng puwedeng maginbg trabaho ng magkakapamilya. Tumira sila noon sa isang dalawang palapag na apartment na siya din naging bodega nila. Pati daw amoy ng mga nabubulok na prutas at gulay ay kasama sa araw-araw nilang pamumuhay.
#3 Tumingin sa hinaharap at paghandaan ito
Nang matapos ang giyera, nakita noon ni Presidente Quirino kinakailangang bawasan ang ang mga importasyon upang makatipid sa palitan ng dolyar at piso. Naisip ni Mr. Gokongwei na kung ganun, sa katagalan, apektado ang halaga ng kanyang mga paninda. Kaya naman nagisip na siyang lumipat sa negosyo ng paggawa o manufacturing.
Ang nakita niyang oportunidad ay sa larangan ng paggawa ng Cornstarch o harinang gawa sa mais. Alam ni Mr, Gokongwei na marami siyang mapagkukunan ng mais dahil sa galing siyang Cebu at marami nito sa Negros noong mga panahong iyon. Nagtayo siya ng planta sa paggiling ng mais. Nakita din niya na ang harinang mais at glucose ay mahalaga sa industriya ng tela, papel, ice cream, beer at gamot. Tama nga siya sa kanyang bisyon kaya umangat ang industriyang ito.
Nakita din niya ang paglago ng kanilang negosyo ay mas aangat pa kung lalagyan niya ng branding ang kanlang mga negosyo na noon ay nasa larangan na ng kape, tsitsirya at kendi. Tumama na naman si Mr. Gokongwei dahil ang mga brand na Blend 45, Maxx at Jack n’ Jill ay kilala natin.
#4 Alagaan ang integridad
Noong nagbabalak si Mr. Gokongwei na tumungo sa manufacturing, alam niyang kailangan ng malaking kapital para makipag-banggaan sa mga malalaking kumpanya na noon ay namamayagpag. Pumunta siya noon sa China Bank na pinamumunuan noon ni DK Chong bilang president at ni Dr. Albino Sycip na noo’y Chairman ng bangko. Pinautang siya noon ng kalahating milyong piso kahit pangalan lang ang tanging meron noon si Mr. Gokongwei.
Sa mga dumaang taon, nang tanugin si Dr. Sycip kung bakit niya pinautang noon si Mr. Gokongwei, sinabi niya na Nakita niya sa kanya ang sinseridad at integridad.
Sab inga ni Mr. Gokongwei sa isang interbyu sa kanya, na tila mas may alam si Dr. Sycip ukol sa kanya kesa sa siya mismo.
#5 Maging matapang sa pagharap sa kahit na anong bagay sa buhay
Nagsimula ang buhay negosyo ni Mr. Gokongwei sa harap ng trahedya sa murang edad. Kesa malugmok, buong tapang niya itong hinarap. Maraming pagkakataong hinarap pa ni Mr. Gokongwei ang mga hamon sa buhay at negosyo kaya naman siya ay nagtagumpay.
Noong lumaban sa pababaan ng presyo ang mga mas establisyadong manufacturer at multinational laban sa kumpanya niya, nanaig pa rin sila dahil sa buong tapang nilang hinarap ang labanang ito at di natinag. Lumaban sila sa larangan ng kalidad at relasyon sa mga kliyente. Sabi din ni Mr. Gokongwei – paano kung nanatili lang siya bilang manufacturer ng Cornstarch, maaabot kaya nila ang tagumpay nila ngayon? Kung di sila nag-invest sa iba’t-ibang negosyo, lalagi ba ang interes nila sa negosyo?
Pagtatapos
Sa isang interbyu, naibahagi ni Mr. Gokongwei ang ilang bagay sa di lamang puro salita kungdi kanya mismong isinabuhay para magtagumpay sa negosyo. Ito ay ang pagkakaroon ng integridad, sipag at tiyaga, pagiging masinop, at ang pagkilala at pag-angkop sa pagbabago.
Sabi ni Mr. Gokongwei, dapat buo ang loob mong mangarap nang malaki.
Kaya bilang isang entrepinoy, kilalanin ang kakayahan mong mangarap at harapin nang buong tapang ang kinabukasan kasama ng pagtiwala sa sarili at pananampalataya sa Diyos.
—
Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na chief@negosentro.com
Tags In
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon