Negosyong Panalo

4 na Bagay Paano Magsimula ng Negosyong Panalo!

ni Homerun Nievera, CDE |

Nag-iisip o nagpa-plano ka ng isang negosyo?

Bakit di natin simulang ang negosyong panalo! Ayus, di ba?

Pero teka. Alam mo namang di lahat ng negosyo ay nagwawagi, at ang iba pa nga ay nalulugi. Tama naman yun. Ngunit ang dapat mong pagtuunan ng pansin ay ang paano mo sisiguraduhing panalo ang magiging negosyo mo.

Narito ang tatlong paraan. Let’s go!

#1 Buksan ang kaisipan sa bagong negosyo

Minsan kasi, dun ka laging tumutuon sa nakagawian na. Yung tipong naiplano mo na ang lahat tungkol sa naisip mong negpsyo na kahit may mga bagong puwedeng ikonsidera, di mon a ito papansinin. Mali!

Dapat, limitless ang mindset mo. Yung bukas lang ang isip mo at walang bakod. Di sarado ang kaisipan sa nakagawian. Ganyan ang utak ng panalo!

Paano mo ito sisimulan? Makipag-brainstorming ka sa mga partners mo o kaya’y mga kaibigan. Sabi nga nila, ang mga magagandang ideya ay nakukuha sa panahon ng inuman o di pormal na pagtitipon. Mas mainam ang mas maraming tao na nag-iisip sa isang ideya. Yung pasalin-salin at paglinang ng isang ideya sa pamamagitan ng mga tao ay mainam para makabuo ng isang matagumpay na ideya na bubuo sa matagumpay na startup. Subukan mong gawin.

#2 Saliksiking mabuti ang merkado

Kung nakapag-simula ka na sa brainstorming, puwede mon a agad isunod ang pagsasaliksik sa mga napag-usapang ideya. Mas magkakaroon ka ng direksyon kung magsasaliksik ka at pag-aaralan ang bawat galaw, bago mismo magsimula ang unang hakbang.

Madalas, ang mga startup ay nagkakamali at nagsasayang ng pera sa pamamagitan pa lang ng maling kostumer.

Gumawa ka ng “persona” ng kostumer mo. Masinsin mong idetalye ang deskripsyon ng kostumer mo. Magsimula ka sa isang profile o persona ng kostumer at mula ditto ay bumuo ka ulit ng isa pa at susunod pa.

#3 Subukan ang iyong plano

Ang susunod na hakbang ay ang pag-test ng plano mo. Bago ka sumabak sa malakihang gastos ng marketing, i-test mom una ang plano mo. Ganyan talaga sa simula. Dapat masinop ka at may maraming baong pasensya. Kapag di mo ito nagawa, baka matalo ka ng big time.

Dahil na din mabilis magbago ang panahon at teknolohiya, gayundin kabilis magbago ng isipan ang mga kostumer mo. Kaya saliksikin at subukan muna ang Business Plan mo. Wag kang totodo agad ng galaw. Test market muna.

Anuman ang sitwasyon mo at anuman ang klase ng negosyo mo, tandaan at isa-puso ang tatlong bagay na aking nabanggit sa pitak na ito. Ipagdasal lagi ang negosyo dahil ang gabay ng Panginoon ang tanging makakatulong say o sa anumang sitwasyon.

Si Homerun Nievera ay isang technopreneur at consultant sa iba’t ibang kumpanya nang may kinalaman sa tech at digital marketing. Kung nais mong makipag-ugnayan, email mo siya sa chief@nego

(Visited 2,229 times, 1 visits today)

You may also like