ni Homer Nievera, CDE, CVM | Maituturing ba ang negosyo mo bilang isang SME? Sabihin na lang natin na kaya ka nagbabasa ng pitak na ito ay dahil nais mong matutunan ang mga bagay-bagay bilang isang negosyante sa kategoryang ito. Kung ganun na nga, narito ang mga tips ko para mai-marekt ka nang maayos.

#1 Email Marketing

Sa panahong teknolohiya, di pa rin maluluma ang paggamit ng email. Sa pagbukas ng mga account sa social media man o sa banko, mahalaga ang email, di ba? Kaya naman kung may listahan ka ng mga kostumer mo o kaya’y mga target mong kostumer, maaari ka ng magsimula gamit ang mga email nila.

Tandaan lang na di basta-basta ang nilalaman ng isang email. Dapat tandaan na personal ang paggamit nito kaya ang pangalan ng kostumer ay dapat na binabanggit, sa una pa lamang. Puede na din ang Mr./Mrs. o anumang titulo gaya ng Atty., Engr., at iba pa. Paggalang sa tao na tinatarget mo ang gamit ng mga titulong ito.

Ang susunod na laman ng email mo ay ang pagpapakilala sa kumpanya mo. Dapat, sa loob ng tatlong pangungusap, maiintindihan na nila kung sino ka at ano’ng ginagawa mo. Ang isusunod agad na laman ng email ay ang pagbanggit ng maaaring problema ng kostumer at paano mo ito maaayos. Sa dulo, magpasalamat ka at humingi ka agad ng appointment.

 

#2 Social Media

Kung may email ka man o wala ng kostumer, sunod mong ayusin ay ang Facebook Page mo o anumang account mo sa social media. Tandaan na di personal na account into kundi isang Business Account. Dahil na din mas maraming features kang magagamit kung pang negosyo ang gagamitin mong account.

Ang maaaring dahilan sa pagbuo ng social media account ay ang posibildad na may mas ma-target kang wala naman talaga sa listahan mo ngunit kapaerah ng mga iba mo ng kostumer. Kaya kasing ma-target ito sa pamamagitan ng tinatawag na “preferences” na ayon sa datos ng social media gaya ng Facebook.

Ang unang paggamit ng social media ay tinatawag na Customer Service – o serbisyo para sa kostumer. Mas mabilis ang pagsagot lalu na’t sa Comments o Messenger nagpunta ang kostumer.

Kung sa sales (o pagbenta) mo naman gagamitin ang social media, di madali itong gawin. Ang madalas kong ginagawa ay ang pag-boost ng mga post. Subukan mo to. Halagang 40 pesos lang naman kada boost ng post.

 

#3 Networking

Ang networking o ang pagkikita-kita ng mga taong maaaring may pangangailangan sa isa’t isa ay nangyayari pa rin ngayon kahit maraming nasa social media? Bakit? Kasi mas mabilis mong ma-close ang isang negosyo kung kaharap nyo ang isa’t isa. Mas mabilis kasing nabubuo ang tiwala sa isa’t isa.

 

Paano ba sinisimulang ang networking? Madali lang ito. Kung may mga organisasyon ang ginagalawan mong negosyo, ang pagsapi man at ang pakikisalamuha sa mga ka-industriya mo ay simula na ng networking.

Sa mga pagtitipon, siguraduhing may dala kang Business Cards (tarheta). Ito kasi ang madalas na nagpapalitan sa isang Networking Event. Hanapin ang mga skeydul sa ibang ibang anunsyo gaya ng Facebook o Instagram o Twitter. Sa Internet, mas malawak mo itong masasaliksik.

Tandaan na di naman mahirap magsimula sa marketing bilang isang SME. Kailangan lang na lagi kang nag-aaral. Samahan mo ng dasal at umpisa na an patungo sa tagumpay.

 

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na chief@negosentro.com

(Visited 3,402 times, 1 visits today)