5 Paraan Para Mas Makakuha ng mga Kliyente o Kostumer at Lumaki ang Benta
ni Homer Nievera, CDE, CVM | Sa dami ng puwede mong gawin para makakuha ng mga kliyente para sa iyong negosyo, sumasakit na siguro ang ulo mo.
Malamang din, nagawa mo na ang lahat ng alam mong gawin.
Sa totoo lang, marami pang puwedeng gawin na may kinalaman sa marketing ngunit mahitrap ding mamili at linangin ang mga nakaumang dagdag kaalaman na marami naman sa internet. Kaya naman naglista ako ng ilang magagamit mo na ngayon para sa startup o negosyo mo.
Tara na!
#1 Ayusin ang SEO ng Website mo
Kung may website ka, ang tanong, eh, kung meron bang nakakakita sa iyo kapag nag search sa Google? Yan ang madalas na tanong na mahirap tanungin at ang tingin nang marami ay kailangan ng mga eksperto sa SEO (search engine optimization).
O, sige, totoo namang kailangan itong gawin ng isang eksperto. Ngunit sa simpleng paraan, makakatulong ang pagsulat mo ng mga artikulo sa ilalagak mo sa website mo, patungkol sa iyong negosyo. Puwede naman kasing eksperto ka talaga sa larangan na may kinalaman sa produkto o serbisyo mo. Sa pamamagitan kasi nito, ang algorithm ng Google na mismo ang mag-aayos para Makita ang sinulat mo. Mas maraming artikulo, mas ok.
Ang mahalaga dito ay ang paggamit mo ng mga tinatawag na “keyword” na may kinalaman sa produkto o serbisyo mo. Huwag ka lang sosobra sa limang beses sa pagbanggit kasi di na din ito gusto ng Google.
Sa loob ng ilang lingo o ilang buwan, makikita mo na ang resulta.
#2 Gumamit ng mga Testimonials
Naalala mo ba ang site na Friendster? Kung kasama ka pa sa henerasyon na ito, malamang naalala mo ang paghingi ng “testi” – o testimonial.
Sa panahon ngayon, dahil marami na ang gumagamit ng teknolohiya gaya ng internet, ang pagkuha ng mga testimonial sa mga kliyente o kostumer ay mahalaga. Kung may online business ka gaya ng sa Lazada o Shoppee, mapapansin ang halaga ng positive reviews, di ba?
Tandaan na kung nakikita ng mga tao ang mga testomonyal, na-eenganyo silang bumili sa iyo. Siyempre, dapat tunay ang ang mga sinasabi nila at bawal mag-imbento. Gamitin ang TrustPilot.com para makakuha ng tunay na ratings anuman ang negosyo mo. Puwede mong hingin ang review nila at papuntahin sa site na ito. Kasunod nun, puwede mong kunin ang link ng reviews sa Trust pilot at ilagay sa mga email mo, website at kung saan makikita ng iba.
#3 Balikan ang mga regular at dating kostumer o kliyente
Ang karamihan ng mga nagnenegosyo ay nakakalimot na makipag-ugnayan sa mga regular at dating kliyente o kostumer. Ang pakikipag-ugnayan sa kanila ay malaki ang ang magagawa sa sales mo.
Alam mo bang ang probabilidad na makakabenta ka uli sa dati mo ng kostumer ay mula 60% hanggang 70% kesa bagong kostumer? Di lang yun. Ang mga dating kliyente ay gumagastos ng mahigit 33% sa bagong kostumer.
Kaya kung mag focus ka muna sa dati at regular mong kostumer, mas makakabenta ka. Simple lang kasi yan. Ang mga kostumer mong natuwa sa produkto o serbisyo mo ay siya na ding magdadala ng ibang kostumer. Kasama na din yan sa mga testimonyal na hinahanap mo.
Tandaan na kung masaya ang mga kostumer mo sa ginagawa mo, libreng marketing nay an. Kaya naman responsibilidad mo bilang negosyante and ayusin ang kalidad sa lahat ng bagay.
