5 Bagay na Gagawin Para Pasiglahin ang Negosyo sa 2019

ni Homer Nievera, CDE | Malapit ng matapos ang taon. Itong nahuhuling mga linggo ng 2018 ang tinatawag na huling sipa para umarangkada pa ang negosyo. Kung ngayong taon ka pa lang nagsumula sa startup mo, panahon na para ayusin ang mga bagay na magpapasigla sa negosyo sa 2019.

Narito ang limang bagay na dapat pagtuunan ng pansin:

#1 Line-up ng mga tao

Ang pinakamahalagang investment mo sa negosyo ay tao. Ang kapasidad ng mga to mon a manungkulan at mag-contribute ng kanilang kakayahan ay pangunahing bagay na dapat pagtuunan ng pansin. Kumusta ba ang “starting line-up”mo? Buo pa ba? O may kailangan ka ng idagdag? O baka naman kailangan lang na dagdagan ang kaalaman sa pamamagitan ng training o mentoring? Tingnang mabuti ang mga plano para sa susunod a taon at tingnan kung saan kailangan ng adjustment sa usaping HR (human resources).

#2 Cashflow

Tuloy-tuloy ba ang benta at koleksyon? I-tsek mo ang cashflow ng negosyo para sa anumang expansion sa 2019. Bago ka kasi mag-isip ng mga bagong pag-iimbestan, siguraduhin munang may pagtustos sa operations. Kung sa tingin mo ay kukulangin, baka kailangan mon a ng imbestor o dagdag capital mula sa bangko. Importanteng mapanatili ang positibong cashflow sa lahat ng oras.

#3 Serbisyo sa Kostumer

Ang serbisyo para sa mga kostumer mo ay mahalagang panatilihing mataas ang antas. Tandaan na ang customer service ay mahalaga sa lahat ng negosyo, maliit man o malaki. Suriin mo ang kalidad at pamamalakad mo sa mga frontliners mo o ang mga taga-sagot sa telepono o sa social media. Basta’t nakaharap sa kostumer, silipin ang proseso kung nasa ayos. Dahil ayaw mong mawala ang mahahalagang kostumer habang nagnanais kang lumago sa susunod na taon.

#4 Estado sa Industriya

Mahalagang bisitahin ang katayuan mo sa industriyang ginagalawan mo. Madalas kasi, ipinapagkumpara ka sa ibang kakumpitansiya mo sa industriyang ginagalawan mo. Silipin ang estado mo sa social media at Google sa pamamagitan ng “forensics”tools kung saan malalaman mo ang ranking laban sa iba. Ang kumpanya kong Mediablast Digital ay gumagawa ng ganitong forensics ng libre para sa mga startup man o malaking negosyo. Email nyo lang ako sa homer@mediablastcorp.com para dito.

#5 Business Plan
Nakahanda na ba ang business plans mo para sa susunod na taon? Huwag magbakasakali, maliit man o malaki ang negosyo mo. Ang tamang pagpaplano ay mahalaga sa lahat ng bagay. Kung di mo pa ito nagagawa, upuan kaagad kasama ang mga supervisor o manager mo. Gawin ito para malaman mo ang tamang istratehiya para sa susunod na taon.

Ang matiyaga at maagap ay siyang nagtatagumpay sa negosyo man o sa buhay. Pagtuunan ng pansin ang tamang pagpaplano at aksyunan agad ang mga maaaring maging problema ngayon pa lang.

Tuloy mo lang tiwala sa sariling kakayahan at ipagdasal ang negosyo sa lahat ng oras. Ang tagumpay ay nasa kamay mo na.


Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.