by Homerun Nievera | BravoFilipino.com |

Limang ‪#‎Hugot‬ na natutunan ko sa pagluto ng itlog:

#1 Maraming paraan sa pagluto ng itlog. Sa huli, itlog pa din yan.

Ganyan sa buhay. Maraming oportunidad at balakid, depende na lang sa pananaw mo. Buhay mo yan. Ikaw ang gagawa ng sarili mong ending.

#2 Di puedeng kainin ang itlog kung di mo ito babasagin.

Hindi lahat sa buhay natin ay nakahain na. Kelangan may gagawin ka din para magtagumpay. Magsumikap, magdasal, mag-antay, at tumayo pag bumabagsak. Ganun kasimple.

#3 Minsan, pagbukas mo ng itlog, basag ang pula. Puede mo naman i-scramble, di ba?

Di dahil ipinanganak ka nang mahirap eh, mamamatay kang mahirap. Nasa kamay mo at pag-iisip, kung ano ang patutunguhan mo. Desisyon lang ang katapat ng buhay.

#4 Para sumarap ang scrambled egg, lagyan ng asin, at iba pang sangkap na nais mo. Puede mong ibahin ayon sa panlasa.

Sa relasyon, di puedeng steady ka lang. Dapat nagle-level-up din. Hanapin ang tamang timpla, at huwag hanapin sa iba.

#5 Sa pagluto ng sunny-side-up, di puedeng malakas ang apoy. Masusunog agad ang gilid nito.

Sa buhay, dapat chill ka lang. Wag laging nagmamadali. Maiksi na nga lang and buhay, eh lalo mo pang iiksian. Di tama ang YOLO (you only live once). Dapat, YLAP (You Live with A Purpose). Lagyan mo ng meaning ang buhay mo. Wag yung puro saya at adventure na wala namang purpose. Maging appreciative sa mga maliliit na bagay gaya ng hangin, bulaklak, kaibigan, mga mahal sa buhay, at ang araw-araw na blessings.


Ang buhay, parang itlog. Hindi sya eksaktong bilog na basta patuloy at suwabe ang ikot. Pag binasag at hinalo para sa scrambled egg, gumugulo, pero masarap na tagumpay sa dulo.

Ikaw, ano’ng luto ng itlog ang nais mo?

 

(Visited 327 times, 1 visits today)