#4 Magbigay ng libreng workshop o maging tagapagsalita (speaker)
Kung may mga lokal na organisasyon na puwede kang magbigay ng iyong kaalaman, mainam ito bilang marketing mo. Ang ganitong istratehiya ay nakakagawa ng ingay ukol sa pagiging eksperto mo at gayundin ukol sa mga produkto o serbisyo mo.
Madalas kasi, mga consultant sa iba’t ibang larangan ang gumagawa nito. Pero ikaw bilang negosyante ay maraming kaalaman na maibabahagi sa mga kapwa negosyante at sa mga nais makuhang kostumer.
Sa katunayan, marami akong naging kostumer sa mga negosyo ko dahil sa pagiging resource speaker sa mga larangan na aking naibabahagi.
Ikaw, kaya mo ding gawin yun. Magsimulang mag-network sa mga organisasyon.
#5 Gamitin ang social media
Baka naman nakalimutan na ang halaga ng social media. Pero bago mo isipin na mukhang nagawa mon a ang lahat ukol dito, tingnan muna ang paggawa ng iba’t ibang content gaya ng video at podcast at ilarga sa social media.
Kung kaya mong gumawa ng mga video na naglalarawan ng iyong expertise at naibabahagi mo ang mga kaalaman mon a may kinalaman sa negosyo mo, mas ok yun. Gayundin sa paggawa ng mga podcast. Ang pinagkaiba lang naman nila ay yung isa video at yung isa audio. Ang mahalaga ay ang content o yung nilalaman ng nais mong ibahagi.
Pag-aralan muna ang mga istilo na ginagawa ng iba. Saliksikin ito sa Youtube, Facebook at Instagram. Ang iba naman, sa Linkedin gumagalaw.
Pagtatapos
Mahalaga ang sales at marketing sa negosyo. Kailangan mol ang sipagan pa at ang pagiging malikhain upang maibahagi ang iyong mensahe sa mga kliyente at kostumer. Tandaan na di moa gad makukuha ang tamang timpla. Basta tuloy-tuloy lang sap ag experiment at makukuha mo din ang angkop sa negosyo mo.
Lagi kang magkaroon ng kompiyansa sa sariling kakayahan at mag-aral pa sa mga kakulangan. Magkaroon ka ng sipag at tiyaga at ang maging masinop sa lahat ng bagay.
Buong tapang mong harapin ang bukas. Ipagpatuloy ang positibong pananaw at kilalanin ang kakayahan mong lumago. Higit sa lahat, mangarap para sa kinabukasan kasama ng pagtiwala sa sarili at pananampalataya sa Diyos.
Gogogo!
—
Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na chief@negosentro.com
Tags In
Related Posts
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon
Archives
- October 2022
- September 2022
- August 2022
- July 2022
- June 2022
- May 2022
- April 2022
- March 2022
- February 2022
- January 2022
- December 2021
- November 2021
- October 2021
- September 2021
- August 2021
- July 2021
- June 2021
- May 2021
- April 2021
- March 2021
- February 2021
- January 2021
- December 2020
- November 2020
- October 2020
- September 2020
- August 2020
- July 2020
- June 2020
- May 2020
- April 2020
- March 2020
- January 2020
- December 2019
- November 2019
- October 2019
- September 2019
- August 2019
- July 2019
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- December 2018
- November 2018
- October 2018
- September 2018
- August 2018
- July 2018
- June 2018
- May 2018
- April 2018
- March 2018
- February 2018
- January 2018
- February 2017
- October 2016
- July 2016
- June 2016
- May 2016
- December 2015
- November 2015
- October 2015
- August 2015
- June 2015
- May 2015
- April 2015
- March 2015
- February 2015
- November 2014
- September 2014
- August 2014
- July 2014
- April 2013
- March 2013
- January 2013
Categories
Recent Posts
- 8 Karagdagang Tips Mula sa Mga Bilyonaryo Para sa Buhay at Negosyo
- Ilang Mahalagang Pananaw sa Kahalagahan ng SEO sa Maliit na Negosyo
- Ilang mga palatandaan na handa ka nang maging isang negosyante
- Ilang Pangunahing Leksyon mula kay Robert Kiyosaki sa Pamumuhunan
- Benepisyo ng SEO sa Negosyo sa Panahon Ngayon